CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Limang araw akong absent dahil nagkasakit si mama. Kumuha kami ng ilang test dahil laging sumasakit ang ulo niya at biglang dumugo ang ilong kaya agad na isinugod sa hospital, dun nalaman na may stage 2 cancer na siya, tinawagan ko si tita Rose na siya muna ang magbantay kay mama, kelangan kong magtrabaho. Ayoko ko na maulit na naman ang nangyari dati kay Papa.

FLASBACK*

May quiz kami ngayon sa GenMath nang pinatawag ako sa principal's office, kinakabahan ako na hindi ko alam, bakit parang may mali? Nang makarating ako sa opisina kausap ng teacher ko si Tita Rose, kumatok muna ako bago pumasok , "Good morning po ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?" Nakita ko si Tita na mukhang nag-aalala. "Tine mag excuse ka muna ngayon nasa hospital ang Papa mo" hindi ako makagalaw nang sabihin niya iyon, Nang makabalik ako sa room, agad kong kinuha ang bag at nagmamadaling sumakay sa sasakyan.

Nang makarating kami sa hospital agad kong hinanap ang kwarto ni Papa, nakita ko siyang nakahiga, nagpapahinga nandoon din si Mama at sina kuya. Sinabi sa akin ni kuya ang dahilan kung bakit isinugod si Papa dahil napapadalas daw ang pagsakit ng ulo niya, pasulpot sulpot na lagnat, mabilis siyang mapagod, at pagdugo ng ilong niya, kaya hindi sinasabi sa amin ni Papa dahil ayaw niya mag alala kami.

Habang nag-uusap kami ay dumating ang doktor at binigay sa amin ang resulta ng ginawa nilang mga test at dun nalaman na merong leukemia si Papa. "Doc, ano po yung leukemia?" Tanong ko sa doktor na nagbigay samin ng test results.

"Leukemia is a cancer that forms in blood forming tissue. The disease is characterized by the uncontrolled growth of blood cells, usually white blood cells in the bone. White blood cells are fundamental component of the body's immune response. Leukemia cells crowd out and replace normal blood and narrow cells. We need more tests para malaman natin kung anong uri ng leukemia ang pasyente..." Di muna kami pinauwi ng doktor para magsagawa pa ng mga test para malaman kung anong uri ng leukemia ang meron si Papa.

Ayon sa doktor na sumuri sa kanya meron siyang Acute lymphocytic leukemiait is a common form of childhood leukemia, it can spread to lymph nodes and central nervous system. Tapos na kami sa first Theraphy, pero habang lumilipas ang mga araw, patuloy siyang nanghihina....

Isang buwan ang nakalipas ang laki ng pinangbago ng katawan niya, ang konti lang din ng pagkain niya dahil  sinusuka niya ito.

BACK TO REALITY*

Makalipas ang ilang buwan, gumaling na si mama, laking pasasalamat ko na marami ang tumulong para sa operasyon.

Malapit na ako sa building na pinapasukan ko nang aksidente kong mabangga ang lalaki, magsosorry na sana ako nang makita ko ang Mukha niya, siya ang pinsan ko sa side ni Papa.

                TO BE CONTINUED...

Christine's Life Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now