"Goodnight ate Trisha" yakap ni Dongdong sa akin bago ako lumabas ng pinto sa kwarto nila. "Goodnight Dong! Sleep kana ah para makapag play tayo bukas" yumakap naman ako pabalik dito at tumango naman ito.
Lumabas na ako ng pinto at dahan dahan ko itong sinarado. Nagtungo na ako sa kwarto ni Jeo, kumatok muna ako sa pinto at narinig ko naman na tumugon si Jeo na "pasok" kaya naman binuksan ko na ang pinto at tumambad sa akin ang aking mga bag na naka align na sa may study table ni Jeo.
Nakita ko rin na may ginagawa si Jeo sa laptop niya, kaya naman tahimik lang ako para hindi makaistorbo sa kaniya. Kukuhanin ko na dapat sa gilid niya yung maleta ko ng bigla itong umimik.
"May cabinet kana dyan, inalis ko yung ibang gamit ko para may space ka. Ikaw nalang bahala kung paano mo aayusin gamit mo" sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya.
"A-ah t-thank you"
"Pwede kana rin humiga kung gusto mo na magpahinga, wag kana mahihiya share na naman tayo sa kwartong ito" this time tumingin na ito sa akin. Tumango ako at kumuha ng pantulog, kailangan ko na talaga mamili ng ibang gamit o damit.
Nakapaglinis na ako ng katawan ko at nakapag hilamos and toothbrush na rin. Bumalik na ako sa shared bedroom namin ni Jeo at humiga na, hindi parin siya natatapos sa ginagawa niya kaya naman natulog na ako dahil pagod na din ang mga mata at katawan ko.
Pag gising ko sa umaga wala na sa tabi ko si Jeo at nakaayos na rin ang pinaghigaan niya, tumayo naman ako at inayos na din ang hinigaan ko matapos ay nagtungo ako sa banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Bumaba na ako at nakita na nakain na sila.
"Kain na, hindi ka na namin ginising dahil alam namin ang pagod mo. Kumusta naman ang tulog mo?" Tanong ni tita Janice.
"Okay naman po, sa totoo nga lang po napaka himbing ng tulog ko. Salamat po ulit"
"Umupo kana, nagluto si Naynay ng ulam oh" sambit ni tito Geo kaya naman umupo na ako sa tabi ni Siko. Habang kumakain ay nagbibiruan pa sila. After nito ay biglang lumapit sa akin si Dongdong.
"Ate Trisha, ayos kana ng gamit mo play play tayo dun sa dagat, punta daw tayo dun mamaya"
"Wait lang Dong ah, tutulong lang si ate sa pagliligpit ng kinainan natin. Tapos magreready na si ate, okay ba yon?" Malambing kong sabi sa kanya habang pinapat ko ang ulo niya.
"Bilisan mo ah, gusto ko na magplay play tayo eh" he said while pouting. I can't help but smile, napaka cute talaga ng batang 'to.
In my peripheral view, I can see tita Janice, tito Geo and Jeo looking at our small yet cute interaction. May ngiti din sa mga labi nila na tila tuwang tuwa sila sa nakikita nila.
"Oh ayan Trisha, may bagong playmate na si Dongdong, pwede kana masali sa playmates niya" saad ni tito Jeryl habang tumuturo kay Jeo at Meng indicating na sila yung playmates ni Dongdong. Nagsi tawanan naman kami at nag proceed na sa mga kailangan gawin.
Pagkatapos kong tumulong sa paglilinis ng pinagkainan kahit ayaw pa nila tita Janice ay nag ayos na ako ng nga gamit ko na dadalhin dagat na pupuntahan namin. Doon daw kami pupunta sa lagi nilang pinupuntahan, yung may kubo. By the way, binigyan na rin pala nila ako ng MASID merch, grabe ang ikina tuwa ko dahil dito.
Dali dali kaming sumakay kay raprap at as usual hindi ako mapahiwalay kay Meng at Jeo, napag gigitnaan ako ng dalawa habang kmi ay patungo sa dagat. Excited ako dahil first time ko makakapunta don at sila pa ang mga makakasama ko, napka swerte ko naman ata ngayong bakasyon.
YOU ARE READING
A Trip to Palawan || Jeremiah Ong ff
FanfictionThis is a story about a young woman named Trisha, a passionate traveler with a heart set on exploring the breathtaking beauty of Palawan, Philippines. Trisha has always been drawn to the island's pristine beaches, towering limestone cliffs, and vibr...