As expected, pinayagan ako nina Papa't Dad na sumama kay Jericho sa kanyang car camping/stargazing sa Tanay, Rizal for three days and two nights. Binigay na rin nila sa'kin ang DSLR nila para makuhanan ko raw ng pictures at videos ng mga bituin at ang pananatili namin doon. Tinuruan na rin ako ni Papa kung paano ito gamitin at kung paano i-adjust ang settings 'pag gagamitin ko na sa gabi. And as try taking pictures and playing with its settings, I could say that I'm liking photography now! May isang hobby na naman ang nakapukaw ng atensyon ko! Hahaha!
And good thing at bumalik naman si Aries kinabukasan! Gusto raw kasi talaga niyang matutong mag-bake ng cakes at magtayo ng sarili niyang cake shop balang araw! And I quite envy him for already having a dream he wanna chase in his life despite his very young age of 15 years old...
Natuwa naman sa kanya si Jericho. Pero pinaalalahanan pa rin siya nito na seryosohin ng training niya't 'wag nang magdabog habang naghuhugas ng mga pinaggamitan sa pagbe-bake at 'wag din pabayaan ang kanyang pag-aaral.
Ngayon nga'y namimili kami ni Jericho ng mga lulutuin namin doon at ilan pang mga gamit na kakailanganin namin para bukas.
"Anong gusto mong kainin natin doon? Ipagluluto kita."
Ang tanong ko sa kanya habang nag-iikut-ikot kami sa supermarket.
"Malamig daw doon, eh. So, parang gusto kong kumain ng bulalo doon." Sagot naman niya.
At bumili na nga kami ng mga sangkap nito. Bumili na rin kami ng itlog para para sa almusal namin doon at chicken breasts na rin. Tubig na rin panghugas at para may mainom kami doon. For coffee, kukuha na lang daw siya ng coffee beans sa lungsod niya't magdadala ng manual coffee grinder para makainom pa rin daw siya ng masarap na kape doon.
Namili na rin kami ng mga kakailanganin para sa lungsod niya dahil wala siya doon ng tatlong araw. Mga baking ingredients na gagamitin ni Aries sa pagbe-bake at mga kakailanganin ng mga barista sa paggawa ng drinks. May darating daw na coffee beans delivery mula sa supplier ni Jericho sa Sabado, so mag-iiwan na lang daw siya ng pambayad kay Irwin para dito.
"Okay ka lang ba talagang maiwang mag-isa dito para gumawa ng cakes, Aries?"
Ang tanong ni Jericho sa kanya.
"Friday at Saturday lang naman kami wala at Sunday ng gabi, kasama mo na kami dito ni Kayle para maturuan ka pa namin kung paano mag-bake ng iba pang cakes. So, kaya mo ba?" Tanong niya pa kay Aries.
"Yes po, Sir Jericho! Kaya ko pong magtrabaho dito sa baking station ng lungsod n'yo nang mag-isa!" Confident na sagot naman ni Aries sa kanya.
"That's good to hear!" Sabi naman ni Jericho. "Apat na klase ng cakes at dalawang uri ng pies naman ang tinuro sa'yo ni Kayle, 'di ba? Kahit dalawang klase ng pastries lang sa isang araw ang gawin mo, okay na 'yon! 'Wag lang magkasunod na araw na magkaparehas na cakes ang gagawin mo para hindi agad magsawa ang mga customers na'tin! At kung hindi masarap ang kinalabasan ng ginawa mo, iuwi mo na lang ito't 'wag mo nang i-display pa. 'Wag mo na ring ulitin pa ito para hindi ka na masyadong gabihin pa't makapag-aral ka pa pag-uwi mo! Hayaan mo nang walang display sa chiller. Dalawang araw lang naman, eh! Bawi na lang next time!"
"Okay po, Sir Jericho! And don't worry po! Sisiguraduhin mo pong masarap ang mga magagawa kong pastries para sure pong may ititinda kayo kinabukasan! At para hindi na rin po masayang ang mga ingredients n'yo dito na gagamitin ko!" Sabi pa ni Aries.
"May tiwala naman ako sa baking skills mo kahit tatlong araw pa lang noong nagsimula kang mag-aral mag-bake! So, aasahan ko talaga 'yan!" Papuri ni Jericho at nagpasalamat naman si Aries sa kanya.
"So, tuloy na po talaga kayo sa car camping/stargazing n'yo bukas, Sir Jericho at Sir Kayle?" Tanong pa ni Aries.
"Oo." Sagot naman ni Jericho.
BINABASA MO ANG
I'm Your Fantasy (BL)
RomanceWhat if, one day, your ideal girl knocks on your front door? Would you let her in? In Jericho's case, he'll definitely would! But what if, that person checks it all, except gender? Would he still let him in? Language : Taglish Genre : BL / Fantasy...