Ang init! Grabe, parang homecoming na ni Lucifer dito sa Pinas. Kulang nalang ay masunog tayo at matutong sa init. Yung kahit di kana nagalaw, naiinitan ka pa rin. Yung halos underwear nalang ang suot mo at tagaktak parin ang pawis mo.
Osige. Eto na.
1.Electric Fan/Aircon
Tumapat ka lang sa electric fan, solve na ang problema nyo. Baka nga nakatapat na kayo ngayon sa electric fan eh. Mag aircon din kaya kayo. Wag na magtipid masyado sa kuryente kung ayaw nyong himatayin kayo sa init!
2. Y.O.L.O.
You only live once? Hindi! You only ligo once! Kaya init na init ka, dahil once in a blue moon ka naliligo. Di porket summer, eh summer na din yang pagligo mo! Okay. To survive the heat, just simply TAKE A BATH REGULARLY. Kalmado ako
3. BUKO (BUhok KO)
Eto naman ay halos pangbabae lang. Para mabawasan yang pawis mo, aba magtali ka ng buhok! Hindi yung nilulugay mo yung buhok mo para magmukha kang maganda. Naks naman! TIIS GANDA? Ganon? Puro porma ang ginawa pero ang pagtali ng buhok hindi magawa! Hmf!
-
Heat is troke. Gets nyo? HAHA. Ang init, ay heat na mainit. Oh game, maayos na. Heat is a kind of energy. At kapag sumobra ka sa heat, matutong ka. MAAYOS NA. Magingat tayo ngayon sa init. Dahil marami na ang namamatay dahil sa init. Kung ayaw nyo pa mamatay, UMINOM KA NG TUBIG. Wag kang harap ng harap sa gadget mo. baka mas mamatay ka pa sa radiation nyan. eto po si Keybulu. Magandang araw, kabayan.
