Days passed, iniwasan ko talaga si Kayle. Hindi dahil galit ako sa kanya. More like nagu-guilty sa ginawa ko sa kanya, at sa ginawa ko sa loob ng banyo that night! Yeah, I used his image in my head as a fap material, and I really did came! And now, I dunno how to face him again!
Still, nilulutuan pa rin naman ako ni Kayle ng breakfast at lunch, at dinadalhan ng dinner sa cafe, pero umuuwi rin agad siya ng condo pagkatapos niyang ibigay sa'kin 'to. Napapansin na rin siguro niyang umiiwas ako sa kanya't binibigay naman niya sa'kin ang space na gusto ko. At mas lalo akong na-guilty dahil doon. Wala naman siyang kasalanan pero siya pa itong nag-adjust para sa'kin.
Isang gabi, bigla akong nauhaw. So, bumangon ako ng kama para kumuha ng tubig sa kusina. Pero pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko'y nahuli ko si Kayle na umiiyak sa sofa't agad naman niyang pinunasan ang kanyang mga luha nang makita ako. And I know that I'm the reason behind those tears and my guilt builds up even more.
"Hindi ka makatulog? M-may problema ka ba? Ano laman ng daily rants mo ngayon? Gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya pa sa'kin at halata sa boses niya na kakagaling niya lang sa pag-iyak.
"Ikaw? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko naman habang naglalakad palapit sa kanya kahit alam ko namang ako ang dahilan noon.
"Hindi, wala lang 'to. Napuwing lang ako." Sagot naman ni Kayle habang may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.
"Sorry." Sabi ko nang makaupo ako sa tabi niya.
"No, ako dapat ang mag-sorry sa'yo. I think, I went overboard on teasing you that night to the point you felt uncomfortable around me now. Sorry."
"No, it's not like that..! It's just..." At hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin 'yon sa kanya o hindi't napabuntong-hininga na lang ako.
"Don't worry, bukas na bukas din, aalis na ako dito para hindi ka na mailang sa'kin." Sabi niya pa na ikinagulat ko. "Nakausap ko na sina Papa't Dad tungkol dito. Susunduin na raw nila ako bukas at doon na lang ako sa kanila titira."
"No! Please, don't! Dito ka na lang, 'wag ka nang umalis! Sorry na, hindi na kita iiwasan! Yes, I admit na naiilang ako sa'yo these past few days. But it's not because of what you did, but because of what I did!" Pagpigil ko sa kanya. "So, dito ka na lang, please? Maawa ka sa'kin! Baka pagtyagaan ko na naman ang mga luto kong palpak dahil tinamad na akong ayusin pa ang luto nito! Or else, baka magdelata, instant noodles at pancit canton, o food delivery na naman ako dahil tamad nga akong magluto! So, please? Dito ka na lang, Kayle, at 'wag mo na akong iwang mag-isa dito? Please?" Sabi ko pa habang hawak-hawak ang kamay niya para magmakaawa.
"Sige, hindi na ako aalis." Sabi naman niya na ikinatuwa ko. "Pero in one condition."
"Ano 'yon?"
"Sabihin mo muna sa'kin kung anong nagawa ko para mailang ka sa'kin." Sagot naman niya. "Or should I say... What you did?"
And with that, I automatically let go of his hand and put some distance between us that made him laugh! At naalala ko na naman kung anong ginawa ko that night! Putangina, nakakahiya!!!
"No! Definitely, I won't tell it to you! Just leave if you want to, but you won't get any answer to me about this matter as it is shameful!" Mariing sagot ko naman sa kanya.
"It is what I'm thinking it is..?" Pang-aasara niya pa sa'kin sabay tawa.
"Definitely, it is not." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"
"T-tangina mo!"
At tinawanan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
I'm Your Fantasy (BL)
RomanceWhat if, one day, your ideal girl knocks on your front door? Would you let her in? In Jericho's case, he'll definitely would! But what if, that person checks it all, except gender? Would he still let him in? Language : Taglish Genre : BL / Fantasy...