CHAPTER 9: BETRAYAL

0 0 0
                                    

YEARS LATER*

"Nay uuwi na ba tayo ng Iloilo?" Tanong ni Nathaniel sakin habang nagliligpit ng higaan. "Yes baby uuwi na tayo" lumapit ako sa kanya kasi kakagising niya lang. "Death anniversary kasi ng Lolo mo..." ngumiti ako sa kanya, we're fixing our things na kasi mamayang gabi ang flight namin. Ayoko pa sanang umuwi pero gusto ko siyang pag aralin si Nathan kung saan ako nag aral dati.

*FAST FORWARD*

Nang makabalik ako galing Pangasinan ay inimbita ako ni Mitch na umatend ng College reunion. Late na akong nakarating dahil iyak ng iyak si Nathan dahil di ko pinasama.

Sinalubong ko si Michelle nang makarating ako sa venue. Habang nagkukwentohan sila nang makita ko si Denise kasama si Lance, biglang bumalik lahat ng masasakit na alaala na matagal ko nang binaon sa limot.

FLASHBACK*
Nakipagkita ako kay Denise malapit lang sa apartment ko, habang naglilibot ako nakita ko si Denise mula sa malayo, hindi muna ako lumapit sa kanya, ilang minuto ang makalipas pumasok ako sa coffee shop. Tiningnan ko siya mata sa mata. "Kanina pa kita hinahanap Christine" hindi ko siya marinig, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na pagtibok ng puso ko ngayon, may ebidensya naman pero may parte sa akin na sana hindi totoo, na napilitan lang siya, na hindi niya ako tatraydorin dahil lang sa isang lalaki.
"Masakit?" walang emosyon kong tanong. "Wala namang masakit sakin?" sabi niya nang nakangiti. "Hindi yon" sabi ko "Alin ba-" agad ko siyang sinampal "Ayan ang tinutukoy ko, masakit?" May bahid na nang mga luha ang mata ko kaya agad ko itong pinunasan. "Para saan yon?" takang tanong niya "Wala kang aaminin sakin?" mabuti na lang at sa bandang dulo kami ng nakapwesto, walang nakakita sa nangyayari "A-anong aminin, wala naman akong k-kasalanan" natawa ako sa sinabi niya. "Hidden talent mo ba yan? Kailan pa naging kayo ni Lance?" Tumulo ang luha ko habang nagsasalita. "Christine, a-ano bang sinasabi mo?" utal utal na sabi niya halatang may tinatago "May nakakita sa inyo kahapon" naiiyak na siya "k-kahapon? Ahhh nagpasama ako sa kanya k-kasi hindi ka available, pero h-hindi kami f-friends" naiinis na ako sa mga palusot niya. "Hindi ka parin aamin?" galit na tanong ko, habang iyak lang siya ng iyak "bakit umiiyak ka na agad ehh wala pa nga akong sinasabi?" umiling siya "Nangyari na lang bigla..." tumulo ang luha ko. "Bakit? paano mo... paano mo nagawa sakin to? sa best friend mo pa? Diba Denise rant ako ng rant ako sa yo palagi pag may may away kami, every time na may nasasabi siyang nakakasakit ng damdamin ko" tumingala ako para punasan ang luha ko "paano mo nagawa sakin to? Diba nandito ka nong panahong umiiyak ako kasi wala si Papa, umiiyak ako dahil sa kanya?" nakayuko lang siya habang umiiyak parin "Paano mo.. paano mo nagawang gustuhin at mahalin ang taong nanakit sa akin?" galit na sabi ko"Im s-sorry, hindi ko sinasadya at saka ano break naman kayo no'ng pumasok ako sa eksena..." desperadang sabi niya "Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?!" di ko mapigilan na pagtaasan siya ng boses. "Diba sabi mo magmomove on kana? Actually mas masaya siya sa akin" natawa ako sa sinabi niya, "Sa tingin mo, nagdadrama ako sa harapan mo dahil kay Lance? Okay fine! Given na yon, pero... umiiyak ako, nasasaktan ako kasi yung best friend ko for ten years... ten years Denise! Yung best friend ko, ikaw! paano mo nagawang traydorin?! It's not about the guy, it's about us, about our freaking friendship Denise!" Natahimik siya sinabi ko "Hindi ka nanghinayang? hindi mo ako inisip? hindi mo man lang naisip yong mga pinagsamahan natin?" wala na akong mailabas na luha, pagod na pagod na akong umiiyak "I'm sorry..." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko itong iniwaksi "Buti na lang at graduating na tayo no? Hindi ko na makikita yang mga pagmumukha niyo, lalo kana, panindigan niyo yan... Panindigan mo yung mga paghuhusgang matatanggap mo sa mga tao" tatayo na sana ako nang magsalita siya "Alam mo, magalit na lahat sa akin... patawarin mo na lang ako" pagmamakaawa niya, umiling ako "Ayoko, kahit makalimutan na ng lahat ang ginawa niyo, pwes ako ako hindi, kahit patawarin pa kayo ng lahat, ako hindi, sayang Denise sobrang sayang...

Sabi nila, "It takes two to tango" but if people would asked me why I decided to confront her instead of Lance because she's with me for ten years... A decade that full of beautiful memories na nasira lang dahil sa isang lalaki.

Christine's Life Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now