Kinagabihan, sinubukan kong matulog pero feeling ko may nakalimutan akong ilagay sa luggage ko. Hindi ako mapakali dahil sa excitement na nararamdaman ko. Sa kakaisip ko kung ano yung nakalimutan kong ilagay sa luggage ko, yung instax ko pala ang nalimutan ko. Ilalagay ko nalang yun sa hand bag na dadalahin ko para hindi maipit sa luggage. Buti nalang may apat na box ng films pa akong natitira.
Pinikit ko na ang mga mata ko upang pilitin ang aking sarili na matulog. My best friend asked me to spend the day with her tomorrow since sabi niya matagal tagal din daw ako mawawala. Simple lang naman gagawin namin bukas, kakain kami, magkukwentuhan, at bibili na rin ako ng mga damit na pwede ko pang dalhin para may magagandang damit naman ako g masusuot sa Palawan. Siguro pag hindi kami tinamad bibili kami ng pang lasagna para lutuin sa bahay. Sa bahay nalang kami manonood ng movies sa Netflix, ang gastos kasi kung sa cinema pa.
-
Mahimbing pa ang tulog ko ng biglang may tumalon sa kama ko, minulat ko ang mga mata ko at nakita ang best friend ko. Inirapan ko sya at dapat babalik ako sa pagtulog ko ng biglang pinaalala sakin ni Bella na kinabukasan na ang alis ko. Dali dali akong bumangon at nag tungo sa CR nag toothbrush at nanligo na ako. Pag labas ko ng CR nakita ko si Bella na comfortable ang higa sa kama ko habang ginagamit ang phone niya.
"Ano tara na? Sa mall nalang ako kakain" pag aaya ko sa kaniya.
"Tara! May mga pinapabili din sakin si harvey (kapatid niya)" pag sang ayon ni Bella. Lumabas na kami sa kwarto ko at nagpaalam sa pamilya ko na aalis muna kaming dalawa.
Nasa mall na kami, naglilibot lang kami para maghanap ng kakainan namin dahil hindi pa ako nag tatanghalian. "Bakit ba tanghali na tulog kapa?" Pagtatanong ni Bella. "Hindi kasi ako dalawin ng antok kagabi, masyado ako naeexcite sa pag punta sa Palawan" sagot ko. "Yun naman pala" sabay tawa niya.
Habang nakain kami sa Botejyu, biglang nagtanong si Bella "hindi ba taga dun yung crush na crush mo?"
"Huh? Anong sinasabi mo diyan? Taga san?" Pagtataka ko. "Yung J ang simula ng pangalan na taga Palawan, hindi ko maalala yung pangalan niya eh" sagot niya. "Ahh yun ba? Si Jeo, in short for Jeremiah Emmanuel Ong. Oo, naman bakit mo natanong?"
"Wala lang, what if makita mo siya habang nasa bakasyon ka doon?" Pang aasar niya na nakataas ang kilay at naka ngiti. "Ano ba yan, hindi na ako aasa 'no, mahirap daw silang mahagilap sa Palawan. Kung saan saan kasi sila nag eexplore at nag cacamp, pero kung papalarin naman baka umiyak pa ako hahahaha" tawa ko, kung tutuusin hindi ko rin naman mapigilan ang mag isip at humiling na sana makita ko sila doon. Napaka solid kasi ng samahan nila at nakaka inspire ang bawat salita na bibitawan ni Tito Geo at Tita Janice.
"Nag sabi kana ba kay Shan na aalis ka? Baka hanapin ka non, overprotective pa naman sayo yon. Parang kayo na nga kung maprotektahan ka niya eh" pang aasar ni Bella habang taas baba ang kaniyang kilay na may halong mapang asar na tingin.
"Ano ka ba! Wala namang namamagitan samin, mag kaibigan lang kami 'no" pag dedeny ko. Sa totoo lang pogi naman talaga si Shan mabait, caring, at gentleman, pero ayokong masira ang pagiging mabuting magkaibigan namin.
"Asus, mag kaibigan ba talaga o mag ka-ibigan? Hahahaha" sinamaan ko siya ng tingin at tumigil din naman siya. Hindi nalang ako umimik at nag patuloy sa pagkain.
-
Nakauwi na kami at nanonood nalang ng movie sa Netflixng bigla nalang nagring yung phone ko.
"Uy, ayon oh 1 point for Mr. Shan Vesagas"
"Shhh! Manahimik ka nga diyan, kulit eh sabing hindi ko nga gusto si Shan" inis na sambit ko. Nanahimik naman siya after niya tumawa ng saglit. Hay nako, grabe naman mang asar ang babaitang ito. Nababaliw na ata ito. Sinagot ko na ang phone call at tumambad sakin ang malambing na boses ni Shan.
~in phone call
"Hello?" -Shan"Hi, napatawag ka?"
"Nabalitaan ko, aalis ka daw papuntang Palawan? Hanggang kailan ka magsstay don?" -Shan
"Ay, oo eh. Gusto ko mag travel at iexplore ang kagandahan ng Palawan mag isa, gusto ko rin maranasan ang tumira sa Palawan kahit dalawang buwan lang. Mag o-online enrollment nalang ako para pag balik ko dito okay na ang lahat"
"Gusto mo ba samahan kita?" -Shan
"Hindi na, okay lang naman sakin. Saka gusto ko rin talaga magisa kong malilibot ang Palawan. Matagal tagal ko na ring pinagiisipan 'to eh, finally mangyayare na"
"Sige, just call me if you need anything" -Shan
"Okay, thank you!" I ended the phone call at nag patuloy na kami sa panonood ni Bella. Dito nalang daw siya tutulog para makasama siya sa paghatid sakin ni mama at papa mamayang madaling araw. I happily agreed because I think it'll be cool to have her there.
Eventually, night time came. Nakapag dinner na rin kami, nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at sa mommy and daddy ko. Matagal tagal rin bago ko sila makita muli, hindi na muna ako nagpaalam kay mama at papa dahil sila naman ang maghahatid sa akin bukas kasama si Bella.
Palabas na sana ako ng kwarto nila mommy at daddy ng biglang tawagin ako ni mommy. "Apo, lapit ka dito" pagtawag ni mommy. Lumapit naman ako sa kaniya at may iniabot siya sa akin, 10 blue bills ang inilapag niya sa aking kamay. "My? Bakit po? Para saan po ito?" Pagtatanong ko, ayoko na kasing magastos pa ang pera nila na alam kong nakalaan na sa mga bagay bagay. "Sayo na yan, baunin mo sa Palawan para may pocket money ka, alam ko ang sasabihin mo at hindi ako natanggap ng pag tanggi. Nahihinaan kapa ba sa mommy at daddy mo? Mapera yata kami hahahaha" tawa ni mommy na nagbibiro.
"Ikaw talaga mommy, pwede naman pong hindi niyo na ako bigyan eh"
"Aba okay lang yan, reward mo na rin yan dahil sa pagmamahal na pinakikita mo sa pamilya natin at sa mga ginagawa mo para sa amin" ngiti ni daddy.
"Maraming maraming salamat po!" Yakap ko sa kanilang dalawa. Pinalabas na rin nila ako dahil gabi na at kailangan na nilang mag pahinga, ako rin. Kailangan ko na rin magpahinga dahil maaga pa ako gigising.
"Palawan, HERE I COME!!!"
YOU ARE READING
A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ff
Fiksi PenggemarThis is a story about a young woman named Trisha, a passionate traveler with a heart set on exploring the breathtaking beauty of Palawan, Philippines. Trisha has always been drawn to the island's pristine beaches, towering limestone cliffs, and vibr...