Chapter 6

77 1 1
                                    

Pumayag naman yung may ari nung apartment, buti nalang mabait siya kundi baka nasabihan ako ng kung ano ano. Well, maiintindihan ko rin naman kung ganon kasi kung hindi ako nauna edi sana may makakaph stay na iba sa apartment ng mas matagal at makakapag bayad ng maayos.

"Okay na lang daw po sabi nung may ari" sabi ko habang papalapit si Jeo. "Oh sige na, ayusin niyo na ni J ang mga gamit mo para makaalis na tayo at makapag pahinga kana" Ani ni tita Ja.

Tumango naman ako at sinabing "sige po" at nagtungo na sa pintuan ng apartment upang buksan ito. Si Jeo naman ay sumunod lang sakin "pasensya kana ah, mapagbubuhat kapa ng mga gamit ko" pagbasag ko ng katahimikan habang nilalagay ko sa luggage ko ang mga gamit kong nailabas ko na kanina.

"Okay lang yon, sinanay na rin ako nila my at dy sa ganito. Malaking bagay na rin ang pagsanay nila sakin dahil natututo ako" saad niya.

Natahimik naman ako at nag hum lang bilang tugon sa sinabi nya. Dali dali kong inayos ang gamit ko para makaalis na, hindi naman nagtagal ay natapos din ako. Kaya naman ipapabitbit ko nalang dapat kay Jeo yung magagaan kasi nahihiya naman ako pero hindi ito pumayag at kinuha ang luggage ko, handbag at yung paper bag na pinaglagyan ko ng pinagpalitan ko ng damit. Kukuhanin ko na dapat yung paper bag at hand bag pero ayaw ibigay ni Jeo kaya sumunod nalang ako sa kaniya at napakamot naman ako sa ulo ko.

"Ganito pala ang feeling ng may tumulong na gentleman, grabe ka naman mang hila J. Ikalma mo self"

Paglabas namin ng pinto ay nilock ko na ito at sinabayan ko sa paglakad si Jeo patungo sa mga sasakyan at dahil sa nahihiya ako akmang kukunin ko na ulit yung paper bag at hand bag ng sabihin niyang "wag na, kaya ko na 'to" sabay ngiti niya sakin. Ante yung puso ko natunaw! Kalma self, hindi ka pwede magpahalata.

"Ah, okay thank you..." mahina kong sagot at sumabay nalang sa lakad niya, mukha nga namang hindi suya nahihirapan sa mga gamit ko kasi kung maglakad ito ay parang yung usual na lakad lang niya kapag walang dala.

Nilagay na ni Jeo yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan kaya naman pumasok na ako, sumunod na din naman siya pagkatapos at biglang tumunog yung walkie-talkie.

"Ready na ba ang lahat? Tara na!" Pag aya ni tito Geo. Kaya naman umandar na ang sinasakyan namin matapos paunahin ni tito Jeryl sila tito Geo. Tahimik lang kami the whole ride, nawalan na rin ata ng energy ang mga kasama ko pagod na rin siguro. Biglaan naman ang pagbuhos ng ulan sa daan, may kalakasan din ito.

Di kalaunan ay narating na rin namin ang bahay nila, namangha naman ako sa itsura nito dahil mas maganda ito sa personal kumpara sa kuha lang ng camera. Bumaba na rin sila Meng pagtigil ng sasakyan, napangiti naman ako dahil ngayon ay nawiwitness ko na kung paano sila umakto kapag naulan ng biglaan at walang payong. Ako naman ito, dapat bababa na ako ng sasakyan ng biglang may nagbukas ng pinto.

Nakita ko si Jeo basa na ng ulan. "Nasa bahay na yung nga gamit mo, nagpatulong ako kay Meng kanina. Halika na icover ko nalang ulo mo. Gamit nila Dongdong at My ang payong eh" sabi nito at namula naman ako. Ito na naman siya guys, sinusubok na naman ako ni Lord.

Bumaba na ako at kinuha ni Jeo yung cap niya na nakalagay sa arm rest ng sasakyan, pinasuot nito sakin ang cap at inalalayan ako papasok ng bahay. Hawak hawak nito ang kamay ko at yung isa naman niyang kamay ay nakatuon sa ulo ko, may kalakasan din kasi ang hangin baka lipadin yung cap.

Hindi ko naman maiwasan ang kiligin. Hahakbang na sana ako sa steps ng bahay nila ng biglang dumilas yung tsinelas na suot ko. Out of reflexes, Jeo wrapped his arm around my waist to prevent me from falling, nakita naman ito ng buong Ong fam dahil nagaabang sila sa terrace ng bahay.

"Hala, yung puso nahulog!" Pang aasar ni Siko "Tsk, baka maging uncomfy si Trisha" pag awat ni tita Ja. Napatawa naman ang lahat habang ako ito nagmamala kamatis ang mukha.

"Yung puso ko nga po, nahulog na pakisalo din J, kagaya ng pagsalo mo sakin ngayon"  Hay nako Trisha, magtigil. Dapat maangas ka lang okay?

Umayos naman ako ng tayo at bumitaw na sa akin si Jeo. After non ay naglinis na ng katawan ang lahat ng nabasa ng ulan.

"Trisha" pagtawag sakin ni Naynay. "Po? Bakit po?"

"Tawag ka nila dun sa terrace" ngiti ni naynay. "Sige po, salamat po"

Nagtungo ako sa terrace at naabutan kong nakaupo si tito Geo at tita Ja na mukhang nag uusap. Lumapit ako sa mga ito at nag sakita "tawag niyo daw po ako?"

"Ay, oo. Tatanong lang sana namin sayo na kung okay lang na dun kana matulog sa kwarto ni J? Makihati ka nalang don, sigurado naman akong hindi labag sa loob ni J" panimula ni tita Janice.

"Nakausap na rin namin si J, okay lang naman daw sa kaniya. Sabi niya pa kung hindi ka daw komportable ay pwede siyang sa sofa nalang sa salas matulog" dagdag ni tito Geo

"Ay nako, okay na po na hahati nalang ako kay Jeo. Nakakahiya at nakakaawa naman po kung mawawalan siya ng kwarto dahil sakin, actually pwede naman po na ako nalang matulog sa salas, wala naman pong problema don"

"Hindi na, humati kana lang kay J. Ipaalam mo lang samin kapag may kailangan ka ha? Sige na, pahinga kana" malambing na pagkakasabi ni tita Janice.

"Salamat po ng marami sa inyo"

"Welcome, ay si Dongdong nga pala gusto daw mag goodnight sayo madadaanan mo naman yung kwarto namin pag pupunta kana sa kwarto niyo ni J" saad ni tito Geo.

"Okay po, salamat po ulit"

Nonstop "kwarto niyo ni J" ang nag eecho sa isip ko. Kinakabahan ako dahil baka masama ang loob ni Jeo.

A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ffWhere stories live. Discover now