07

16 10 1
                                    

Trigger Warning: This chapter contains sensitive content involving self-harm, substance abuse, and alcohol. Please read with caution.

Fiarra's Point of View

"Ito, gay, bagay sa'yo," wika ni Janice, itinapat ang dress sa harap ko, nananantya kung bagay nga ba sa akin ang damit. Nandito ako ngayon sa condo niya dahil manghihiram sana ako ng damit para sa "date" kuno namin ni Abbie. Hindi ko pa rin alam ang magiging reaksyon ko sa lahat ng ito— I mean, date? Ako? Hindi talaga kapani-paniwala. Pero siguro ganon na nga talaga kapag gustong-gusto mo ang isang tao, ready kang i-break ang mga rules na ginawa mo para sa sarili mo.

"Hey, cooperate with me. Ano ba kasing atake ang gusto mo? Kalikot ba sa first date o pa-sweet girl lang?" nakapamewang niyang tanong. Nahampas ko naman ang braso niya sa sinabi niya, kasi pag talaga sa kalibugan magaling eh. "Aba, 'wag mo 'kong mahampas-hampas, baka mag-two-piece kang pumunta ron," taray niya at naghanap ulit ng damit sa kaniyang closet.

I ended up wearing a white crop top under a navy cardigan, high-waisted wide-leg jeans, and black sambas. Finished with a white scrunchie and shoulder bag for a simple, stylish vibe. Fuck, I look expensive. Ganito pala itsura ko kapag naayusan—sarap-sarapan lang. Lumabas ako sa dressing room ni Janice at ipinakita sa kaniya ang kinalabasan ng outfit na napili ko.

Here's the reference outfit.

(credits to the rightful owner/s)

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

(credits to the rightful owner/s)

I stifled a smile when she screamed and clapped. I knew she liked it. "Putangina! Ang sarap mo beh, parang ikaw na lang ang kakainin ni Abbie," I laughed at her statement. Gusto ko talaga mag-compliment ang isang 'to—sobrang nakakaboost ng confidence. Napunta naman ang atensiyon namin sa pinto ng condo niya dahil may pumasok, si Cady.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin na parang sinusuri kung ako ba talaga 'to. Natawa naman ako. Ang OA ng mga taong 'to. "Gago, Fi. Ang ganda mo sa totoo lang," hanggang sabi niya. Nag-apir pa sila ni Janice na akala mo may na-complete na mission. "Lakas talaga ng tama mo kay Montrose. I still remember nung sinumpa mong hinding-hindi ka mag-j-jowa," napairap naman ako sa sinabi niya.

"Sa totoo lang! Mga Montrose nga naman," dagdag ni Janice, nilalandi rin kasi siya nung lalaking pinsan ni Abbie, si Lucian. Tinarayan ko naman silang dalawa at chineck ang phone ko. 2:30 pa lang naman at 3:20 ang usapan naming meet up. Nag-online ako at nakita kong may chat siya.

Abbie Montrose

Abbie: Excited to see you : )

Napangiti naman ako sa chat niya, ako rin, gago. Nag-haha-react lang ako sa chat niya at pinatay ang phone ko. Siyempre, dapat acting masikip tayo rito.

"Uy, si tomboy, nakangiti," asar ni Cady. Putangina talaga nito. I raised my middle finger at him. "Good luck, Fi. Pag iniwan ka sa kalagitnaan ng date, alam mo na kung kanino ka tatawag—hindi sa amin," at tumawa. Nakitawa na rin si Janice. Wala na talaga silang magandang inambag sa buhay ko. Nagkuwentuhan muna kami para palipasin ang oras.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: 3 days ago ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

The Price of Being LastHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin