7 Heartbreaking lines

315 13 6
                                    

Sorry po sa super duper ultra late update. Nabasag kasi lcd ng laptop ko, at wala din kaming net. Kamalasan ata ang inulan nun ni Yolanda. FASAKIT. By the road, way, Eto na po :D

-

7 Heartbreaking lines

Marami nang satin ang napunta sa isang relasyon. (except sakin) Marami na din ang nai-Inspired dahil sa LOVE. Marami na din ang napapasaya. At dahil din sa LOVE, nagkakaroon ng kulay ang buhay ng isang tao. (WOW) Marami na din napaluha dahil sa saya. Napaluha sa lungkot. Eh kung nag-away kayo ng bf/gf mo o nagsasawa na sayo ang gf/bf mo, eto ang mga linyang madalas sinasabi.

--

1. It’s not you, It’s me

-Sus mio marimar. Ikaw pala ang may problema, tapos ikaw pa may ganang mang-away at makipagBreak. AT, ikaw pala ang may problema bakit sakin ka nakikipagbreak? Diba dapat dyan sa sarili mo. Anong nasinghot mo? Abo? Shabu? Katol? Marijuana?

2.It’s not working

-Its not working? Bakit? Mga sira ba tayong cellphone na hindi nakakarecieve ng text? Sira ba tayong kalan na hindi naglalabas ng apoy? Mga sira ba tayong keyboard na hindi napipindot ang spacebar? Anubey.

3.I need S P A C E

- You need space? Bakit na naman? Naglalakad ba tayo sa isang masikip na eskinita? Naglalakad ba tayo sa crowded area? O tara, sama ka sakin, dadalhin kita sa isang napakalaking space. PACIFIC OCEAN. O kaya naman kung gusto mo ng space, dadalhin kita sa solar system. Sabihin mo lang kung kulang pa ng space ang binigay ko sayo. 

4. We’re not meant to be

- Tungak ka ba? May fore-Forever ka pang nalalaman. Sapakin kita sa atay eh.

5. Maybe There’s someone else for both of us

- edi kung may mas karapat dapat para satin dalawa, edi sana pinaligaw mo nalang ako sa bestfriend mong shokoy, malay mo kami talaga ang para sa isa’t isa. Baka nga. Baka nga may iba pang karapat dapat sating dalawa. Pero teka, single yung friend kong si Estong! Tsaka si Kakay! Madami akong pede ireto sayo. 

6. We’re not at the right time

- Anu yun? Kakanta naba ko? We had the right love at the wrong time~  Somewhere down the road eh. Oh baka naman hinihintay mo pang mapunta ka sa kabaong? Yung 100 years mo?  yung end of the world?

7. You deserve someone better

- Bakiiiiit? Isa ba akong aso na hindi mo mabili-bili? At sinasabi mo nalang sa sarili mo na “Sana may umampon sayong mas maayos na amo”. Isa ba kong PERA sa lotto na hindi mo makuha kuha at sinasbi mo nalang ulit sa sarili mo na “Kung sino man makakuha sayo, sana idonate ang iba sa nasalanta ng Yolanda”.  Pakamatay na dude.

--

Alam kong alam mo na alam kong walang relasyon ang laging matino. Walang relasyon ang hindi dadaan sa iyakan. At alam kong alam mo na alam ko ulit na masakit sa pakiramdam ang masabihan nyan. Pero kung may ELKYU kayo ng karelasyon mo, wag nyong idaan sa mga linyang yan. Mas mabuti pang tawagan mo sya o kausapin sa personal at magsorry. Kung di nya pa tinanggap sa una, maraming next time. Atsaka para sa GIRLS, di porket babae kayo, di kayo ang laging susuyuin, MAGSORRY DIN KAYO, i-tae nyo yang pride nyo. Atsaka, wag kayong mag-alala, magiging okay din ang lahat. DAHIL WALANG LQ ANG HINDI NAAYOS. :)

Ang Eksenang masaklapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon