2- Tren tren poot poot!

538 15 20
                                    

Tren. Ito ay isa sa mga sikat na sasakyang pangtransportasyon. Dinadala tayo mula sa isang lugar papuntang ibang lugar. (daming alam nuh?) Sa loob nito ay madami kang pedeng maranasan tulad nang...

PASABOG

-Eto yung moment na, ang tahimik nyo tapos may biglang uutot. Tapos kakalat pa yung amoy sa tren oh. Ka-soffucate! Tapos tapos yung iba dahan dahan ng kumuha ng panyo para magtakip ng bibig, Syempre kasama na din dun ang umutot!

KUYA KUYA! MAY BOMBA!

- Ako: Kuya kuya! May bomba!

  Kuya: Saan?!

  Ako: Sa kili-kili mo.

-Eto naman yung mga taong makapagtaas ng kili-kili nila parang mga walang putok! Sila nakatayo, pa-huni huni pa. Samantalang ikaw nag-aagaw buhay na dahil sa bombang taglay nya. Laslas na friend. 

MANYAKIS NA PERVERT

- Maraming taong manyak. Tulad ko. Minamanyak abs ni Minho. Joke. Sa tren madaming manyak. Yung iba tinatago ang taglay. Yung iba di makapagpigil at nanghahawak na ng kung kanikanong pwet.Ha-ha. Kaya kung ako sainyo, wala lang. Haha.

UNPREPARED

-Eto yung oras na kakasakay mo lang tren, di ka pa nakakaupo ay biglang umandar! Gumulong gulong ka tuloy! Nasubsub ka pa! Sa sahig pa hindi sa pogi! Sarap sabihan ng nagpa-paandar "KUYA, EXCITED MUCH!?" Ayt! Ka-stress!

SLEEPY HEADS

-Yung mga taong antok na antok at nakatulog na sa tren. Nakanga-nga pa! With matching hilik pa! Mahiya ka! Mag-ingat ka din! Mapasukan ng kung ano ano yang bunganga mo! Tapos nalagpasan na yung ba-baan mo oh! Ano matutulog ka pa?

TULUG-TULUGAN KUYA?!

-Si Manong, tulug-tulugan, kasi naka-upo sya. Samantalang yung ugod ugod at buntis nakatayo. Nahihiya naman ako kuya! Napaka gentleman mo! HA-HA! Sarap saksakin sa baga! Ka-high blood! 

---------------------

Bigla nalang pumasok sa utak ko yung tren, ang totoo nga eh, isang beses palang akong nakasakay jan eh. Haha. Share lang. Subscribe! Thanks ^_^

Ang Eksenang masaklapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon