Chapter 1

33 2 0
                                    

Pumasok ako ng isang shop at sinalubong ng mabangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na binebenta nila dito. From roses, lilies, carnations, down to orchids, mayroon ata sila dito. At ang ganda rin ng pagkakaayos ng shop nila. Very minimalist.

"Hello, Sir! Good afternoon po! Ano pong hanap nila?"

Ang tanong sa'kin ng staff dito sa flower shop.

"Uhm... Magkano six red roses bouquet n'yo?"

"May sale po kami ngayon, Sir! Nine hundred ninety nine po for a bouquet of six roses!"

"Sige. Pa-arrange ako isa."

"Ano pong klaseng flower arrangement, Sir? Pili na lang po kayo dito!"

At pinapili niya ako sa tatlo. Halos pare-pareho lang naman, wrap lang pinagkaiba. So, pinili ko na lang 'yong kulay pink to match my girlfriend's beauty.

"Para po sa girlfriend n'yo po, Sir?"

At napangiti ako sa tanong niya.

"Yeah. It's our first monthsary today, so I wanna give her some flowers."

At binati naman niya ako.

"Pa-wait na lang po habang ina-arrange ko po 'yong bouquet, Sir!"

So, naglibut-libot muna ako sa buong shop habang naghihintay. Hanggang sa mapadpad ako sa mga maliliit na halaman na nasa small pots. May mga dahon. May mga bush. At parang gusto kong bumili para kahit papaano'y may decoration ang condo ko.

Pero sa lahat ng halaman dito, may isang bukod tanging pot na nakahiwalay sa iba't nasa loob pa ng isang estante. May soil naman ito, pero walang umuusbong na kahit anong halaman mula dito.

"Crystal Rose... A flower that blooms... Only by moonlight..?"

Ang pagbasa ko sa label na nakatusok mula sa soil nito.

"Anong klaseng bulaklak 'yon?"

Ang tanong ko pa sa sarili ko.

"A flower that could make your fantasies come true, that is."

At nagulat ako sa biglang sumagot sa tanong ko.

Paglingon ko sa'king likod, nakita ko ang isang magandang... Lalaki? Yeah, lalaki nga siya. May adam's apple, eh. And he looks so pretty for a guy, though.

"Are you interested on buying it? Sorry, but that one's not for sale. It's just there for decor." Dagdag niya pa.

"Decor n'yo lang po 'to? So, that means hindi po talaga siya totoo?" Tanong ko pa.

"No, Crystal Rose is a real flower. That one's just still haven't grew up yet as he's still looking for someone to take care of him. Or should I say, he's just so picky." At tumawa siya.

"Nasubukan n'yo na po bang itapat ito sa liwanag ng buwan? Baka tumubo na po ito 'pag ginawa n'yo 'yon kung totoo nga po ang nakasulat sa label nito."

"I could say that many have tried taking care of him, but that stubborn flower still haven't bloom at all or even just grew a sprout and keeps on coming back to us on his own."

"Like you're saying it has its own life." Biro ko pa sabay tawa.

"Plants really do have a life of their own, though." Sabi niya't na-gets ko naman ang point niya. "And that Crystal Rose is really different from other plants here."

"In what way po?" Tanong ko naman out of curiosity.

"Wanna find it out yourself? Take care of him for a week. Let's see if the Crystal Rose will like you and grew a sprout under your care."

I'm Your Fantasy (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon