013- Betrayal

56 2 0
                                    

|013|Betrayal

Dumating na ang araw ng deadline, ngunit hindi pa rin namin natapos ni Azrael ang mga paintings. Sinubukan namin, ginawa namin ang lahat para matapos ito, pero hindi talaga kaya. We sacrificed our two nights just to finish the painting, kahit na ang katawan ko ay madalas na bumibigay. But it still wasn't enough. Kulang kami ng isang painting, at hindi ko mapigilan ang sarili kong sisihin ang kondisyon ko.

Kung wala lang sana akong sakit, makukumpleto ko 'to at matatapos ng mas maaga.

Huminga ako nang malalim, pinipilit na kalmahin ang sarili habang hinihintay si Master Huang dito sa studio. Inihanda ko na ang mga paintings, pati na rin ang paliwanag ko sakaling tanungin niya kung bakit hindi namin ito natapos.

Maiintindihan niya naman siguro ako.

Napalabas ako ng malalim na buntong-hininga sa pag-asang maiintindihan niya. Sana, kahit papaano, may awa siya.

Napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng studio para hanapin si Azrael. Kanina pa siya nawala—sabi niya, bibili lang siya ng gabihan namin, pero mag-aalas-otso na ng gabi, hindi pa rin siya bumabalik.

Naglakad ako sa labas, iniisa-isa ang mga lugar na posibleng nandun siya hanggang sa mapansin ko ang isang mini bar. Tiningnan ko ang pangalan, at nagtatakang nangunot ang noo ko nang mabasa ito.

Drink All Night Gay Bar? May bar na ganito rito?

Rinig hanggang labas ang malakas na musika, at puno ang harap ng bar ng mga sasakyan—kotse, motor, tricycle. Marami rin ang pumapasok na lalaki, at ang ilan ay nakapang-damit babae pa. Napangiwi ako nang makita iyon.

Seriously? A man wearing a skirt?

Tatalikod na sana ako at aalis nang walang ano-ano'y nahagip ng mata ko si Lluhence sa hindi kalayuan. Nakalayo siya mula sa entrance, nakasandal sa gilid ng bar habang nakatungo ang ulo. Ang isa niyang kamay ay nakatuon sa pader na parang nahihirapan siya.

Nasa loob ba siya kanina? Ano'ng ginagawa niya rito?

Nakatitig lang ako sa kaniya, pinipilit labanan ang curiosity na lumapit sa kaniya. Pero sa huli, binalewala ko na lang iyon at nagpasya na umalis, dahil si Azrael naman talaga ang hinahanap ko.

Magsisimula na sana akong maglakad pabalik sa studio nang marinig ko ang pagtawag ni Lluhence sa likuran ko, malakas at garalgal, halatang nakainom na.

"Jonathan, aneng genagawa mo deto?" tanong niya, at bakas sa boses niya ang kalasingan.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nagbigay ng isang pilit na ngiti kahit na sa loob-loob ko ay humahataw ng kaba ang puso ko.

Ewan ko ba kung bakit laging may kaba sa dibdib pag kinakausap ako ng lasing, lalo na kung si Papa ang lasing.

"Hinahanap ko kasi si Azrael. Nakita mo ba siya?"

Imbes na sumagot, tumawa lang siya, ang tawa niya’y puno ng pang-aasar. "Hende—hik—mo pa ren pala ineew—hik—an ang taong 'yon?" Tanong niya habang sinisinok pa.

Bumalik naman bigla sa alaala ko ang sinabi niya sa akin no'ng isang araw. Inisip ko 'yon, actually. Inobserbahan ko siya, pumapahapyaw akong tanong minsan sa kaniya pero wala talaga akong mahanap na dahilan kung bakit hindi siya pagkatiwalaan.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mawalan ng balanse si Lluhence at natumba sa akin. Bumagsak siya, at ang dibdib niya ay halos nasa mukha ko na. Pilit kong tinutulungan siya tumayo, pero parang lantang gulay ang katawan niya na patuloy na bumabagsak sa akin.

Jusko, ang bigat ng lalaking 'to. Iinom-inom kasi, hindi naman pala kaya.

"Lluhence, ang bigat mo. Umayos ka nga," mahina kong saad sa kaniya, nangingiti ng bahagya sa kabila ng hirap.

Paint Me, Jonathan (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon