Months Later*
Kasama ko sina Anthony at Michelle para mag-enroll sa University na papasukan namin. "Saan kayong program na mag-eenroll?" Tanong ni Anthony. "Gusto ko mag nursing, daming chix doon, daming boys!" Tili niya habang naglalakad kami sa Hallway. "Ang harot mo talaga, basta ako psychology kukunin ko." Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila nang tanungin ako ni Mitch "Tine anong itatake mo na program?"
Tiningnan ko sila, "Ahhh..." umiling ako, "ano kasi... Di ko alam kung ano kukunin ko pinag-iisipan ko pa." Pinag-iisipan? pero ang totoo di ko talaga alam kung ano ang gusto ko. Tumango si Mitch "Ahh ganun ba? Kahit anong course ang kukunin mo susuportahan ka namin ni Anthony." Sabi niya habang nakangiti. I'm thankful na dumating sila sa buhay ko at naging magkaibigan kami, kung wala siguro di ako makakabangon sa nangyari kay Papa.
Nakapasa ako sa entrance exam ng architecture, Nung una ayaw ko pa maniwala sa sinabi ni Mich na qualified ako pero nung tiningnan ko ang FB page ng university kung saan ako nag apply, labis ang tuwa nila Mama dahil isa yun sa mga pangarap namin... Pero bakit parang hindi ako masaya? Bakit parang may kulang parin?
Maraming nagtatanong bakit gusto ko maging architect ehh drawing drawing lang naman ang ginagawa doon. At first, it wasn't my choice to take Architect, gusto ko maging Nurse katulad ni mama para pag tumanda sila, ako na ang mag aalaga sa kanila. One time, tinanong ko si Papa kung ano ang course niya na hindi niya kinuha, then sabi niya he want to be an Architect pero hindi daw kaya financially, kaya sinabi niya sa akin na kahit anong course ang kukunin ko susuportahan niya ako.
YEARS LATER*
Hindi madali ang ating pinagdaanan. Maraming hamon at pagsubok ang ating hinarap. Ngunit sa bawat pagsubok, natututo tayo, lumalakas, at mas lumalapit sa ating mga pangarap. Ang ating pagsisikap at determinasyon ang magiging susi sa ating tagumpay.
Finally, nakagraduate na din ako. All the breakdowns, camming days sa mga plates, at mga panahon na muntik na akong sumuko,are all worth it. Lahat ng sakripisyo na ginawa nila mama para mapag-aral kami, lahat ng yon ay bunga ng pagsisikap, dedikasyon at sakripisyo.
After graduation, nag-apply ako sa isang agency. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga ka workmates ko, yung iba naman, hindi ko alam kung bakit naiinis sila sa akin, palagi silang may sinasabing mali tungkol sa akin pero wala na akong pakialam, kilala ko ang sarili ko kaya pinagsawalang bahala ko na lamang ito at pumunta sa kinauupuan ko.
YOU ARE READING
Christine's Life Story (COMPLETED)
Non-FictionCHEROPHOBIA. THE FEAR that something bad might happen after excessive joy. There's saying that you shouldn't be too happy, because you won't be prepared when misery hits you. "I will no longer allow the negative things in my life to spoil all the go...