CHAPTER: 11

7 0 0
                                    





“ nakakamiss ring mag-aral. ” bulong ko habang hawak ang isang baso na lamang juice

“ namimiss kona si Pia, kamusta na kaya ang babaeng 'yon.  ”

Ang huli naming kita ay noong gabing na late kame sa kakagawa ng project.

“ Daryl? ” tawag ko kay Daryl na seryosong nakatayo sa gilid ko. Nakabantay na naman ito na animo'y tatakas ako

“ hindi kaba nag-aaral?  ” tanong ko

“ sigurado akong magkasing edad lang tayo. ” dagdag ko pa

“ nakapag tapos na ako, last year. ” saad niya

“ talaga? Ilang taon kana ba? ”

“ 22. ” tipid na sagot nito

“ isang taon lang pala ang agwat. ”

Biglang sumagi sa isip ko si Damian. Wala akong alam na kahit ano tungkol sakanya maliban sa pangalan nito

“ eh 'yung kapatid mo, ilang taon na 'yon? ” curious na tanong ko

“ 28. ” sagot nito. Napalunok na lamang ako ng sariling laway. Para kona rin pala talagang kuya ang lalaking 'yon

“ uhm, Daryl?  ”

“ yes señorita? ”

“ hindi ba... ako pwedeng lumabas? Ni hindi kona alam 'yung mga ganap sa labas, kahit hangin sa labas ay hindi kona nalalanghap. ”

“ señorita, walang ganap sa labas. At 'yung hangin sa labas ay nalalanghap niyo narin dahil pumapasok naman 'yon dito. ” hindi kona alam kung nagbibiro ba ito dahil sa mukha nitong seryoso parin

“ magkapatid nga talaga kayo ni Damian. ” bulong ko. Parehong hindi madaan sa pakiusap

“ so anong gagawin ko dito sa bahay? ”

“ magpakabait nalang kay señorito. ” sagot nito kaya agad na umikot ang mga mata ko

“ yang señorito mo nga e hindi nagpapakabait sa'kin. ”

“ Wala tayong magagawa, dito sa bahay, siya ang masusunod.  ”

Kumunot ang noo ko dahil lagi kona lamang napapnsin ang kakaibang pamamaraan nito ng pagsasalita, “ pwede bang lagyan mo naman ng emosyon yang mukha at tono yung pananalita mo Daryl, konti nalang pagkakamalan na kitang robot. ” saad ko habang umiiling iling

“ sayaw ka nga gan'to oh  ” ginalaw ko naman ang aking mga kamay na parang robot

“ señorita hindi naman ako robot.  ”

Tumigil ako at bumuntong hininga, uminom na lamang ako ng juice. Hindi nga robot pero mukha namang robot

“ alam mo, pinapatay na'ko ng kapatid mo sa pagkulong sa'kin dito sa bahay. ” saad ko

“ he's just protecting you for now. ”

“ protecting from what? ”

“ can't tell you.  ”

“ yeah, wala talaga akong marinig na matinong sagot sainyo.  ”

“ i'm sorry.  ” aniya. Napakibit balikat na lamang ako saka naglakad papasok sa loob. Lumingon ako nang hindi ko maramdaman ang presensya nito sa likuran ko. Mabuti nalang at hindi na ako nito sinundan pa

Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang maagaw ng atensyon ko ang isang pinto. Na curious ako kung anong meron sa loob. Noong unang makarating kasi kame dito ay agad naring binilin sa'kin ni Damian na 'wag na 'wag akong papasok sa kwartong ito, pero hindi ko parin maiwasan na macurious kung anong dahilan kung bakit ayaw niya na pumasok ako dito

RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBANDWhere stories live. Discover now