I passed the board exam, finally natupad ko na ang pangarap namin ni Papa, sayang lang at hindi ko siya kasama ngayon. I know he's proud of me. Bumili muna ako ng bulaklak sa flower shop ni Michelle bago pumunta sa sementeryo para dalawin si Papa. "Rogelio C. Sison, born: October 12 1976, died October 5, 2020" basa ko sa lapida, pinatong ko ang bulaklak sa tabi ng lapida at umupo sa damohan.
"Hi Papa, sorry kung ngayon lang ako nakabisita, sobrang busy ko lately sa office, tinitingnan ko kasi yung site na papatayuan ng pangarap natin na bahay, malapit na rin lumabas yung apo mo sumisipa sipa na, and it's a baby boy..." tumulo ang luha ko habang nagsasalita.
"Sorry Pa kung nakikita mo akong naiiyak, ganito lang siguro pag first time mom sensitive lang talaga ako lately, miss na miss na kita Pa, kung kailan natupad ko na yung mga pangarap natin dati saka ka naman nawala, ang daya mo talaga..." Hanggang Ngayon iniisip ko na nagbabakasyon ka lang sa malayo, at magigising isang araw magkikita tayo at mayayakap ka nang mahigpit.
Weeks Later*
Pupunta ako ng Pangasinan, magbabakasyon kami ni baby na nasa womb ko. "Ilang taon ka dun sa Pangasinan Christine?" Tanong ni Mich habang tinutulungan ako magbuhat ng mga gamit ko. "After 3 years, maybe?" sagot ko sa kanya, I will miss them so much. "Dapat ikwento mo ko jan sa baby mo ha" sabi niya habang naiiyak niyakap ko ko naman si Anthony na naiyak narin dahil malapit na kami sa Airport."Byeeee!" sigaw ko at pumasok na sa loob ng Airport.
YOU ARE READING
Christine's Life Story (COMPLETED)
Non-FictionCHEROPHOBIA. THE FEAR that something bad might happen after excessive joy. There's saying that you shouldn't be too happy, because you won't be prepared when misery hits you. "I will no longer allow the negative things in my life to spoil all the go...