“ she's still sleeping, 'wag niyo nang gisingin. ” rinig kong boses ng isang lalaki. Nagkukunwari na lamang akong natutulog, May naiisip na akong plano, bahala na kung ano man ang mangyari. Susubukan ko parin, gustong-gusto ko nang makatakas rito
Minulat ko ang aking mga mata, nakatalikod ito habang inaayos ang lamesa para saaking Umagahan. Agad kong kinuha ang vase at malakas na hinampas 'yon sa ulo niya
“ i am sorry.. ” bulong ko nang mawalan ito ng malay, Naniniwala parin akong mabait ito, kaya lang ay hindi niya ako matulungan dahil sa demónyong kapatid niya
Agad ko nang kinuha ang pagkakataon na ito para tumakas, wala pang masyadong bantay rito, Ang iba naman ay abala sa paglalaro ng baraha at ang iba ay abala sa paglilinis ng mga armas nila
Halos hindi na ako makahinga sa pag takas ko. Maingat ang bawat takbo ko hanggang sa makalabas na ako
Doon ako tuluyang naka hinga at tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nilibot ko ang aking paningin, Nasa kalagitnaan yata ng gubat itong malaking bahay na ito kaya mukhang mahihirapan akong tumakas. Muli akong tumakbo, kahit hindi alam kung saan patungo ay Patuloy parin akong tumakbo para lang makalayo sa bahay na 'yon
Laking pasasalamat ko dahil sa bandang huli ay nagawa ko paring makaalis sa gubat. Nasa kalsada na ako ngayon, walang masyadong dumaraan na mga sasakyan at mukhang wala ring malapit na bahay, Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tulong sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay naramdaman kona ang pagod, gutom at panghihina. Tirik na tirik rin ang araw ngayon, Nauuhaw na ako
Nang makarinig ng isang sasakyan ay agad akong nabuhayan, Mabilis akong tumakbo sa gitna ng daan upang harangin ito
Kumatok ako sa bintana, “ please, kailangan na kailangan ko lang talaga ng tulong, Hindi ko alam kung paano ako makakauwi saamin. ”
Bumukas ang bintana at bumungad ang isang lalaki na may suot pang sunglasses. Hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng kaba pero binalewala kona lamang 'yon
“ pumasok kana, Ihahatid ka namin. ” saad ng driver nito, base lamang sa uniform na suot niya. Habang ang lalaking nasa Backseat na kausap ko at diretso lamang ang tingin sa harap at tila hindi ako naririnig.
Pumasok na lamang ako at naupo sa tabi nito, “ salamat, Maraming salamat, kinidnap ako ng walang pusong lalaking 'yon at gustong-gusto ko nang umuwi. ”
Wala na isang umimik sakanila. Ang driver ay nag fo-focus nalang sa daan habang ang katabi kong lalaki naman ay diretso lang ang tingin
Nananahimik na lamang ako, Sa tingin ko ay hindi sila naniniwala na kinidnap ako. Hindi na rin mahalaga 'yon, ang mahalaga ay matulungan ako ng mga ito na makauwi saamin
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng hilo nang may maamoy ako galing rito sa loob ng kotse, Napahawak na lamang ako sa aking ulo.
“ anong nangyayari? ” nang tignan ko ang lalaking katabi ko ay may hawak itong panyo habang tinatakpan ang ilong niya
Kagagawan nila ito...
Sa kagustuhan kong makabalik saamin ay hindi kona naisip pa na hindi ako pwedeng basta-basta nalang na magtiwala sa kung sino-sino
“ Pinapagod mo lang ang sarili mo sa kakatakas na kahit kailan ay hindi mo naman na magagawa. ”
Ang boses na 'yon...
Siya ang lalaking 'yon
Kahit nanghihina na ay muli ko itong tinignan, “ ikaw, ikaw ang may pakana ng lahat ng ito... Pakawalan mona ako.. ”
“ i am sorry to say, My dear wife, But i won't. ”
'yon na lamang ang huli kong narinig bago tuluyang mawalan ng malay
“ 'wag ka nang bumalik dahil hindi kana namin kailangan. ” kakaiba ang mukha ni mama at napailing-iling na lamang ako habang sinasabi niya ang masakit na salitang 'yon. Humahagulgol na ako't umiiling iling
“ ginagamit kalang namin! Hindi ka namin mahal ng papa mo! ” pinilit kong takpan ang aking tenga upang hindi na marinig pa ang salitang 'yon
“ hindi totoo 'yan ma. ”
“ 'yon ang totoo. ”
“ hindi! ” agad akong napabangon. Napa hilamos ako ng sariling mukha dahil sa masamang panaginip na 'yon
Nilibot ko naman ang aking paningin. Bumalik na naman ako sa kwartong ayaw na ayaw ko nang balikan pa
Bagsak ang aking tingin habang mahigpit na napapakapit sa kumot. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin para makatakas dito
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. He's wearing tuxedo, Ang tunog ng sapatos na lamang nito ang naririnig ko na papalapit saakin, Paanong sa ganyang mukha ay magagawang kumidnap ng isang tao
Napadaing ako nang hawakan nito ng mahigpit ang aking panga at inangat upang magkatinginan kame.
“ don't you dare escape again, Avril. Cause i'm telling you, kahit anong gawin mo hindi kana makakatakas sa'kin, ” nakatitig lamang ito sa mga mata ko
“ makatakas ka man ngayon, hindi ka rin magtatagal at babalik kapa rin sa puder ko. Wanna know why? Hm? ”
Ramdam kona ang mabigat na hininga nito. Masyado nang malapit ang mukha namin sa isa't isa. Gustuhin ko mang tanungin kung bakit niya ginagawa saakin ito pero hindi ko magawa
“ because you are mine. Your face, your eyes, your lips, ” bumaba ang tingin nito saaking labi at hinawakan 'yon gamit ang kanyang hintuturo, agad ko namang iniwas ang aking mukha
“ your body, ” pagtutuloy nito, dahan-dahan nitong nilalakbay ang kanyang palad saaking tyan hanggang pataas, Mainit ang palad nito at may kagaspangan, Nang maramdaman kong papalapit na ito saaking dibdib ay agad ko 'yong hinampas “ your soul. ”
“ i. Own. You. ” madidiin ang bawat salita na sinasabi nito
Malakas na sinampal ko ang pisngi nito dahilan para tumagilid ang mukha niya. “ hindi mo ako pag mamay-ari! ” sigaw ko. Anong karapatan niyang sabihin lahat ng 'yan saakin. Kailanman ay hindi ako pag mamay-ari ng iba
Humarap ito saakin nang madilim ang mukha, dahilan para makaramdam ako ng takot
“ hindi ba nasabi sa'yo ng mga magulang mo 'yan? ”
Agad na kumunot ang aking noo nang banggitin nito ang aking magulang, ano namang kinalaman ni mama at papa rito
“ anong pinagsasabi mo? ”
“ so Innocent. You're already 21 and until now hindi parin nila sinasabi sa'yo ang totoo. ”
puno na ng pagtatakha ang aking isip. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi nito at nagawa niya pang idamay si mama at papa
“ pasensya na sa abala señorito pero inaantay kana po nila. ” saad ng lalaking kakapasok lang. Sumenyas naman ito na lumabas muna na agad namang sinunod ng lalaki
“ See you later, I have something to deal with. Wait for me here, And be ready, Make sure you take a bath. ” tumalikod na ito at nagsimulang maglakad
Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa baliw na lalaking 'to.
“ and reminder, 'wag kang gagawa ng kahit anong alam mong hindi ko magugustuhan, Alam mong kahit wala ako dito, nakikita ko parin bawat kilos mo. ” aniya at tuluyan nang umalis ng kwartong ito
Palaisipan parin saakin ang sinabi nito. Hindi ko alam kung bakit nadamay sina mama at papa rito
'so Innocent. You're already 21 and until now hindi parin nila sinasabi sa'yo ang totoo.'
Anong ibig niyang sabihin dyan

YOU ARE READING
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
RandomAng dalagang walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang gusto niya lang ay ang matupad ang pangarap niya para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nitong malaki ang saksipisyo para sakanya. But what i...