Sobrang pagkadismaya at sakit ang aking nararamdaman dahil sa aking narinig. Paano nila nagagawa o nasasabi ang mga ganoong bagay sa akin. Bakit hindi manlang nila ako ituring na anak kahit isang araw manlang. Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali noong nakaraan,kaya nga sobra akong nasasaktan dahil sa trato nila sa akin ngayon.
Sabagay,ano pa nga ba ang aasahan ko sa pamilya ko e sila na mismo ang humihigit sa akin pababa. Kahit anong gawin kong tama kung ayaw nila sa akin ay wala ring silbi,lahat ng pinaghirapan kong achievements ay wala iyong silbi. Lahat walang silbi. Manalo o matalo,mataas o mababa iisa lamang ang kakahantungan no'n,iyon ay ang mga masasakit na salitang bibitawan nila.
"Dangerous your ass,Lorenzo."may pagkagigil kong ani habang may natatawang reaksyon.
Kung mapanganib nga talaga sa labas,hindi ba't dapat matuwa pa s'ya dahil mapapahamak ang pabigat sa pamilya. Hindi ba't dapat hindi na s'ya nag-aksaya ng oras pa upang habulin ako at sabihin lamang iyon. Pinapaikot lamang nila ang ulo ko. Hindi ako uto-uto,kuya Nash. Kilala kita. Kilala ko kayo.
In order to stop me from running away they will say foolish things. Kakasura.
*ting*
Bumukas na ang pintuan ng elevator kung kaya naman ay agaran na akong lumabas. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin pagkakalabas ko ng elevator. Tanging ang tunog lamang ng aking heels ang gumagawa ng ingay,nag-e-echo pa sa buong parking lot ang bawat paglakad na ginagawa ko kaya parang medyo creepy ang dating. But,I feel freaking peace hearing my heels clicking while I'm walking towards my car direction. Inuunat-unat ko pa nga ang aking leeg habang naglalakad upang maibsan ang bigat at sakit nito. Natawa pa ako sa aking isipan dahil naalala ko ang aking pamilya.
Ang perpekto kong pamilya...sa mga mata ng mahihirap. Mayaman. May kapangyarihan. Nakukuha ang lahat ng gusto. Malaki ang bahay. Limpak limpak ang pera. Iyon ang perpekto sa kanilang mga mata. Bakit kaya hindi nila subukan tignan ang nasa likod ng aking pamilya, tignan natin kung perpekto parin para sa kanila iyon.
A father who loves company more than his children. A mother who is likely to pressure her children. The eldest who loves scolding and shaming the youngest. The second eldest who can't protect the youngest. And the youngest who's suffering because of them.
They feel humiliated having me,why they don't feel ashamed having inappropriate behavior and attitude.
Malalim akong napabuntong hininga bago patunugin ang aking cotse. Ayoko na muna sila isipin,baka maluha lamang ulit ako. Pasalamat na lamang ako at hindi ako ganoon kalayo nagpark. Hindi agad mananakit ang aking paa kakalakad.
"A white mercedes benz c-class and a YSL heels. How cheap."
Napatigil ako sa akmang pagbubukas ng aking cotse ng marinig iyon. Napalunok ako at sinimulan na namang kabahan. "W-who are you?"
Humalakhak s'ya na nagbigay kilabot sa aking kabuuan,halos lahat ng balahibo ko ay nagtayuan. Nakakakilabot ang paraan ng kan'yang pagtawa isama pa iyong nag-echo sa buong parking lot ang kaniyang halakhak. Napahawak ako ng mahigpit sa siradura ng aking sasakyan.
"Don't you remember me,darling."
Iginala ko ng palihim ang aking mga mata ngunit hindi ko s'ya makita. Isa lamang ang ibig sabihin,nasa madilim s'yang parte.
"You really don't remember me. How about...I will introduce myself like how I introduced myself to you last time. You like it,babe?"
Napalunok muli ako. Medyo nakakaloko ang kan'yang sinabi,hindi ko rin maintindihan ngunit pamilyar ang kan'yang boses. Mukhang kilala ko s'ya ngunit hindi ko lamang matandaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/379550940-288-k621539.jpg)
YOU ARE READING
The Devil's Heartbeat
RomanceA girl who just want have a normal life,pero pinagkait iyon ng kan'yang mga magulang. Hindi n'ya malaman kung ano ang emosyon ang kan'yang ibubuhos ng malaman nya'ng pinagkasundo s'ya sa isang lalaki na ubod ng kabrutalan ang ginagawa. Ano ang mangy...