mina's pov:"uy mina, kanina ka pa nakatulala ah, sasabay ka raw ba samin ni miss jen?"
napabalikwas ako sa pagkaka-upo ng marinig ko ang boses ni ruka
"ah, ha? bakit? san tayo pupunta?"
"gaga, uwian na, alas dyes na ng gabi oh" sabay turo sa wall clock.
10 p.m. na nga, ilang oras ba akong naka tulala, di pa rin mawala sa isip ko yung babaeng nakita ko sa panaginip ko.
"ay oonga no, wait lang aayusin ko lang gamit ko"
nagmadali akong pumunta sa locker ko para kuhain yung sapatos ko, nag titsinelas lang kasi ako pag nasa loob na ng hospital, mas komportable kasi.
"uy bes ok ka lang?" nag aalalang tanong ni shilo na kakarating lang rin sa locker room
"oo naman ano ka ba hahahahah" patawa kong sabi, ang plastik naman ng tawa ko jologs
"what if mag pahinga ka muna bukas?"
"hay nako shilo, sa tingin mo magpapahinga rin mga bayaran ko sa apartment ha?" giit ko sakanya
"sabagay, pero alagaan mo rin sarili mo ha"
hindi na ako sumagot at nagpatuloy na sa ginagawa ko, ayokong ng sagutin, pati ako nalilito na sa mga nangyayari sakin, hindi ko na nga alam ang pinagkaiba ng panaginip sa totoong nangyari.
"o sya, mauna na ako ah, ingat!"
tinanguan ko nalang siya at isinara ang locker ko, dumiretso na ako sa labas ng hospital kung saan naghihintay sakin si ruka at miss jen
"ang tagal mo naman, ma tatraffic nanaman tayo oh" reklamo ni ruka habang nagpapaypay ng bonga.
"tara na mina simulan na natin maglakad" pag-aaya ni miss jen sakin.
"ok po" sagot ko
ngayon ko lang napansing uminit na pala ulit.
nakapagtataka lang kasi mag papasko na at dapat malamig na ang klima, baka climate change lang.
"manong pasakay!!" sigaw ni ruka sa paparating na jeep, buti nalang di masyadobg punuan ngayon at madali kaming nakasakay.
"tatlo nga pong novaliches" sigaw ni miss jen sabay abot ng bayad sa driver.
"ay eto po pamasahe ko miss jen" iniabot ko sakanya yung bayad ko pero di nya ito tinanggap
"ako na bahala, saiyo na yan"
"woww!! yayamanin" asar ni ruka
"anong mayaman eh 13 pesos lang naman" pagyayabang ni miss jen
mahaba habang kwentuhan rin ang ginawa namin sa jeep, di namin namalayang nasa novaliches na pala kami.
"para po manong!" sigaw ni ruka, agaran na kamin bumaba at tumawid
"oonga pala mga sis excited na ba kayo sa 13th month pay natin" tanong ko sakanila, malapit na mag pasko, marami nanaman akong pera yey
"hay nako, anong excited eh anlayo pa nun" pagtatakang sambit ni ruka
"anong malayo eh 3 weeks nalang mag papasko na?"
napahinto silang dalawa sa paglalakad at hinarap ako na para bang nakapatay ako ng tao
"b-bakit? may mali ba sa sinabi ko?" nauutal kong tanong sa kanila
"mina.... sure ka ba na okay ka lang? you can talk to us naman eh" nag aalalang tanong ni ruka sabay hawak sa mga kamay ko
"iha mag pa consult ka bukas sasamahan kita wag kang matakot" saad ni miss jen
"huy ano ba, parang mga baliw to! galing nyo umakting ah HAHAHAHAHAH" sabay bitaw sa pagkakahawak ng kamay ni ruka sakin.
"mina...August 26 palang ngayon, national heroes day, 4 monts pa bago mag pasko iha.."
"huh, hindi ah December 8 na ngayon noh, ano ba kayo guys, di nyo ako maloloko"
"mina eto oh" iniharap nya sakin yung selpon nya at pinakita nya ang petsa ngayong araw.
nakalagay nga na August 26 palang ngayon, lumaki ang mga mata ko sa gulat, naalala ko pa na pagmulat na pagmulat ng mata ko kaninang umaga ay bumungad saakin ang kalendaryong bigay ng kapatid ko at minarkahan ko ang December 8 gamit ang pulang pentelpen ng ekis dahil yun ang una kong routine pagkagising, imposibleng nagkamali ako ng marka dahil markado na ang mga numero bago mag December 8, naalala ko pang tumutugtog sa radyo ang kanta ni jose marie chan pagkapasok ko ng office, di ako nagkakamali, December 8 dapat ngayon.
"ah, nakalimutan ko ata, andami ko kasing ginagawa these days, sorry" sabay kamot ng ulo ko
"inaantok na ako mga sis, bye na ha!" kahit di pa talaga ako inaantok ay umalis na ako sa kinatatayuan ko at kumaripas ng takbo papunta ng apartment ko
hinihingal kong isinara ang pinto at bumulagta na sa kama, andaming nangyari ngayong araw hindi ko kinaya.
sasabog na utak ko kakaisip kung nababaliw na ba ako o totoo lahat ng nakita ko.
dahil di ako sigurado kung totoo nga ba ang petsang nakalagay sa selpon ni ruka, dali dali kong kinuha ang selpon ko sa bag at isinearch ko sa googlo ang petsa ngayong araw.
"August 26" tama lang, August 26 nga ngayon and nababaliw nga talaga ako
"AAAAA nakakahiya kina miss jen, baka akala ni la nababaliw na talaga ako!!" nagpagulong gulong ako sa kama, baka mawala yung kahihiyan ko, baka lang naman.
napahinto ako sa kama ng maalala ko yung kalendaryong minarkahan ko kaninang umaga, tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa study table ko, nakita kong nasa december page na ang kalendaryo, pero walang marka, inilipat ko ang pahina pero walang marka lahat hanggang august 26.
"wierd.." pakamot ulo kong bulong sa sarili
baka nag sleep walk lang ako tapos nilipat ko yung pages, ah bahala na inaantok na ako, real na to, makapag hugas na nga
pagkatapos kong maghugas ay humilata na ako sa kama at pumikit
"sana di na ako managinip ulit"
-JURIOUO
BINABASA MO ANG
blades: the stone
Fantasypag tumigil ba ang oras, titigil rin ang mundo? "patawarin ninyo ako!, ako ay nagkasala!" pagmamakaawa ng babae habang nakaluhod sa harap ng lalaking isa lang ang pakpak "walang tunog na maririnig, pusong iniluwa ay siyang di na maibabalik, kasalana...