Chapter 2

28 1 0
                                    

* Monday Night *

Nandito na ako sa balcony ng condo ko't kinakausap na naman ang Crystal Rose.

"Alam mo, hindi ko pa rin matanggap na nakipaghiwalay sa'kin si Sol dahil lang sa petty reason na 'yon! Baka nga ginawa niya lang 'yong dahilan para makipag-break sa'kin dahil na-realize niyang ayaw niya talaga sa'kin, eh! Sana sinabi na lang niya ng diretso at hindi na nagdahilan pa! Mas matatanggap ko pa 'yon kaysa sa binigay niyang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa'kin, eh!" At bumuntong-hininga ako...

* Tuesday Night *

"Napapaisip talaga ako kung anong nagawa kong mali para makipag-break sa'kin si Sol nang gano'n-gano'n lang! Pinakita ko naman sa kanya ang pagiging maginoo ko! Tiniis ko rin na hindi umi-score sa kanya sa loob ng tatlong buwan ng relasyon namin at kinontento ang sarili ko sa mga halikan naming hanggang doon lang bilang respeto na rin sa kanya!" Daing ko sa halamang hindi pa rin umuusbong dito sa balcony ko.

"Wait. Baka 'yong ang dahilan? Baka gusto niya rin pero nagpapabebe lang siya? Pero hindi rin, eh! Siya mismo bumabali ng mga halikan namin minsan, eh!" Sabi ko pa!

"Ay, ewan ko! Minsan hindi ko rin maintindihan ang mga babae, eh! 'Pag pinakita mo sa kanila ang good boy side mo, iiwanan ka! 'Pag pinakita mo naman ang bad boy side mo, iiwanan ka pa rin! Ano ba talaga ang gusto nila?!" Dagdag ko pa sabay tungga ng beer ko.

* Wednesday Night *

"Nakita ko 'yong latest post ni Sol kanina sa IG! May kasama siyang lalaki sa picture at naka-akbay pa ito sa kanya! Wala pang isang linggo noong nakipag-break siya sa'kin pero nakahanap na agad siya ng bago! Sinulot lang ata siya sa'kin ng gagong 'yon, eh!" Paglalabas ko ng hinanakit ko sa Crystal Rose.

"Samantalang ako! Heto! Dinadamdam pa rin paghihiwalay namin! Well, hindi ko naman siya masisisi! Malaki katawan ng mokong na 'yon! Samantalang ako, patpatin! Pero, putangina, 'yon lang naman lamang niya sa'kin! Mas lamang pa rin ako ng ilang paligo kaysa sa gagong 'yon! Mukha siyang hipon! Ang liit pa ng ulo niya!" Dagdag ko pa.

"Pero hindi ko talaga masisisi si Sol kung patulan niya ang lalaking 'yon! Mahilig kasi siya sa seafood kaya siguro ganoon!" At dinaan ko na lang sa tawa ang pagseselos ko kahit wala na akong karapatan...

* Thursday Night *

At bumuntong-hininga muna ako bago magsalita...

"Pinuntahan ko si Sol sa workplace niya kanina..." Paninimula ko.

"At kung totoong tao ka man na nakakakilos at nakakapagsalita, malamang kanina mo pa ako binatukan at tinawag na tanga." At mapait akong tumawa...

"Wala, eh! Mahal ko siya, eh! Kaya sinubukan ko pa ayusin ang relasyon namin at baka masalba ko pa..! Pero ayaw na talaga niya... So, ano pang magagawa ko..?" At tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan...

* Saturday Morning *

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Ni hindi ko nga alam kung paano at kung anong oras ako nakauwi galing bar, eh. Basta ang alam ko, nagwalwal talaga ako kagabi kasama ng mga kaibigan ko dahil brokenheartedearted ako. At nagpapasalamat naman ako't sinamahan nila ako.

Pero putangina, ang sakit talaga ang ulo ko! At nang makaramdam ako na parang babaliktad na ng sikmura ko'y pasuray-suray akong tumakbo papuntang banyo.

Nang mahimasmasan na ako'y nagtimpla ako ng kape't diniligan ang Crystal Rose sa balcony. Pabiro ko pa nga itong tinanong kung alam niya ba kung paano at kung anong oras na ako nakauwi, eh! Asa naman akong sasagot ito! At baka ako pa ang matakot 'pag sumagot nga ito! Hahaha!

I'm Your Fantasy (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon