Chapter 1: June 5, 2022

14 5 10
                                    

SABRINA'S POV:

"Sabrina, bilisan mo na jan." Tawag ni inay sakin mula sa labas ng bakeshop namin.

Pupunta kami ng kasal ng kakilala ni inay. Malapit lang din dito sa bakeshop namin ang convention na pupuntahan namin. Kaya isang sakayan lang ng tricycle ay makakarating kami.

"Ba't ba ang tagal mong bata ka?" Inis na sabi ni Inay kaya natawa nalang ako.

"Kanina ko pa kasi hinahanap 'tong kwintas ko na bigay ni itay." Sagot ko at hinawakan ang kwintas.

"Oh ano na? Halina kayo." Tawag ni Tita, kapatid ni papa.

Pagkarating namin ng convention ay dumeretso kami sa loob. I'm just wearing my Sky blue dress paired with my sky blue doll shoes. I also tied my hair into ponytail and I also applied some light make-up on my face.

Parang nahihiya tuloy ako na ako lang ang pinakabatang nandito. Maliban sa mga maliit na bagong silang na dinala ng mga nanay nila. Hindi ako maalis sa tabi ni Inay dahil ngayon lang ako nakarating at nakapasok dito. Kaya mahirap na kapag maligaw ako dahil sa likod nito. Nagsisi tuloy ako na sana hindi na ako nagpumilit na sumama dahil nakakaramdam na ako ng hiya. Si tita naman kasi pinilit talaga ako kahit gusto ko naman.

"Yan na ba yung anak mo?" Tanong ng isang ginang. Sabi ni inay ay siya daw yung nanay ng ikakasal.

"Ah oo mare. Nagpumilit ngang sumama, alam naman niyang bihira lang ang nga batang andito." Sagot ni Inay.

"Ano ka ba, okey lang yan. Atleast nakapunta din kayo." Lumingon pa ito na para bang may hinahanap. "Yung anak mong panganay asan?" Si kuya pala ang hinahanap niya.

"Nasa bakeshop. Hindi yun mahilig na dumalo sa mga ganitong okasyon. Alam mo na, may pagkamahiyain ang batang 'yon. Hindi siya masyadong nakikipag-socialize." Sagot ni Inay.

Liningon ko pa si tita na nagpaalam kay Inay na pupunta lang sa grupo ng mga babae na kakilala.

"Akala ko ba naman pupuntahan siya. Hindi na niya makikita ang maaring mangyari." Tila pabulong na sambit niya sa huli.

Tila hindi nakaligtas sa pandinig ni inay 'yon. "Anobg maaring mangyari?"

"H-ha? Ano, yung mangyari sa kasal kung paano I kasal si tita Ramia niya. Akala ko ba naman ay dadalo siya dahil siya ang binigyan ko nung invitation na ibinigay sayu at dapat sumama siya." Paliwanag nito.

"Ah kaya nga, pinilit din ng tita niya na sumama pero hindi talaga napapayag. Mas ginusto pa nitong sa bakeshop nalang at magbantay." Sagot ni Inay.

Kalaunan ay may tunawag sa ginang at nagpaalam na ito sa amin. Parang May kakaiba sa kinikilos niya. Pati sa pananalita niya kanina. She's always talking about my brother. Kung bakit hindi sumama. Ano ka ba Sabrina, kung ano na ang iniisip mo.

Naupo nalang kami sa mga upuan doon habang nagsisimula na ang kasal. Nakita ko pa ang pag-iyakan ng ilang tao dito. Para namang aalis yung tao eh ikakasal lang naman. Nabaling nalang ang tingin ko sa ginang at sa asawa nitong parang wala lang sa kanila ang kasal ng anak nila. Hindi man sila maki-iyak sa kasal ng anak nila.

Sandali lang ay may ibinulong ang ginang sa asawa at matapos 'yon ay palinga-linga pa ito na para bang may hinahanap. Ilang segundo lang ay nagtama ang tingin namin. Nalaman kung kami ng ang hinahanap niya. Ngumiti lang ito sakin na nagiwan ng pagtataka sa aking isipan. Anong meron?

Sinundan ko ng tingin ang asawa nitong nagpunta sa gilid malapit sa exit at may kausap ito sa Cellphone niya. Parang iba ang pakiramdam ko sa kinikilos nila. Ano ba qng meron? Parang ganito yung napapanood kong mga kilos ng mga tao sa mga movies na kinidnapin nila o may gagawin silang masama sa ikakasal. Base lang sa ikinikilos nila. Pero sa movies lang 'yon. Baka maapektuhan lang ako kaya parang ganon nalang ang iniisip ko sa kanila.

Behind Sabrina's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon