Chapter 7: Faizal, is that you?

1 0 0
                                    

ANONYMOUS POV

Okey na yata 'to. Grabeng effort to. Gagawa nga lang ng panakot na sulat ginandahan pa. Pero okey na 'to. Bahala silang maguluhan kung sino ba talaga ako. At kung ano ba ang balak ko sa kay Raine na yan.

Gumamit ako ng peking dugo at hindi ko na maalaa ang tawag dito. Basta kung titignan mo ay kulay dugo talaga ito. Ngunit mapapansin mo ding peke ito dahil wala naman itong amoy. Malayo ang texture nito sa tunay na dugo.

Naglakad ako papunta sa locker. Maaga pa at wala pa masyadong estudyante na narito. Buti nalang at napaaga ako. May spare key ako sa bawat locker dito dahil madali lang naman makapagpagawa ng spare keys para mabuksan abg bawat locker. Pero hindi pagnanakaw ang plano ko.

Isang locker lang ang binuksan ko at yun ay ang locker ni Raine. Gusto kong itago sana ito sa bawat isa sa lahat ng locker pero sobra namang isusulat yun kung gagawin ko pa. Kaya sa importanteng tao ko nalang 'to ilalagay. At yun ay sa locker ni Raine Garcia.

•••

RAINE'S POV

"So nakita niyo talaga yung lalaking 'yon?" Tanong ni Chiro ng maikwento ko sa kanya ang nakita namin kagabi.

"Oo, nagtaka din kami ni Faizal dahil hindi na namin naabutan ang lalaking 'yon ng nagpunta kami sa rooftop." Sagot ko.

"Pwedeng may balak talaga ang lalaking 'yon. Kung magkapareho ang suot non sa suot nung lalaki na nasa picture. Maaring iisa lang ang lalaking yan." Si Chiro

"Pero bakit masaya pa si Sabrina na kausap ang lalaking 'yon? Doon ako naguguluhan." Sabi ko at sandali pa silang nag-isip at mukhang walang naisip na sagot. Katulad ko ay mukhang naguguluhan din sila.

Hindi ko parin makalimutan ang nangyaring 'yon. Nasa locker kami malapit din naman sa banyo dahil maaga kami para sa P.E subject namin. As usual naman sports at dance lang naman ang gagawin namin this friday. Nagpalit narin ako ng P.E uniform at itinali ko nalang ang buhok ko in a ponytail.

Nang ibalik ko ang ibang gamit ko sa locker ko ay may napansin akong note na nakadikit sa pinto ng locker ko banda sa loob. Ano to? Hindi naman ako naglalagay ng note sa locker ko. Nagtaka pa ako sa kulay pulang ginamit na ink sa pagkasulat sa dilaw na Note pad. Gumamit pa ito ng fake blood para magmukhang panakot ang sulat na 'yon. Pero mas nakatuon ang attention ko sa nakasulat na 'yon.

'I killed her, I killed Sabrina'

Lilingunin ko na sana si Chiro para ipakita 'yon pero wala na sila, bumalik narin ang ilang mga kaklase namin sa field ng school dahil magsisimula na raw. Tanging kami lang ni Heifa ang natira dito dahil nakita ko pa siyang kakalabas lang ng banyo.

"Ano yan?" Tukoy niya sa hawak ko habang tutok ang tingin ko doon.

"H-hindi ko alam," tanging naisagot ko dahil sa pagtataka.

"Death treat ba yan?" Tanong pa ni Heifa.

"I don't know, parang ano lang 'to. Sinasabi lang niyang siya ang pumatay kay Sabrina. Pero sino to?" Takang tanong ko pa.

Dahil wala akong maisip na dahilan nito. Hindi ko nalang 'yon pinansin at binalik nalang 'yon sa locker ko. Nagpunta narin kami sa field ng school dahil malapit ng magsisimula anng pagpe-perform namin ng Zumba dance na task namin.

Nakarating na kami doon at hindi ko napansing kanina pa pala ito nagsisimula. Buti nalang at pang apat pa kaming performer. Natanaw ko naman ang mga kasama ko na nakaupo sa may gilid. Lumapit ako doon at ang ilang kagrupo ko ay hindi ko alam bakit masama ang tingin nila.

"Ba't ba ang tagal mo? Buti nalang pang-apat pa tayo. Kung hindi minus na naman sa performance 'to." Bungad ng isa sa kagrupo ko.

Aba'y grabe, siya nga minsan lang mag practice. Nagrereklamo ba kami?

Behind Sabrina's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon