04

61 34 0
                                    

Fiarra's Point of View

On the way ako sa school ngayon dahil malalate na 'ko. Hindi naman ako late nag-asikaso, kaso grabe ang traffic dito sa amin. Pagkapasok ko naman sa room namin, wala pa ang prof namin. I sighed in relief.

"Hangos na hangos ka naman masyado?" biglang sabi ni Abbie sabay upo sa tabi ko. Kaklase ko — at, gago, crush ko rin. Kinakabahan ako. Bakit siya nandito? Bakit niya ako kinakausap? Hindi naman kami close. "Hoy! Natulala ka naman sa ganda ko?" natatawa niyang tanong. "May sasabihin ako sa'yo mamayang break," at bumalik na siya sa seat niya. Napatigil pa ako nang makita kong nakatingin ang mga friends niya sa amin.

Namula ako. Lord, I'm not your strongest soldier, kaya next time bigyan mo naman ako ng warning kapag lalapit siya sa akin.

"Guys, wala raw si prof today. Pero magpapasa siya ng ipapagawa sa email. Puwede na kayo umuwi kung wala na kayong ibang class," announce ng isa kong kaklase. Kung minamalas nga naman — isang subject lang meron ako ngayon, at wala pang prof. Sayang pamasahe.

Nilabas ko ang cellphone kong bagong bili lang. Hoy, galing 'to sa pinag-ipunan ko ha. Tinawagan ko sina Janice at Cady, mga friends ko since junior high school.

After ilang minutes ng pagtawag, sumagot na sila. "May ginagawa kayo?" tanong ko habang nag-fidget ng kamay. Nagulat ako nang biglang may humablot sa cellphone ko. Magnanakaw! Susuntukin ko na sana ang humablot, pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang kumuha nito — si Abbie. What's with her today?

"Abbie, what the hell?!" pigil sigaw ko. Kabado bente, baks, mahal ang bili ko sa cellphone ko eh.

Ngumiti naman siya na parang walang nangyari — at pucha, ikinatunaw ko 'yun. Rupok ni gay. "So, as I was saying, may sasabihin ako sa'yo dapat mamayang break, kaso wala tayong prof, kaya ngayon ko na lang sasabihin. Do you wanna hang out with me?" tanong niya, na ikinagulat ko.

Hang out?! With her?!

---

Amana's Point of View

"Ced, bakit ba kasi nandito tayo?" impit kong bulong habang hinila niya ako papunta sa kuwarto niya. Baka kung ano pa isipin ng mga kasambahay nila kapag nakita kaming dalawa sa kuwarto. Wala naman kaming ginagawang masama, pero alam mo na ang mga matatanda—OA at mabilis mag-isip ng kung anu-ano.

"Gotta show you something," sagot niya habang binubuksan ang laptop niya. Nahihiya siyang i-turn ang screen paharap sa akin, pero nang makita ko ang laman ng screen, nanlaki ang mga mata ko. Isang blueprint ng bahay.

(credits to the rightful owner/s

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(credits to the rightful owner/s.)

Tiningnan ko siya nang matalim. "'Wag mong sabihing magnanakaw tayo? Hoy, kahit mahirap ako, never akong magnanakaw," sabi ko sabay nasapo niya ang kaniyang noo sa sinabi ko. "Tsaka mayaman ka naman, bakit ka naman magnana—" at tinakpan niya ang bibig ko. Grabe, ang bilis ng reflexes.

The Price of Being LastWhere stories live. Discover now