06

17 10 0
                                    

Amana's Point of View

Maaga akong papasok ngayon kaya maaga rin akong nagising. Dalawang linggo na rin yata ang nakalipas mula nung huling away namin nila Mama, at simula nun, hindi pa rin siya umuuwi. Nagising na lang kami isang umaga na wala siya; siguro'y sa ibang bahay siya nakitulog. Hindi naman kami masyadong apektado dahil sanay na rin kami na walang nag-aasikaso sa amin.

Pagkababa ko, tahimik at walang tao. Mukhang umalis na ang mga kapatid ko. Biglang tumunog ang cellphone ko—ang secondhand phone na binili ko mula sa ipon ko. Kailangan ko na rin kasi talaga dahil may mga online classes ako.

Tita Shils Calling...

Sinagot ko agad ang tawag. "Nako, na-istorbo ba kita? Papabantayan ko sana sa 'yo si Daniella. Dalawang gabi lang naman, may kailangan kasi akong attend-an na meeting sa Cebu," nag-aalangan niyang sabi.

"Okay lang po, Tita! Kailan niyo po gusto na puntahan ko si Daniella?" tanong ko habang kumakagat ng pandesal na kahapon pa yata, kaya ang tigas.

"Kailan ka ba puwede?" tanong niya ulit. Chineck ko agad ang schedule namin for the week sa messenger.

"Pwede ko na po siyang kunin sa Wednesday, Tita. After school, dederetso na ako sa bahay niyo para sunduin siya," sagot ko.

"Perfect! Salamat talaga, Amana. Babayaran na lang kita pagbalik ko. Nga pala, nasaan na ang ate mo? Matagal ko na siyang 'di nakikita," aniya, nagtataka. Sabihin ko bang buntis si Ate? Pero, wag na, hindi ko na dapat pinapakialaman 'yon.

"Busy po kasi siya ngayon sa acads niya, alam niyo naman po, third year na," pagsisinungaling ko na lang.

"Ah, ganun ba? Sige, pakisabi na lang na galingan pa niya. Oh siya, sige na, ba-bye at thank you ulit," sabi niya bago ibaba ang tawag. Nagpasalamat din ako at binaba na.

Bigla namang may panibagong tawag.

Cedric Kupal Calling...

"Ano?" iritadong sagot ko habang inilalabas ang uniform ko mula sa damitan. Nung wala pa rin siyang sinasabi, nagsalita ako ulit, "Alam mo, kung tatawag ka tapos wala kang sasabihin, ibababa ko na lang—"

"Shut up," aba, siya pa talaga ang matapang?! "I saw your mom. Does she... perhaps broke up with your dad?" tanong niya, na may halong alinlangan.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi ko sigurado," sagot ko, medyo naguguluhan. "Simula nung nag-away kami, hindi na siya umuwi. Pero teka, bakit ba kasi?"

"Wala naman, tinatanong ko lang," mabilis niyang sagot. "Bye."

At bigla niyang binaba ang tawag. Bastos talaga!

Nag-asikaso na ako at pumasok sa school. Pagdating na pagdating ko ay hinatak agad ako ni Axi sa tabi, "Amana, may field trip daw tayo?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo, i-announce ko na," sabi ko habang inilapag ang bag ko sa upuan ko. Pumalakpak ako nang malakas para makuha ang atensyon ng mga kaklase ko. "Guys! May field trip daw tayong magaganap. To be announced pa kung kailan, pero confirmed na," sabi ko sa kanila. Nagsigawan sila sa tuwa dahil matagal na nila akong kinukulit tungkol sa field trip na ito—gusto nilang pakiusapan ko ang adviser namin na mag-organize ng trip.

"Pupunta ka?" tanong ni Ced na nasa tabi ko. Heto na naman ang halimaw na 'to—parang sawa na ako makita siya araw-araw, sa totoo lang.

"Baka hindi, kailangan kong mag-babysit kay Daniella eh," sagot ko habang hinahanap sa shelf ang attendance book. Bumaling ako sa kanya, "Nakita mo ba kung nasaan ang attendance book?" tanong ko habang patuloy na naghahanap.

The Price of Being LastWhere stories live. Discover now