Nag stay pa sila Anthony at Mich ng ilang araw sa apartment ko. Mahimbing ang tulog ko nang mapanaginipan ko si Papa.
FLASHBACK*
Pagkatapos ng klase, pumunta kami agad sa ospital para bisitahin si Papa. Nakaidlip ako habang nakayakap sa kanya. Nagising ako nang maramdaman kong hinahaplos niya ang mukha ko, habang nakangiti sa akin at umiiyak.
"Tine mag-aral ka nang mabuti ha, ipangako mong tutuparin mo ang pangarap mo, pangarap natin... Patawarin mo ko kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo-"
Pinutol ko ang sinabi niya. "Pa ano bang sinasabi mo, Hindi ka nagkulang bilang tatay sa amin, binuhay mo kaming magkakapatid kahit malayo ka sa amin, sinakripisyo mo lahat para mapag-aral mo kami, kaya kahit kailan di ka nagkulang sa amin bilang tatay... Pangako tutuparin ko ang mga pangarap ko, nating dalawa, Diba magdedebut pa ako? Graduating na ko next year Pa, wag naman ganito, wag mo kong iwan please" umiiyak na ako habang nagsasalita dahil sa mga bilin niya, di ko kakayanin na mawala siya.
"Tine, tama na haa.. hindi na kaya ng katawan ko, pagod na ako,ayaw ko na kayo pahirapan, pati ang sarili ko.
Hinawakan niya ang kamay ko "Sorry talaga Tine, tatandaan niyo palagi na mahal na mahal na mahal ko kayo, babantayan namin kayo palagi ng lolo mo..."
Umiyak na ako ng umiyak habang nakahawak parin ako sa kamay niya "A-anong ibig mong sabihin Pa, nakita mo si Lolo?" Tumango lamang siya.
"Nakita ko na siya Tine, sinusundo na niya ako, gusto na niya akong makasama, patawarin mo ako kung iiwan ko kayo, mahal na mahal kita..."
Kasabay ng pagbigkas ng mga salitang yon ay ang pagbitaw ng mga kamay sa akin.
"Pa, wag mo kong iwan, gumising ka Pa!!!" ginigising ako ni Mich, "Tine, nananaginip ka iinom lang sana ako ng tubig tapos narinig kita tinatawag mo si Tito..." Nag-aalala siya sa akin "Napanaginipan ko si Papa, and I just realized something,"
Naiiyak ako habang nagsasalita. "Kaya pala sabi ng ex ko 'I don't know how to live with the people around me kasi tumigil yung mundo ko simula nung mawala si Papa, that's when my life started to fall apart. Lahat naging malabo. Alam mo ba yong last na ginuhit ni Papa na bahay, isa yon sa pangarap niya para sa amin, naimpluwensyahan niya ako..." hinawakan ni Mich ang kamay ko.
"Tine..." naiiyak na rin siya habang nakikinig sa akin "And now, I finally realized something, kung ano yong gusto kong gawin , magtatake ako ng board exam for architecture, kasi isa yon sa nga pangarap ko, pangarap namin, tinulungan niya ba ako by showing how to live with pain and happiness? to continue living?" Sumasakit na ang mata ko sa sobrang iyak, "Miss ko na siya Mich, Miss na miss ko na si Papa.." napayuko ako habang naiiyak, niyakap ko si Mich.
Ang mga masasayang alaala ay bumabalik sa akin. Parang salamin na nagpapakita ng nakaraan, ngunit hindi ka nito hinahayaang baguhin ang mga nangyari. Ang mga alaala ay anino ng kahapon, naglalakad sa ating kasalukuyan, ngunit hindi natin kayang baguhin ang kanilang landas
Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi yon nawala, nanatili yong sakit.
Tiningan ko ang frame ni Papa sa altar, I tried suppressing the memories. The only way for us to move forward is accepting the past and do things in the present to have something in the future.
YOU ARE READING
Christine's Life Story (COMPLETED)
Non-FictionCHEROPHOBIA. THE FEAR that something bad might happen after excessive joy. There's saying that you shouldn't be too happy, because you won't be prepared when misery hits you. "I will no longer allow the negative things in my life to spoil all the go...