01

81 43 2
                                    

Kasalukuyan kaming naglilipat ng gamit ngayon dahil napagdesisyunan na ni Mama na lumipat na kami ng tinitirhan. Paano ba naman kasi? Simula noong lumipat kami rito,
puro kamalasan na lang ang natatanggap namin. Mas lalo pang tumaas ang renta, akala mo naman napakaganda ng bahay.

Ako nga pala si Amana, bunso sa aming limang magkakapatid. Actually, tatlo na lang kami dahil na-miscarriage ni Mama ang panganay at pangalawa naming kapatid. Dahil iyon sa stress mula sa tatay kong drug addict. 16 years old na ako at magga-grade 11 sa pasukan. Hindi ko pa nga alam kung makakapasok ako dahil mahigpit kami sa budget ngayon. Nagsara na rin kasi ang karinderya ni Mama dahil sa dami ng utang niya.

"Amana, 'wag ka ngang tumunganga riyan! Tulungan mo si Ate Debbie mo doon. Napakawalang kuwenta. Ako noon, sa ganiyang edad, nagbabanat na ako ng buto," sabi ni Mama. Si Ate Debbie ang panganay sa amin, at isa siya sa mga comfort zone ko. Tuwing pinapagalitan ako ni Mama, siya ang lagi kong kakampi.

Pumunta na ako sa likod-bahay namin para kunin pa ang ibang gamit. Mahirap nang may maiwan. Hindi naman kami mayaman para magsayang ng gamit.

"Amana, nakita mo ba 'yung sapatos ko? 'Yung bigay ni Papa nung birthday ko?" tanong ni Ate Fi. Umiling ako. Si Ate Fiarra, o Fi, ay pangalawa sa amin. Kabaliktaran niya si Ate Debbie—kung si Ate Debbie ay kakampi, si Ate Fi naman ay kalaban. Napakamaldita kasi, paborito siya ni Papa, at alam niyang lagi siyang kakampihan nito. Magsama sila, mga adik.

"Eme ka, kinuha mo siguro 'yon kasi inggit ka. 'Di ka lang binigyan ng regalo ni Papa, nagnanakaw ka na," mapang-asar niyang sabi sa akin.

"Bakit naman kita nanakawan? Eh galing din naman sa nakaw 'yung sapatos mo. Asa kang galing sa paghihirap ng tatay mo 'yan, eh wala namang ibang ginawa 'yon kundi mag-adik at magnakaw kay Mama," irap ko. Nagngitngit siya sa galit at nag-walk out. Diyan lang naman siya magaling.

"Inaaway mo na naman si Fi," biglang sabi ni Ate Debbie sa likod ko, na ikinagulat ko.

"Hindi ah. Sinasabi ko lang ang totoo," ani ko sabay hair flip, na ikinatawa niya kaya natawa na rin ako. "Ate, sa tingin mo ba makakapasok ako sa pasukan? Sabi kasi ni Mama, hindi pa raw siya sigurado," tanong ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata at sinabing, "Oo naman! Hindi ka puwedeng hindi pumasok. Mahuhuli ka sa mga kasabay mo. Sinasabi man nilang buhay ay 'di karera, pero ang totoo, buhay ay karera." Mahabang saad niya. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Totoo naman kasi talaga. Lalo na sa panahon ngayon, kapag gifted ka o ipinanganak kang may kaya, mabilis mong makukuha ang mga bagay-bagay. 'Di tulad naming mga dukha, kailangan mo munang magkaroon ng tatlong trabaho bago mo makuha ang mga pangangailangan mo. Minsan nga kulang pa.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng gamit at isinakay na sa tricycle na nirentahan ni Mama. Sumakay na rin ako dahil aalis na kami.

Pangatlong lipat na namin 'to simula noong mag-umpisa ang taon. Madalas na dahilan ni Mama ay nagsho-short kami sa budget, o di kaya'y malakas na naman ang impluwensya ng mga drug dealer sa tatay ko sa lugar na tinitirhan namin.

Maayos naman sana ang buhay namin, kaso ang tatay ko, mabilis maimpluwensyahan ng mga kaibigan niya. Sa pag-aadik lang naman sila magaling. Habang nagde-daydreaming ako, may naramdaman akong humahaplos sa hita ko. Nasa likod kasi ako ng driver. Tanginang manyak.

Sinampal ko ang kamay niya at binantaan, "Kingina mong gurang ka, kapag naramdaman ko ulit 'yang kamay mo sa hita ko, hindi ka na magtatagal sa mundong 'to, gago ka." Tinanggal niya sa takot ang kaniyang kamay at nag-drive ulit. Madalas nangyayari sa akin ito, pero 'di ko na pinapansin dahil wala namang mangyayari.

Nang makarating kami sa bago naming bahay, hindi ko napigilang mapatigil at mapatingin sa paligid.

"Ma, parang ang laki naman ng bahay na 'to?" tanong ko habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng bahay.

"Oo nga, Ma. Sigurado ka bang kaya natin bayaran 'to?" dagdag naman ni Ate Debs, halatang nag-aalala.

"Kaya bayaran ni Mama 'yan," walang pakialam na sagot ni Ate Fi. Napa-irap na lang ako sa kaniya. Sanay kasi siyang walang iniintinding gastos o trabaho. Ako at si Ate Debs ay nagtatrabaho para kay Tita Shils, kapatid ni Mama. Mabait naman si Tita at malaki magpasahod. Lagi rin niyang binibigyan ng pagkain ang pamilya namin tuwing bumibisita siya.

Ako, nagbabysit sa anak ni Tita Shils na si Daniella, habang si Ate Debs ay tagalinis ng bahay nila. Kailangan namin ang extrang kita dahil hindi talaga sapat ang kinikita ni Mama para sa aming pamilya. Kaya nagtutulungan kami ni Ate Debs sa mga gastusin. Samantalang si Ate Fi, puro pagpapasarap lang sa bahay.

"Nakabayad na ako para sa unang buwan ng renta natin dito," sabi ni Mama, kita ang pagod habang nakatingala sa attic ng bahay. "At nakuha na rin ako sa fast food chain na inaplayan ko nung nakaraan," dagdag pa niya, tila nagpapahinga ng sandali. "Debs, Amana, umakyat kayo sa attic at linisin niyo 'yon," utos niya. Tumango naman kami ni Ate Debs. "At ikaw, Fi, itigil mo muna 'yang kaartehan mo at magwalis ka." Napa-irap ulit si Ate Fi, pero sa huli, sumunod din siya.

"Nasaan ba si Papa?" tanong ni Ate Fi, halata ang pag-aalinlangan sa boses niya.

Nilingon siya ni Mama, kita ang lungkot sa mga mata niya. "Naghahanap ng trabaho," sagot ni Mama, pero dama ko ang pagdadalawang-isip sa tono niya. Naghahanap nga ba talaga ng trabaho? Bumuntong-hininga na lang ako at sinundan na si Ate Debs papunta sa atic. Nakita ko agad na talagang may kadumihan ang bahay—tatlong taon na pala itong walang nakatira. Siguro nga, kailangan naming magdobleng effort para maging maaliwalas ulit ito.

"Let's make this house cozy, shall we?" mahina kong bulong sa sarili habang binubuksan ang bintana ng attic, pinapayagan ang sinag ng araw na pumasok at bigyan kami ng bagong simula.

to be continued...

don't forget to vote & share, lovies. adiós ! 💋

catch me on my socials!
fb page: @eildat
ig: @eildaatt_
tiktok: @eildaatt

The Price of Being LastWhere stories live. Discover now