Chapter 5: Behind that Black Hoodie

1 0 0
                                    

RAINE'S POV

KINABUKASAN ay pumasok ako sa school namin kahit nawawalan na ako ng ganang mag-aral. Itinigil man ni Aling Marta ang pag-imbestiga at isinarado na ang kaso. Pero ako, hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan na suicide nga ang nangyari.

"Bakit isinarado ang kaso?" Takang tanong ni Chiro.

Where in a cafeteria dahil lunch break na. Isinubo ko muna ang kutsara kung may kanin bago siya sinagot.

"Ewan ko, si Aling Marta na mismo ang nagsabi na itigil na." Sagot ko.

"Ganon nalang 'yon? Iisipin nalang nilang suicide ang lahat ng nangyari?" Napatayo nalang si Chiro at napasabunot sa buhok niya.

Aba kung makapag-react parang siya ang boyfriend. Speaking of boyfriend, itong si Faiz na tahimik lang. Parang wala sa pinaguusapan namin ang isip niya. Ilang araw na siyang ganyan.

"Oa mo, ikaw ba ang boyfriend?" Tanong ni Heifa sa nakatayong lalaki. "Samantala yung boyfriend niya jan, walang—" napatigil si Heifa ng biglang nagsalita si Faizal.

"Wala ba kayung napapansin? Parang walang pakialaman ang school sa pagkamatay ni Sabrina." Napatingin kaming apat sa kanya. "Parang may pino-protektahan sila." Sabi pa nito.

"Hindi sa kinokontra ko kayo ah pero, paano kung tama amnga ang mga imbestigador na suicide ang nangyari? Saka wala naman silang nakitang ebidensya." Suhestiyon ni Ysmael.

"Hindi suicide ang nangyari." Pagpupumilit ni Faizal.

"Huh? Eh bakit nung una pinagpipilitan mong suicide ang nangyari?" Takang tanong ni Heifa.

Umayos ng upo ang lalaki at isa-isa kaming tinitigan.

"Yun yung pumasok sa utak ko dati. Pero bigla kong naisip yung sinabi ni Sabrina sakin noon nung namatay ang tatay niya, yun daw ang naging dahilan nila bakit sila lumipat dito noon. Dahil posibleng ang maaring pumatay sa kanya ay ang may kinalaman din sa pagkamatay ng tatay niya." Paliwanag nito na nagpahanga sa isip ko.

Kung ganon, posible kayang yun ang dahilan? Pero sino naman kaya ang gagawa non?

"P-pero, sino naman ang gagawa non?" Tanong ko.

"Malayo ang dating pinanggalingan nila Sabrina noon Faizal, impossible ang sinasabi mo." Si Chiro na nakaupo narin ngayon.

"Ang killer, gagawa at gagawa ng paraan yan kung may plano yan. Maaring matagal nang nandito ang taong may kinalaman sa pagkamatay ng tatay niya at gusto niyang patayin si Sabrina." Sabi pa nito.

Lahat kami ay naguluhan sa sinasabi ni Faiz, pero nagtaka ako ng medyo marahan na tumango tango pa si Ysmael na tila ba naiintindihan niya. Sabagay matalino siya. Saka marunong siya sa pag-intindi ng ganoong mga bagay. Palibhasa, isa siyang Manunulat ng nobela na mayroong kahit anong dyanra.

Pero parang ang hirap intindihin. Paano makakarating ang killer ng tatay ni Sab dito sa Maynila. It's so mind blowing. 'Ito ang tatandaan mo Rhianna, kapag marinig ko pang hindi mo—niyo tinigilan yang ginagawa nyo. Alam mo na ang mangyayari' biglang nag flash sa utak ko ang sinabi ni dad. Hindi ko alam kung makikialam pa ba ako sa kasong yan o susunduin ko nalang si Dad. Pero kailangan naming hanapin ang ibidensiyang hindi nagpakamatay si Sabrina.

'mapipilitan akong ilipat ka sa ibang school'

I don't know what to do! Ewan ko ba kung ako ang susunduin ko. Si Dad p ang kagustuhan kong makahanap ng hustisya. Husst! Bahala na, basta sa  kung saan ako komportable, doon ako. Doon ako sa makakatulong ako.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom bumungad na naman ang kaingayan ng mga kaklase ko. It's so noisy, parati nalang. Pero nasanay na ako. Naupo nalang ako sa upuan ko. Napatingin nalang ako sa bakanteng upuan ng kaibigan ko. I miss her.

Behind Sabrina's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon