Chapter 4: Case closed

4 1 0
                                    

RAINE'S POV

"So, sino ang lalaking yan?" Takang tanong ni Chiro ng ipakita ko ang litrato.

"I don't know either. Nakita ko nalang yan sa locker ni Sabrina." Paliwanag ko.

We're in Chiro's house. Imbes na Practical Research ang pag-meeting-an namin, ay tungkol naman ito sa misteryosong lalaking nasa picture namin ni Sab.

"Asan na ba si Faizal? Baka kilala niya o baka namumukhaan niya. Pwede namang siya yan." Saad ni Heifa.

"Hindi, wala si Faiz ng time na yan. Diba may pinuntahan siya kaya hindi nakasama." Sabi ko.

"Pasensiya na, na-traffic lang." Sabi ng kakarating lang na si Faiz.

"Okey lang, teka Faiz. Kilala mo ba 'tong nasa picture?" Sabi ko at inabot naman niya 'yon.

Nagtaka kami ng makitang nabitawan niya ang picture.

"Faizal, anong problema? Kilala mo ba yan?" Tanong ni Ysmael ngunit umiling lang ang lalaki.

"Eh bakit ganyan ang itsura mo?" Si Diannah.

"Ano ka ba, nagulat lang ako, ba't kasama niya ang baby ko." Hirit nito.

"Ewan ko sayo faiz, andami mong kalokohan. Girlfriend mo ang pinag-uusapan dito." Inis sa sabi ni Chiro.

Pagbagsak na naupo si Faiz sa tabi ni Ysmael. "Suicide ang nangyari, bakit parang pinagpipilitan niyo pang pinatay siya." Tila malungkot na sambit ni Faizal.

"Anong nangyayari sayo Faizal? Napatunayan na nga ng kilalang pulis ni Raine na hindi suicide ang nangyari." Kahit kalmado ang dating nang pananalita ni Chiro ay parang galit ito.

"Basta kung ano na ang paniniwalaan nyo, basta ako tatanggapin ko nalang na nagpakamatay siya." Sambit pa ni Faizal na nangingilid na ang mga luhang gusto ng tumulo.

Siyempre bilang isang kasintahan ni Sabrina, hindi rin matanggap ni Faiz ang tunay nangyari. Pinaniniwalaan nalang niyang suicide ang nangyari kahit para sa amin ay hindi yun ang dahilan ng pagkamatay ni Sabrina.

Kahit inabot kami ng ilang oras sa bahay nila Chiro ay wala kaming nakuhang lead o maaring maipakitang ibidensya. Hindi sapat yung picture nung lalaki na nakasuot ng itim dahil baka napadaan lang 'yon. Or baka naman celebrity siya at ayaw magpakilala. Pero kahit papaano, hindi kami titigil sa paghahanap ng impormasyon. Mapatunayan lang na hindi suicide ang nangyari.

Sumunod na araw ay pumayag ang school principal para sa interview kung saan tatanungin ang maaring makaengkwentro ni Sabrina o ang mga taong malapit sa kaniya. Sa isang bakanteng room, inisa-isa ang mga estudyanteng maaring naka-interact ni Sabrina. Dahil tapos naman na ako hindi nalang ako lumabas para marinig ko narin ang mga posibleng impormasyon galing sa kanila.

"Next!" Sabi ng pulis at pumasok naman si Jasmin na tila naiirita.

"Don't touch me! Papasok na nga ako eh, hahawakan pa." Maarteng naupo ang babae at inirapan pa ako.

"Ayon sa panayam kay Ms. Raine Garcia, nasabi niyang binully mo ang biktima at maaring isa ka sa prime suspek."

"W-what? Hindi ako ang pumatay sa babaeng 'yon." Hinayaan nalang siyang pulis na magsalita. "I admitted that I bullied her, pero hindi ibig sabihin non na may kinalaman na ako sa pagkamatay niya. Look, kahit ganon ang trato ko sa babaeng 'yon. Hindi ko kayang pumatay ng tao." Paliwanag ni Jasmin.

"Next!"

"Nung araw po na 'yon ay hindi ko na nakausap si Sabrina, dahil iniiwasan ko nalang na magselos ang boyfriend niyang si Faizal."—Chiro

Behind Sabrina's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon