Nyra's Point of View
Ako si Nyra, nanay nina Debbie, Fi, at Amana. Kasalukuyan akong naglalaba ngayon at nagtataka dahil maggagabi na, wala pa rin si Debbie. Hindi naman siya ginagabi nang ganito, at kung malalate siya, karaniwan ay nagpapaalam siya sa akin. Iniwan ko muna ang aking nilalabhan at pinuntahan ang kuwarto ng mga magkakapatid, dahil iisa lang ang kwarto nila.
Sinilip ko ang kuwarto, at nakita ko silang abala sa paggawa ng kanilang mga assignment. Kaya hindi ko na sila inabala pa. Saktong pagbaba ko, kakarating lang ni Debbie, kaya nilapitan ko siya at tinanong, "Bakit ngayon ka lang? Halos buong araw kang wala," sabay kuha sa bag niya. Mukha siyang pagod na pagod mula sa trabaho.
Nilampasan lang niya ako at agad na pumasok sa kuwarto nila. Itinuloy ko na lang ang paglalaba, marahil pagod lang siya.
Amana's Point of View
Habang nagre-review ako, biglang pumasok si ate Debbie sa kwarto namin. Halatang pagod na pagod siya at parang paiyak na. Nagkatinginan kami ni ate Fi at sabay kaming tumango, saka nilapitan si ate. Tinabihan namin siya sa kama at tinanong, "Ate, anong problema?"
Nagulat kami nang biglang umiyak si ate at nagtakip ng mukha. Hinaplos ni ate Fi ang buhok niya, at niyakap ko naman siya nang mahigpit. Mukhang may mabigat na problema si ate; hindi naman siya ganito, at ngayon ko lang siya nakita na umiyak nang ganito.
Sinusubukan ni ate na magsalita, ngunit nadadala siya ng kanyang pag-iyak, kaya hindi siya makapagsalita. Umabot ng mga 30 minutes bago siya tumahan at nakapagsalita.
"A-ano k-kasi," humihikbing sabi niya. "B-buntis ata ako," at muli siyang umiyak. Wala kaming masabi ni ate Fi. I mean, wala naman siyang boyfriend, ah? "1 week delayed na 'ko, eh normal naman yung mens ko," patuloy niyang sinabi.
"Ate, baka naman due to stress lang 'yan?" tanong ko, umaasang ito ang dahilan.
Umiling siya. "May mga signs na rin, like morning sickness, tapos madalas na rin akong mag-crave ng mga pagkaing ayaw ko dati," sabi niya. Akala ko noon na yung pagsusuka niya ay dahil lang sa kinakain niya o dahil sa pag-inom niya.
"Natatakot ako na baka ayaw niya, natatakot ako na baka iwan niya 'ko, kami," sabay hawak sa tiyan niyang hindi pa malaki. Bakit ngayon niya pa naisip 'to? Kung kailan hindi pa kami stable sa buhay. Paano na ang pag-aaral niya? Marami pang opportunities para sa kaniya dahil matalino siya, pero bakit nagpabuntis siya? Umiling na lang ako at inalis ang mga ideyang 'yon sa isip ko.
"At pati si mama," hopeless na sambit ni ate Fi sabay buntong-hininga. "Madidisappoint ko na naman si mama," umiiyak na sabi ni ate. "Please, 'wag niyo muna sabihin kay mama. Sisiguraduhin ko muna kung positive ba talaga. Ako na bahalang magsabi sa kaniya," habang pinupunasan ang mga luha niya. Tumango lang kami ni ate Fi at hinaplos ang likod niya, sinasabing magiging okay lang ang lahat.
Lumabas kami sa kuwarto na parang walang nangyaring rebelasyon kanina. Kumain kaming masaya sa hapag, sinisikap na ilihis ang isip sa mga seryosong bagay. Ganito talaga siguro 'pag bunso ka—nasa paligid ka, nakikita ang mga nangyayari, pero wala kang say sa mga desisyon dahil bata ka pa at bunso ka.
Debbie's Point of View
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Narito ako ngayon sa CR namin, nakaupo sa sahig, habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test na binili ko kanina. Kinakabahan ako nang sobra, takot na takot sa kung ano ang magiging kahihinatnan nito. Paano na kapag nalaman ito ni Mama? Marami na siyang iniintindi, maraming problema, at ayoko nang maging dagdag pa. Pero heto ako ngayon, naghihintay, nangangamba, at nagdarasal na sana, hindi ako buntis. Isang bagay na maaaring sumira sa mga pangarap ko, pangarap ko para sa pamilya namin.
ESTÁS LEYENDO
The Price of Being Last
De TodoAmana is the youngest daughter in the family. Lucky, right? Everyone says that if you're the youngest, you're spoiled with toys, food, and attention. You're the favorite, the one who gets all the love and none of the responsibilities. It sounds like...