CHAPTER: 7

40 1 0
                                    



“ Good moring po Señorita, Ako po si Lianda, kapag may kailangan po kayo saakin po kayo lumapit at gagawin ko 'yon agad. ” naka ngiting wika ng isang babae. Nginitian ko rin naman ito

Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil may makakasama na ako dito na isa ring babae. Halos lahat kasi ng narito ay mga lalaki, Lahat pa sila ay hindi ko pwedeng kausapin

“ May kailangan ka po ba ngayon señorita? ”

Umiling naman ako, “ wala po, pwede bang manatili ka muna dito sa tabi ko? ”

Nahihiyang napakamot naman ito ng batok,  “ ayos lang naman sa'kin, ang kaso ang bilin ng señorito e pagkatapos kong gawin ang mga utos mo ay lumabas na ako rito sa kwarto mo. ”

Ang lupit niya talaga.

“ samahan mona lang ako sa labas. ” saad ko, agad naman itong tumango. Nauna akong lumabas at ramdam ko naman ang pag sunod nito sa aking likuran.

Nagtungo kame sa isang cr na nasa labas, dito kung saan alam kong walang cctv na nakakabit

“ ano pong ginagawa natin dito? ” tanong nito

“ may cellphone kaba dyan? ”

“ m-meron po. ” agad kong hinawakan ang kamay nito “ Lianda, Please tulungan mo ako. Tulungan mo akong makatakas dito.  ” pagsusumamo ko habang hawak-hawak ang kamay nito

“ señorita...  ”

“  please Lianda, Alam kong may pamilya ka rin, 'yung mga magulang ko, Paniguradong sobra na silang nag aalala sa'kin, Si papa may sakit siya sa puso. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sakanya. Please...  ” lumuhod na'ko sa harap nito. Desperado akong makatakas dito kaya lahat gagawin ko

“ señorita, Tumayo ka po dyan. ” tinulungan ako nitong makatayo

“ tutulungan kita, Hintayin mo ako dito, Nasa kwarto ang cellphone ko.   ”

Tila nabuhayan ako dahil sa sinabi nito. Laking pasasalamat ko naman sakanya

“ salamat Lianda, tatanawin kong utang na loob ito.  ”

Pinatong nito ang kanyang kamay saaking kamay,  “ babalik ako agad.  ” aniya, tumango-tango naman ako  saka ito umalis. Kinakabahan habang hinihintay na makabalik si Lianda. Sana ay walang makahalata sa'min. Ayoko nang may mapahamak pa ng dahil sa'kin, wala lang akong ibang paraan na maisip para makatakas dito kaya humingi ako ulit ng tulong

Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng cr. Ilang minuto na ay hindi parin nakakabalik si Lianda. Nag-aalala na ako sakanya

Nang makarinig ng mga yabag sa labas ay tila nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakabalik na ito

Pero nang bumukas ang pinto ay hindi si Lianda ang bumungad

“ Damian?...  ”

“ may iba kapa bang inaasahan? ”

Anong ginagawa niya rito, Paano niya nalaman na narito ako.

“ w-wala.  ”

“ come with me.  ” aniya, kahit kabado ay sumunod ako sakanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan

“ Bakit tayo nandito?  ” tanong ko nang makapasok kame sa kwarto niya. Siguro ay ako nalang ang pupunta sa kwarto ni Lianda mamaya,  may tyansa nga na mahuli kame roon ni Damian o kahit sino sa tauhan niya

“ I've got all your clothes in my room now. Meaning, Dito kana rin matutulog sa kwarto ko.  ” aniya habang inaayos ang mamahaling relo na suot nito ngayon

RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBANDWhere stories live. Discover now