At dahil sa sinabi ni Kuya Gab na tutubo na raw ang Crystal Rose this time, mas pinaulanan ko pa ito ng love and affection to the point na parang ito na ang naging girlfriend ko. At sa paglipas ng araw, nag-buhay-plantito talaga ako sa pag-aalaga sa halamang ito. Nand'yan 'yong didiligan ko siya sa umaga't magkukwento ako sa kanya ng mga ganap ko sa buhay at mga saluoobin ko. Minsan din ay kinakantahan ko siya sa gabi. Pero this time, love songs na na sa tingin ko nama'y nagugustuhan niya ang panghaharana ko sa kanya! Hahaha!
"Alam mo, medyo nahahabaan na ako sa pangalan mong Crystal Rose! Gusto na nga kitang bigyan ng ibang pangalan, eh! Pero gusto ko magma-match 'yong ibibigay kong pangalan sa'yo sa ganda mo! So, sana tumubo ka na para mapangalanan na kita!" Biro ko pa dito sabay tawa.
Humikab ako't nakaramdam na ng antok. So, nagpaalam na ako sa Crystal Rose, hinalikan ang paso nito't pumasok na sa loob.
Isang araw, pumunta ako ng balcony para diligan ang Crystal Rose at nagulat na lang ako nang makitang may tumubo na mula sa paso nito! Sprout pa lang naman, pero ang ganda na nito! At masasabi kong kakaiba talaga ang halamang ito dahil hindi kulay berde ang tumubo mula dito, kundi isang halamang mukhang gawa talaga sa babasaging kristal at kumikinang sa sikat ng araw! Napakaganda talaga!
Agad ko namang tinawagan sina Kuya Gab para ibalita ito sa kanilang mag-asawa't tuwang-tuwa rin silang makitang tumubo na nga ang Crystal Rose. Muli, pinaalalahanan ulit ako ni Kuya Vee na alagaan nang mabuti ang halaman at 'wag basagin ang puso nito na medyo hindi ko maintindihan lalo na 'yong bandang huli. Still, um-oo pa rin ako sa kanya.
"Pwedeng magtanong? Saan ba galing ang bulaklak na ito't parang kakaiba ito mula sa mga halaman dito sa mundong ito?"
At nagkatinginan muna sila bago sagutin ang sagot ko.
["All we could say is Crystal Rose is not a flower from this world, Jericho."]
Sagot naman sa'kin ni Kuya Vee.
"So, magical flower siya?" Tanong ko pa.
["Parang... Ganoon na nga."]
Sagot naman ni Kuya Gab.
"So, totoo 'yong sinabi mo sa'kin na kayang tuparin ng bulaklak ng ito ang fantasies ko, Kuya Vee?"
["Uhm... You could say it that way."]
"In what way will it grant my fantasies?"
["In terms of your ideal girl. But with a twist, that is."]
"At ano naman ang twist na 'yon?"
["Malalaman mo rin 'pag tinupad na niya ang fantasy mo na ito, Jericho. Pero sana tanggapin mo pa rin siya kung anuman siya dahil sa'yo nakasalalay ang buhay niya knowing na sa lahat ng taong nag-alaga sa kanya'y ikaw ang pinili niya."]
Sabi ni Kuya Gab.
["And please, don't break hi- that flower's heart no matter what, Jericho."]
Dagdag pa ni Kuya Vee.
"Kung nasa kanya nga ang lahat ng katangian ng isang babaeng hinahanap ko, definitely, I won't break her heart! Makakaasa kayo sa'kin na aalagaan ko siya't hindi ko babasagin ang puso niya anuman ang mangyari! Promise!"
["We'll hold on to that promise of yours, then."]
["At 'wag na 'wag kang magpo-post sa social media ng kahit anong picture ng Crystal Rose, Jericho! Kundi maraming aagaw n'yan sa'yo! Though, kaya naman niyang bumalik sa'yo, pero mas mabuti na ring mag-ingat ka!"]
["At kung may magtanong sa'yo kung totoo ba 'yan o hindi, sabihin mo, peke lang 'yan at decor mo lang sa bahay 'yan! And most importantly, 'wag na 'wag mong ipapamigay kahit kanino!"]
BINABASA MO ANG
I'm Your Fantasy (BL)
RomanceWhat if, one day, your ideal girl knocks on your front door? Would you let her in? In Jericho's case, he'll definitely would! But what if, that person checks it all, except gender? Would he still let him in? Language : Taglish Genre : BL / Fantasy...