CHP. 1 - blue

44 24 2
                                    

"hoy mina!, ihanda mo na mga pagkain ng pasyente!"

"ako lang? kapal mo naman"

"inaayos ko pa mga gamot nila teh kaya mo na yan!" ;)

*sigh* kala mo talaga nag-aayos, nakikipag chat lang naman sa jowa nyang walang ginawa kundi makipag chukchakan sakanya kasi walang trabaho at nasa bahay lang, blind af ang ate ko

kinuha ko na ang mga trays at nilagyan ng label by names, sana di ako ang mautusang magbigay neto sa mga pasyente, awa nalang oh!


ilang taon na akong nagtatrabaho dito sa PPW short for Phenomel Psychiatric Ward, almost 3 years na, okay naman and stable but i experienced a lot of things na hindi pa nararanasan ng mga normal na tao, many stories and past na dala dala ng mga pasyente ang aking narinig at iniyakan, mostly.

ang karaniwan naming pasyente rito ay mga office worker and mga teenager, it's sad to see na maraming bata-bata pa ang na a-admit dito, nawala na yung buhay na normal nilang nararanasan dati. Out of all patients, di naman sila mahirap i-handle, we can talk to them normally like a typical human being naman, it's just that they're different in some things...

"mina! tapos ka na jan??"

"ah, opo ma'am!"

"good, now distribute it to the patients"

anak ng teteng naman! :((




"C4...C5..."

"C6-"

iba talaga presence ng room na to, ang bigat, pero nakaka-usap ko naman yung pasyente rito

"C6 eto na pagkain mo, masarap to chicken curry!!"

"..."

"mas maraming manok nilagay ko sayo!"

"..."

bakit walang nasagot? weird.

pumasok na ako at inilagay ang pagkain nya sa bedside table. Nakatalukbong sya, may nalaman to.

"hello ma'am!, kain na po kayo need nyo po mag-take ng medication mamaya and bawal pong walang laman ang tiyan"

hindi gumagalaw, parang di nga humihinga eh.

HINDI HUMIHINGA????

dali dali kong inangat ang kumot at.....wala siya sa kama nya!!! wew, bakit unan lang toh?? kala ko sa pelikula lang umuubra mga ganitong pakulo eh pati ako naloko, shala.

tumakbo ako papuntang office kasi nga nagmamadali na akong sabihin yung problema teh

"MA'AM JEN!!!!!!!!"

"ay jusko, kagulat ka naman, ano ba yun??"

"YUNG PASYENTE SA ROOM C6 NAWAWALA!!!'

"ang oa naman, baka nag me time lang sa garden"

"aahh, okay"

"wait"

"bakit po?"

"anong room uli?"

"C6 po"

"C6?!?!?!"

"opo"

"NEVER YUN LUMABAS SA KWARTO NYA SINCE NA ADMIT SIYA RITO, HANAPIN NYO!!"

blades: the stoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon