Chapter 1

100 4 1
                                    

I was just about to kiss the love of my life ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Iritable kong binuksan ang mga mata at pinatay ang alarm clock, nag unat unat muna ako sa kama at saka bumangon na. Nagtungo ako sa aking banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Matapos kong maghilamos at mag toothbrush, nagtungo ako sa aming kusina. Amoy na amoy ang mabangong almusal na niluluto ng aking lola habang ang ibang miyembro ng pamilya ko naman ay nagsisimula nang maglinis ng aming bahay.

"Gising kana pala, halika tulungan mo muna ako magluto para makakain na tayo" saad ni mommy, nga pala ang tawag ko sa lola at lolo ko(mother side) ay mommy at daddy. Habang ang tawag ko naman sa mga magulang ko ay mama at papa.

Nagsimula na akong mag assist kay mommy sa pagluluto para makakain na kami. "Apo, Anong balak mo ngayong bakasyon?" Tanong ni mommy at napatingin naman sa amin ang aking mama. "Oo nga nak, anong balak mo? Hindi ba malaki na ang naipon mo sa banko mo, simula bata nagiipon kana diba?" Pagtataka ni mama.

"Ahh opo, gusto ko po sana mag travel mag isa papuntang Palawan. Matagal ko na po gusto pumunta mag isa don eh, yun po ay kung papayagan niyo ako. Okay lang po ba?" Tanong ko. Tinitigan lang ako ng mama at lola ko, napakamot naman ako sa aking ulo at sabay sabing "Promise magiingat po ako at tatawagan ko po kayo araw araw, Pleaseee" pagpupumilit ko.

"Ano pa nga ba, matagal mo na pinagiipunan yan eh. Basta mag uupdate ka sa amin nila papa mo ha, nako Trisha O. Astridelle sinasabi ko sayo malilintikan ka" pananakot ni mama, niyakap ko sya at nag pasalamat. Nagpatuloy na ako sa pagtulong kay mommy habang may malaking ngiti sa aking mga labi.

Pagtapos namin kumain pinagpahinga ko na muna sila at ako na ang naglinis ng pinagkainan. Matapos kong maglinis, umakyat na ako sa ng hagdan patungo sa kwarto upang magtingin ng mga available flights ngayong month o week. Gusto ko talaga kasing maexplore ang ganda ng Palawan and I also want to stay there for a long time para mas mafeel ko yung bakasyon ko.

May nakita naman kaagad ako na isang flight next week. I booked the flight eagerly, baka may mauna pa sayang naman kung mauunahan pa ako at magiintay na naman ako para may maging available.

Naligo na rin ako matapos kong magbook ng flight, bumaba ako sa living room para makipag kwentuhan kay papa at para na rin makapag paalam ako sa kaniya, oh diba ang galing nabook ko na yung flight pero hindi pa ako nagsasabi kay papa. Pero alam ko naman na nanigyan na sya ni mama ng heads up, gusto ko lang na personal akong makapag paalam kay papa bilang pag galang narin.

"Pa, nagbabalak po akong mag solo travel sa Palawan. Nakapag paalam na naman po ako kay mama, pinayagan na po ako nila mommy at mama, nabook ko na rin po yung flight. Pasensya na po kayo kung nagbook muna ako bago ko sabihin sayo, naexcite lang po kasi ako" pag papaumanhin ko.

"Okay lang yon, anak. Basta mag uupdate kalang samin ng mama mo at magiingat ko, wag mo rin kalimutan mag enjoy" saad ni papa.

"Thank you, Pa!"

"Oh siya sige na, mag ayos kana ng gamit mo. Anong araw ka ba aalis this week?" Tanong nya.

"Wednesday po, hindi na po kasi ako makapag hintay kaya yan na po ang binook ko" sagot ko habang ngumingiti.

"Anong oras ba yan? Ihahatid na kita, hindi naman pwedeng pabayaan kita magbyahe kung pwede naman kitang ihatid, malayo rin naman ang airport dito sa Batangas. Baka kung mapano kapa sa Manila" Dagdag pa niya. "Uhm, 8am po yung boarding tapos ang departure po ay 8:40am"

"Oh sige na, maghanda kana ng gamit mo. Aalis kana pala sa Wednesday, Monday na ngayon baka may kailangan ka pang bilihin na kakailanganin mo sa Palawan"

"Sige po, papa! Thank you po, I love you!" Sabi ko at tumakbo na papalayo upang kuhanin ang wallet at phone ko. Napag pasyahan kong mag punta muna sa mall para bumili ng iba kong kakailanganin.

Kailangan kong pag isipan ang mga bagay na bibilihin ko, baka kasi mamaya masayang lang dahil 7kg lang naman ang pwede kong dalhin na luggage. May 5k pa naman ako sa wallet, hindi ko naman balak ubusin ang buong limang libo na ito, dagdag baon na rin sa Palawan.

Bumili ako ng 50ml na shampoo, dalawang extra toothbrush, sunscreen, hair conditioner, lotion since paubos na yung palagi kong ginagamit, body wash, toothpaste and bumili na rin ako ng konting makakain ng mga oldies and yung dalawa kong kapatid na bata. After that, I paid for everything and went straight home.

A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ffWhere stories live. Discover now