Tumaas ang kilay nito nang pagkabukas niya nang pinto ng kwarto ay naka abang ako habang naka crossed arm
“ you're waiting for me? ”
“ tapos naba kayong mag-usap? Kasi tayo naman. ”
“ about that again. ” aniya at sinarado na ang pinto saka ako nilagpasan, bagsak na binaba ko naman ang aking kamay at sinundan ito
“ Damian, wala kaba talagang sasabihin? ”
“ i'll tell you the truth. ” aniya at humarap sa'kin
“ now. I want you to tell me now. ” i demand
“ and if i tell you the truth, may magbabago ba? Will you still see me as the one who kidnapped and ruined your dreams? ”
Mababago nga ba non ang lahat
“ Just say it Damian. ”
“ ganyan nga dapat, Avril. Nakikita kong hindi na mahina ang loob mo habang patagal ng patagal. ” umupo ito sa gilid ng kama habang naka harap sa'kin
Gàguhan ba 'to. Bakit parang wala naman siyang balak na sabihin sa'kin ang mga nalalaman niya
“ 'wag mong masyadong ipahalata na masyado nang nauubos ang pasensya mo ngayon. ” aniya. Matagal na Damian, sa'yo palang ay ubos na ubos na ang pasensya ko
“ so ano na nga Damian? ”
“ Hindi mo naman na kailangang malaman Avril. ” kanina lang ang sabi niya sa'kin ay sasabihin, ilang minuto palang ay biglang nagbago
“ ano, gâguhan ba tayo dito Damian. ”
Tumalikod ito, “ nasabi kona sa'yo, hindi sila ang tunay mong mga magulang, it's up to you kung maniniwala ka o hindi. ”
Lumapit naman ako sakanya at hinawakan ang braso nito, “ alam kong- ”
“ what? Tutulungan mo pa ba ako sa paghuhubad nito? My pleasure. ” agad ko naman siyang binitawan at lumayo, hindi ko naman alam na kinakalas niya na pala ang mga butones ng polo niya kaya siya tumalikod
“ ano ka pilay. ” inirapan ko ito at lumabas ng kwarto. Napapa buntong hininga na lamang ako sa tuwing naiisip ko kung ano nga ba talaga ang dapat na sasabihin niyang 'yon
Pagkarating ko sa labas ay nadatnan kong nakatayo roon ang isang lalaki. Ito 'yung sandro na kababata ni Damian
May hawak itong baso habang sumisimsim ng alak. Nang mapansin siguro nito ang aking presensya ay lumingon ito, “ oh, Avril right? ”
Tumango na lamang ako bilang tugon. Mukha naman siyang mabait, may pagka chocolate 'yung color ng hair nito, ang kulay ng balat naman katamtaman lang.
“ I am Sandro, Damian's trusted friend ” pagpapakilala nito
“ hindi na ako makikipag kamay pa, kilala ko si Damian, ayaw niya nang hinahawakan ang pag”
“ hindi niya naman ako pag-aari. ” bulong ko at nag-iwas na ng tingin. Narinig ko na lamang ang mahinang pag tawa nito
May sàltik din pala
“ we're leaving, but Daryl will be here if you need anything. ” Saad ni Damian nang makababa rito. Hindi ko ito pinansin at nag kunwari pang busy sa pag ch-check ng dumi sa kuko
Kausapin niya 'yung hangin
“ Avril. ”
Bumuntong hininga naman ito nang hindi ko parin pinansin
Who you ka sa'kin
“ I am talking to you, Avril. ”
“ hay, sarap siguro magpahangin sa labas. ” saad ko saka naglakad at iniwan ito, narinig ko pa ang huling beses na pagtawag nito sa pangalan ko
“ señorita, ” lumapit sa'kin si Daryl, tumango lamang ako habang patuloy sa paglalakad
Napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa pool area, “ ang laki ng swimming pool! ” namamanghang sabi ko
Naka ngiting naglakad akong muli at mas lumapit pa
“ wow... ”
“ everything you see here is owned by you as well. ” nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ang boses ni Damian sa bandang likuran ko.
Bakit ba sunod ng sunod 'to
“ akala ko ba aalis na kayo? Bat hindi kapa umaalis? ”
“ may ilang minutes pa, i just want to spend few minutes with you. ”
Nanliit ang aking mga mata, “ may sasabihin kana ba? ” tanong ko nang makaharap sakanya
Napatigil naman ako nang mapagmasdan ko ito ng maayos. Damian looks different with his gray tuxedo. Parang ngayon ko lang nakita na nagpalit siya ng kulay, laging itim na tuxedo ang gamit nito, pero infairness, mas lalo siyang pumogi at hindi nagmumukhang dêmonyo.
“ sorry Avril, kung kukunin kona muna 'yung view mo, kailangan na kasi talaga naming umalis. ” sabat ni Sandro, doon lang ako nabalik sa huwisyo
Hindi naman siguro ganon katagal 'yung pag titig ko eh noh
“ we have to go. ” paalam ni Damian, tumingin na ako sa pool. Nang mapansin kong umalis na sila ay saka ko siya muling pinagmasdan
Kahit nakatalikod palong palo
Lumipad ang tingin ko kay Daryl na ngayo'y naka ngiti sa hindi malamang dahilan
“ daryl? ” tawag ko rito
“ yes señorita? ”
“ bat naka ngiti ka dyan? ” malakas ang kutob ko na nakita ako nitong pinagmamasdan ang kapatid niya kaya siya napapa ngiti-ngiti
“ it's nothing, señorita. ”
Bigla naman itong humawak sa earpiece na tila may boses na nagsalita roon
“ copy señorito. ” aniya at bumaling na sa'kin
“ it's señorito, pinapasabi niyang ang ganda mo raw ngayong araw. ” saad nito, bigla namang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil doon. Yun lang talaga ang pinahabol niya kay Daryl?
Hindi niya pa sinabi sa personal
“ sa tingin ko nahihiya si Señorito na sabihin sa'yo ng personal 'yon. ” saad ni Daryl
“ tsk, may natitira pa bang hiya sa katawan 'yon. ”
May kakaiba talaga sakanya. He never told me i look beautiful before, but today he did. Hindi kaya nauntôg ang ulo
Nakakatanggap ako ng araw-araw na compliments sa mga taong nasa paligid ko noong wala pa ako dito, pero si Damian, hindi ko narinig 'yan sakanya, ngayon nga lang.
Baka talagang nauntôg.
YOU ARE READING
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
RomanceAng dalagang walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang gusto niya lang ay ang matupad ang pangarap niya para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nitong malaki ang saksipisyo para sakanya. But what i...