05

38 19 0
                                    

Trigger Warning: This chapter contains themes of familial conflict, emotional distress, and verbal abuse. Reader discretion is advised.

Cedric's Point of View

"I don't have to be your mom to teach you to have morals, asshole," sabi niya, rolling her eyes before she walked ahead and left me behind. I shook my head and followed her inside our room; she's so pikon talaga. Simula noon ay hindi niya na 'ko kinibo, and I'm getting so annoyed. I hate being ignored.

Maya-maya lang ay hindi na ako nakatiis. "Will you please stop ignoring me and talk to me?" irritation was visible in my voice. She didn't even give me a spare glance. Okay, Cedric, you pissed her off and you have to pay for it. Apologize, Ced, kausap ko sa sarili ko. "Okay, I know I pissed you off about my behavior, that's my fault. I promise, I'll behave from now on," at itinaas ko pa ang kanan kong kamay, nangangako.

Ano ba kasing ginagawa sa akin ng babaeng 'to?

Nilingon niya naman ako. "Good, I'm not doing this for myself; it's for your own sake, okay?" leksiyon niya pa. Sumang-ayon lang ako nang sumang-ayon dahil alam ko namang talo ako sa mga ganitong bagay. She's a humanista after all. I am too, but I don't know; I'm just not good at standing on my own beliefs, but I'm working on it, though.

I know you all must be confused. I'm a HUMSS student but I want to pursue engineering or architecture in the future. I know I'm fucked up; nag-sign up lang naman ako sa HUMSS dahil nandoon si Amana, and that time, hindi ko pa rin alam kung anong gusto kong kuning course sa college. I didn't take GAS because Amana wasn't there.

Bakit ba puro si Amana?!

"Kids, let's eat lunch na. May mga activities pa tayong kailangang gawin later," mom called us. Argh, I hate this type of family gathering. I just hate socializing, you know? And sumama si Amana, kaya sumama rin ako. Can't let her hang out with them by herself, no way in hell.

Amana's Point of View

Ang saya pala kasama ng pamilya ni Ced. Akala ko sosyal sila dahil mayaman nga. Grabe ang pagkakanal ng humor ng mga pinsan ni Ced. Tuwang-tuwa ako dahil kanina pa nila inaasar si Cedric. About him crushing on someone noong grade school pa lang siya; nung nakita raw ni Ced yung crush niyang may kasamang iba, kaya sinuntok niya ito sa mukha.

"You really stoop that low?" naiiyak na 'ko sa kakatawa. Umagree naman ang mga pinsan niya sa sinabi ko.

"I hate you all," he raised his middle finger at us, kaya naman nasaway ko siya. Baka kasi ma-offend ang mga pinsan niya.

"It's fine and normal for us to do these types of things, Amana, so no sweat," nakangiting sabi ni Lorraine. Nahihiyang tumango naman ako. "But it's sweet at the same time, ha? You, defending us from that demon," turo niya kay Ced, nang-aasar. Natawa na lang ulit kami.

Nauna na kaming umuwi ni Ced dahil mag-eenroll pa kami para sa 2nd semester. Grabe, ang bilis ng panahon. Isang sem na lang, at mag-gagrade 12 na kami. Napapaisip ako noong mga time na gustong-gusto ko nang mag-drop out dahil nahihirapan akong mag-aral. Ang layo na ng narating ko, and I'm so proud of myself for being able to pass all the years in high school. Kahit mahirap, kinaya at kinakaya ko naman.

Hinatid pa nila ako ni Mang Lito, driver nila, sa mismong bahay namin. Nakakahiya naman. "Thank you, Ced, at kuya Lito sa paghatid," ngiti ko habang isinukbit ang bag sa balikat ko. "Ced, pakisabi kila tito't tita thank you sa pag-invite sa akin. And thank you kasi sumama ka," at bumaba na ako. Kinawayan ko pa sila bago ako pumasok sa bahay. Naabutan ko si Ate Fi na naghahanda ng hapunan.

"Oh, nandito ka na pala? Kamusta ang Tagaytay?" sabay upo sa upuan upang kumain. Puro kain na lang ang inatupag ng isang ito. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong sala namin dahil si Ate Fi lang ang nakita ko; wala si Mama o di kaya si Ate Debbie. "Wala si Mama; may inasikaso. Si Ate Debbie naman, nandoon sa nobyo niya. Sinabi niya na nabuntis siya," mahina niyang sabi.

The Price of Being LastWhere stories live. Discover now