TRIGGER WARNING!
"Congratulation! Athaleah Skyreign Della Cruz for winning Journalism and Broadcasting held in Metro Manila. Sponsored by our Governor Lucio Taleon. Thank you for bringing trophies and gold medals here in our municipal. We are really proud of you."
Basa ko sa isang page kung saan ang Mayor mismo ang namamahala. Bukod sa pahayag ay mayroon ding picture ko na nakangiti habang hawak-hawak ang dalawang trophies at suot ang dalawang medals,with certificate and cash,kasama ko din sa picture ang coach ko.
Sa totoo lang,hindi ko naman gusto mapasali pero sa katotohanang mapapasaya non ang parents ko ay sumali ako. Pero,parang walang silbi ang nakuha ko dahil tinignan lamang nila iyon at sinabing gusto nilang mag-uwi pa ako ng maraming trophies and medals,at saka sila nag-dire-diretso sa kani-kanilang opisina.
Napabuntong hininga na lamang ako at itinabi ang aking laptop. Bakit kahit anong gawin ko ay hindi parin sapat para sa kanila ang lahat? Halos mapuno na ng mga medals,trophies,and certificates ko ang pader ng aming bahay pero ang gusto nila ay damihan ko pa,sumali pa ako.
Kingina,anong trip kaya nila sa buhay?
Simula pagkabata ko pa la'ang ay laging bukambibig nila na higitan mo ang ibang mga bata,huwag na huwag bababa ang mga grado ko,dapat lagi akong nasa mataas,huwag sasama sa kahit na sino dahil masamang impluwensya sila. Akala ko noong una ay tama lahat ng kanilang sinasabi,tama na sundin ko sila lagi dahil magulang ko sila,pero...habang lumalaki ako ay narerealize ko na parang mali na ata ang nangyayari.
Dahil sa kanila,natatakot na akong bumagsak dahil natatakot akong mabulyawan at makita silang magalit sa akin. Natatakot akong bumaba ng isa ang mga grades ko dahil paniguradong i-gro-grounded nila ako kasama ang tutor na hinire nila para turuan pa lalo ako. Minsan na ngang sumakit ang ulo ko sa dami ng mga lesson o information na ipinapasok sa utak ko pero ang kanila lamang sinabi ay wala kaming pakielam,mag-aral ka pa lalo. Iyong mga salita na hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit nila akong mag-aral gayong may nararamdaman na ako.
Anak pa ba ang turing nila sa akin? Bakit pulos pag-aaral ang gusto nilang gawin ko? Naiintindihan ko naman na for my future pero sobra na e. Sobra yung pinapagawa nila.
"Athaleah..."it was my mom. Agad akong napaayos ng upo. "I heard to your Professor that you have three mistakes in your exam. What happened to you?"
She's mad. Napabuntong hininga ako sa kan'yang sinabi. Bakit kapag may mali akong nagagawa ay napakadali n'yang o nilang makita samantalang kapag nakakagawa ako ng tama ay hindi pinapansin.
"Sorry po..."nakatungo kong saad. Walang magawa. Walang masabi.
"I don't like your performance,Athaleah. Even though you aim to got gold trophies and medals,it does not mean you will abandon your studies."
Napalunok ako,talagang galit s'ya. "Sorry po. Hindi na mauulit."
Gusto kong sabihin na ang tatlong mali ko sa exam ay ang mga wala kong sagot dahil nagkulang na sa oras,samahan pa na kumikirot na din ang utak ko dahil sa sobrang pag-iisip.
"Of course! It shouldn't happen again! It's a shame that the famous Della Cruz couple have a stupid child."
Lalo akong napatungo sa kan'yang sinabi at unti-unti gumuhit ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Stupid? Stupid pa rin pa pala ang tawag n'ya sa sandamakmak na achievements na nakukuha ko. Stupid na para sa kanya ang tatlong maling nagawa ko sa isang exam. Bakit? Bakit hindi nalang s'ya o sila maging proud sa akin. Ano pa bang gusto nilang gawin ko?
YOU ARE READING
The Devil's Heartbeat
RomanceA girl who just want have a normal life,pero pinagkait iyon ng kan'yang mga magulang. Hindi n'ya malaman kung ano ang emosyon ang kan'yang ibubuhos ng malaman nya'ng pinagkasundo s'ya sa isang lalaki na ubod ng kabrutalan ang ginagawa. Ano ang mangy...