Chapter 6: That Mysterious Man

4 0 0
                                    

ANONYMOUS POV

Ang tagal! Bakit ang tagal nilang nag-uwian! Anong oras na oh. Inip na inip na ako. Kanina pa nag-aantay ang pasong 'to.

Kahit medyo lubog na ang araw ay ramdam ko parin ang init dahil sa hawak kung itim na hoodie. Hindi ko naman matanggal to baka makilala ako. Gusto kong mag-ingat. Hindi lang sa mukha nakikilala ang tao, pati sa porma at kurba ng katawan mo ay pwede kang makilala. Konting tiis nalang, matatapos rin 'to.

Ilang sandali pa ay natanaw ko naman ang mga estudyanteng nagsilabasan. Ngunit paano ko mahahanap ang target ko sa dami ng estudyanteng 'to! Halos magkaka-pareho pa sila. Kinilatis ko ang bawat estudyanteng lumabas. Ngunit kilala ko ang target ko kaya hindi ko siya nakita.

Konti nalang din ang estudyante kaya mas madali ko nang makilala ang babaeng 'yon. Kung hindi pa 'yon nakauwi.

Hindi naman ako nabigo ng makita ko na ang pinakahihintay ko. Tahimik lang siyang naglalakad at swerte pang wala siyang kasama. Walang makakapansin, walang ibedensya. Napangiti nalang ako ng tahimik siyang tumigil habang nakatayo sa kung saan mismo namatay o nahulog ang kaibigan nitong si Sabrina. Napansin kung nakatingin siya sa akin kaya nagulat ako at baka makilala niya ako.

Agad kong itinapon doon ang paso na hawak ko bago iniwasan tingnan ang pagkabagsak non. Mission accomplished. Wala nang sagabal. Wala naring punyetang maghahanap ng hustisya na kung maka imbestiga at 'kala ko imbestigador.

Tinignan ko ang babaeng 'yon at akala ko'y tapos na. Nakita ko nalang na walang nabagsakan ang paso nayon. Wala narin ang babaeng 'yon sa pwesto niya. Nakita ko nalang na nakayakap nalang siya sa isang lalaking pareho silang nakahiga sa semento. Tangina, hindi pa natuluyan. Napansin kung tumayo sila at nagmadaling tumakbo at sa tingin ko ay papunta siya rito sa rooftop. Hindi maari. Kailangan kung makaalis.

•••

RAINE'S POV

Halos mangalay na ang tuhod ko sa kaka-takbo sa hagdan. Hingal na hingal akong nakarating sa rooftop habang nakahawak sa magkabilang tuhod ko at naghahabol ng hininga. Si Faiz naman ay iniikot ang sarili sa buong rooftop. Ngunit walang lalaking narito. Imposibleng wala rito yun, dito ko siya nakita. Ngunit isa lang naman ang daanan ng rooftop na 'to. Saan yun nagpunta?

Dito ko siya nakita nung ibinagsak niya ang paso na 'yon. Pero sana galing ang pasong 'yon? Posible kayang dinala ng lalaking 'yon ang paso na 'yon para planuhing ibagsak sa akin?  Pero bakit gusto niya akong pagtangkahang saktan. May kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Sabrina. Sa suot nitong itim na jacket at itim ma cap. Yun yung suot ng lalaking nasa picture namin ni Sabrina. Kung ganon, sino siya?

"Wala na siya dito." Sabi ni Faizal.

"Saan naman dumaan 'yon? Imposibleng may iba siyang dinaanan. Iisa lang ang daan." Suhestiyon ko.

"Hindi ko alam, hindi ko namang masasabing nagtago siya dito sahil maliban sa mga sirang gamit na nandito, wala siyang mapagta-taguan." Paliwanag nito.

Sabagay, pero imposible namang sabihin ko na namalik-mata lang ako. Dahil nakita ko mismo ang bumagsak na paso ng halaman mula dito sa rooftop. At impossible namang magkakaroon ng mga halamanan at mga paso sa rooftop dahil hindi mabubuhay ang halaman dito. Saka hindi lang ako ang nakakita ng lalaking 'yon. Pati si Faizal ay nakita rin niya 'yon.

"Dito ko mismo siya nakita nung napansin nung babagsakan ka niya sana ng paso." Turo nito sa mismong tinayuan ng lalaking 'yon kung saan ko mismo nakita.

"Posible bang, taga rito din ang lalaking 'yon?" Hindi ko maiwasang itanong.

Imposible naman kasing hindi taga rito Sa Xavellion High 'yon dahil mahigpit ang seguridad ng paaralang 'ito. Pwedeng estudyante o nagtatrabaho ang lalaking 'yon. Pero, may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Sabrina?

Behind Sabrina's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon