KABANATA 4

33 1 0
                                    


Office.

Hinatid nga ako ni Cole sa bahay. He even cooked food for me. Hindi naman ako makakatanggi dahil wala pa akong boses. Kaya ang nangyari, he maneuvered my kitchen like he owns it. Nasa sofa lang ako sa sala nanonood ng tv, paminsanang napapalingon sa kanya.

Awkward pa nga e dahil naabutan ko rin siyang tumitingin sa akin. There's a deep sense of longing by the ways he's looking at me. Kaya habang nanonood ako, siya ang pumapasok sa aking isipan.

Agad rin naman siyang umalis matapos niyang magluto. Kasali na sa linuto niya ang agahan ko kinabukasan. I said my grateful gratitude towards him by writing a message through my note. Pinikita ko lang iyon tumango lang siya.

Maaga akong nagising ngayon. May microwave naman ako, kaya nire-heat ko na lang ang niluto ng lalaki para sa akin. I'm currently on three days sick leave because of what happened yesterday. Nang tumunog ang microwave ay agad ko iyong nilantakan.  Kakailanganin ko rin iyon para mawala at umayos ang mga pasa sa katawan. Ginugol ko rin ang natitirang oras sa kung ano-ano. I even wasted it for search for the Agoncilla family. Sila ang nagmamay ari ng bangkong na bankrupt at kalaunan ay tuluyan ngang bumagsak.

Time went by like a whirlwind. Agaran ring natapos ang sick leave ko at ngayon ay papunta na sa towers ng MCSC. I wore my beige turtleneck long sleeves. Hindi pa kasi tuluyang nawala ang mga pasa.

"Hala! Siya yun diba?"

"Ba't nandita pa 'yan?"

"Ang kapal ng mukha! May lakas ng loob pang pumasok."

"Pero ang sabi ay inosente raw 'yan."

"Alam mo bang madali lang baliin ang hustisya ngayon? Pano kung may back up 'yan at binayaran lang imbestigador para pagtakpan at sabihing inosente!"

Kantiyaw at bulong-bulungan ang bumati sa akin. Pati sa elevator ay ganon pa rin ang laman. Mapanghusga ang uri ng tingin ang pinukol nila sa akin. Inasahan ko na 'to. I already see it coming and I shouldn't take it personally since I know better, but my dignity is being tarnished. Kaya hindi ko maiwasang masaktan.

Pero parte pa rin naman ito sa desisyon ko diba? Since the day I decided to I'll stay, na magtatrabaho pa rin ako dito, alam kong kailangan kong ihanda ang sarili para dito. Maybe time will come na malilimutan din nila iyon at mag move on.

Dumiretso ako sa mismong palapag kung saan ang opisina ng chief executive officer. Looking back, mabuti na lang at mabait ang elevator girl. Kahit na tinititigan ako ng ibang impleyado ay nagawa pa niya akong ngitian.  Nang makababa sa elevator ay bumungad sa akin ang malawak at medyo mahabang hallway. Mga disenyong halaman at iilang certificate na idinikit sa pader. Lumiko ako at nahanap ang ceo's office.

Kumatok ako at binuksan ito. Medyo dim ang loob kaya medyo pahirapan para sa aking maaninag ito. Agad na napansin ko ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa. They were curiously looking at me. Shit! Maling office ba'to? Was the elevator girl lying?

"Yes?" Singit ng banyagang lalaki. Malapad at halatang puno ng sarkasmo ang tingin nito.

Shit!

Mali talaga yata 'to.

Naisip kong mas mabuting magtanong ng sa ganon ay baka masabihan nila ako kung asa ang office niya. "Ah. Ahm.. excuse me pero ito ba ang office ni Mr. Cole–"

"Ito nga."

Sabay na nabaling ko at ng mga lalaki ang aming tingin sa taong nakaupo sa likod ng kanyang desk. I immediately noticed the distance and space between us. He really is the CEO. It was hard for me to believe at first. I thought he was just part of the men in black. I only realized he was the owner when I was brought to his office. Bumuntonghininga ako.

To Speak In Codes (Resilient Hearts #1)Where stories live. Discover now