CHP. 5 - blinded

11 17 0
                                    


Skarr's POV:

"salamat iha, pagpalain ka ng......diyos" pasasalamat sakin ng matanda ng maihatid ko siya sa apartment, lumamig bigla ang paligid ng sabihin niya ang "diyos" , nakakakilabot

"walang anoman po la" sabi ko sabay hawak sa pinto para isara, pinigilan ng lola ang pagsara ko ng pinto at sumilip ito sakin, kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko

"salamat uli" sabay ngiti, kakaiba ang ngiti nito, yung ngiting pilit, halos mapunit na ang gilid ng labi nito sa banat ng ngiti niya, tinitigan ako ng matanda sa mata bago isara ang pinto

nakatulala akong nakatingin sa saradong pinto ng apartment ng lola, hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad papuntang elevator, baka ganun lang talaga siya ngumiti, parang 'di tao

pagbaba ko ng groundfloor ay agad kong hinanap ang pula kong bigbike, nagpalit ako ng suot dahil naka-suot parin ako ng pang delivery rider, imagine, delivery rider na naka bigbike, so weird

pinihit ko ang manibela at nag-drive na papunta sa bunker kung saan dinala ni renz si mina

*RIIIIIIIIINGGGGG* tunog ng selpon kong naka kabit sa may harap, pinindot ko ang kanang bahagi ng helmet ko para masagot ang tawag, may built-in na kasi itong earphones

"hello?"

"skarr bilisan mo pumunta ka na rito!" bakas sa boses ni renz ang pagkabalisa

"bakit, may problema ba?" pinihit ko ang manibela para mapabilis ang pag-andar nito

"dalian mo!" sambit nito sabay baba ng linya

"ano kayang meron?" bulong ko sa sarili habang nakatuon sa daan ang atensyon ko



nakarating na ako sa masukal na parte ng daan at kumaliwa sa damuhan, makikita ang isang malaking puno at sa may ugat nito ang may malaking pinto na gawa sa bakal

pinark ko ang bike ko at naglakad na patungo sa bakal na pinto, bumukas na ito ng pindutin ko ang mga numero sa gilid

sa pagbukas ng pinto ay makikita ang daluyan na gawa sa bakal, may kaunting kalawang na ito sa kalumaan

pagkasara ng pintuan sa likod ko ay nagsimula na akong maglakad

nakita ko si renz sa labas ng lab, naka-kagat ito sa daliri at pinapadyak-padyak ang mga paa hababg naka-upo, daliang tumayo si renz ng makita kong papunta sa direksyon niya

"ba't di ka mapakali?" tanong ko rito

"tignan mo nalang sa loob, skarr" sabay turo sa lab

tinignan ko si renz bago ko pihitin ang doorknob, bumungad sakin si Dr. sarzela, bakas sa mukha nito ang pagka-dismaya, nilingon niya ako at lumapit saakin habang tinatanggal niya ang salamin sa mata

"ms. skarr"

huminto siya at huminga ng malalim

"we failed" hindi siya tumitingin sakin, nasa sahig lang ang tanaw nito

"what do you mean?, have you checked?" i asked

"of course, what'd you take me for?" confident nitong sagot habang nilalaro-laro ang kanyang salamin

"pula ang mata nya Dr. Sarzela, so bakit mo sinasabing nabigo tayo?" tanong ko sakanya

"wala siyang mata skarr"

blades: the stoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon