I was just sitting in bed when Damian came in. Mukha itong pagod nang makapasok dito sa kwarto. Kamusta kaya ang araw nito, mukhang may nangyari na naman, base lang sa mukha nito
Minamasahe nito ang kanyang balikat nang maka upo, inaalis na nito ang kanyang necktie
Dapat koba siyang tulungan?
Napalunok ako't dahan-dahang lumapit sakanya. Nasa likuran niya ako kaya hindi ako nito napapansin
Tumigil lang ako nang nasa likod na'ko nito. I took a deep breath at Dahan-dahang inangat ang aking kamay
Nasa magkabilang balikat na nito ngayon ang aking kamay, ramdam kong tila nagulat pa ito sa ginawa ko pero sinimulan ko nang masahihin ang kanyang balikat
“ hm, it feels so good. ”
Napa ngiti na lamang ako habang patuloy sa pag mamasahe ng kanyang balikat. Pasalamat siya at mabait ako sakanya ngayon
“ Nagka problema sa mga client, we almost got scammed fûck. ” aniya
“ kaya ba mukhang problemado ka ngayon? ”
“ yeah. ”
“ i'm feeling better now, Thanks for the massage. ”
“ marunong ka palang mag thank you. ” bulong ko
“ Marami pa akong kayang gawin, Avril ng hindi mo pa alam. ” mukhang ang lalim non ah
“ mmh, mukha nga. ” napatango-tango na lamang ako saka tumigil sa ginagawa
Tumayo naman na ito saka humarap sa'kin, “ thanks again, alam kong ginagawa mo ito dahil may kapalit, so tell me what is it? ”
Mapakla akong napa ngiti at umikot ang mga mata, hindi ba pwedeng gusto ko lang gawin 'yon para sakanya
“ bakit nagagalit ka? Sinasabi ko lang naman 'yung alam kong totoo. ”
“ kahit naman sabihin ko sa'yo ang gusto ko, hindi mo rin naman pagbibigyan. ” alam kong alam nito ang ibig kong sabihin, ang gusto ko. Pero hindi naman talaga 'yun ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon sakanya, talagang gusto ko lang gawin 'yon para sakanya
“ Avril. ”
“ sinabi ko naman kasi sa'yo, kusa ko lang ginawa 'yun para sa'yo, hindi dahil may gusto akong kapalit. ”
“ nakakapanibago lang. ” aniya habang kinakalas na ang mga butones ng puting polo nito. Lagi nalang itong naghuhubad sa harap ko
“ pwede ba Damian, sabihin mo naman kung maghuhubad ka, hindi 'yung basta-basta kana lang na maghuhubad dyan sa harap ko. ”
“ kapag pareho tayong naghuhubad, kailangan ko pa din bang sabihin sa'yo 'yon? ”
Mariin akong napapikit, napaka bastos ng bibig.
“ bastos. ” bulong ko saka naglakad na palabas ng kwartong ito
“ ano bang kinakatakutan mo, hindi ka naman mabubuntis pag nakita mo akong nakahubad sa harap mo. ” rinig ko pang sabi nito
Napailing-iling na lamang ako hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng kwarto
“ Daryl! ” rinig kong sigaw ni Damian kaya napalingon ako rito
“ yes señorito? ”
“ Ikaw na muna ang bahala kay Avril. ” aniya, nangunot ang noo ko at hinarap ito
“ anong nangyari? ”
“ nagka problema. ” nagmamadali na ito, mukhang malaking problema
“ Damian. ” tawag ko na agad din naman itong lumingon
YOU ARE READING
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND
RomanceAng dalagang walang ibang hangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang gusto niya lang ay ang matupad ang pangarap niya para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nitong malaki ang saksipisyo para sakanya. But what i...