Nandirito na kami ngayon ng lalaki sa isang kilalang boutique. Nakaupo sa isang habang sofa habang inaantay ang may-ari,umalis daw kasi s'ya. Panay hikab nga ako kakaintay dahil sa kabitinan ng tulog,feeling ko ay parang pumikit lamang ako ng sampung segundo tapos nandito na agad kami.
Bilis magpa-andar.
Ramdam ko nga rin ang ilang pagsulyap sa akin ng aking katabi. Sa bawat paghikab ko ata ay tumitingin s'ya sa akin. Gandang-ganda siguro.
"Anong oras pa ba s'ya dadating?"I asked to him and yawn again.
Napapagod na ako sa totoo lang. Pagod ang aking utak maging ang katawan. Parang gustong-gusto na ngang sumuko ng katawan ko dahil wala talaga akong pahinga sa nagdaang araw. Gustong-gusto ko na magpahinga kaso wala akong choice kun'di pumayag sa lahat ng utos nila.
"I don't know but I already told her that we're already here."he said while looking at his phone.
Tumango na lamang ako at kumuha ng isang square na unan na nasa akin' tabi upang yapusin ito at isubsob ang aking mukha. Nagpadausdos na lamang din ako sa pagkakaupo kaya parang halos nakahiga na ang aking kalahating katawan. Wala naman' ibang tao kaya okay lang mag-ginanto ako.
Antok na antok na talaga ako tapos ang tagal pa dumating nung may-ari ng shop.
"Fix yourself."he said.
Umiling ako. "Antok... ako."mahina kong saad habang nakasubsob ang mukha sa unan.
I heard him sigh. Mwehehehehehe.
"I'll call her."
Tumango ako at hinayaan s'ya.
Narinig ko ang pagpipindot n'ya sa kan'yang cellphone at ang ilang beses nitong pag-ri-ring bago masagot ang kan'yang tawag.
"Hello... Where the actual fuck are you?"bungad ng demuho.
Bahagya akong nagulat at napatingin sa kan'ya ng bahagya dahil sa sinabi n'ya. Grabe naman s'ya,makamura wagas. Pero atlis nag hello muna s'ya bago n'ya murahin yung tinawagan n'ya. Diba?
[I'm on the way... Don't be hurry. Come on!]
Boses ng babae. Siguro s'ya yung Gina na sinabi n'ya kanina. Pero bakit parang ang ingay naman ata. Nasa daan ba s'ya? Pero hindi...kakaiba yung ingay. Hindi ko lang maintindihan kung ano 'yon.
"I will burn your freaking shop if you won't get in here in less than ten minutes. Don't piss me,bitch."huling saad n'ya bago pinatay ang tawag.
Napalunok ako ng bahagya at mas lalong sinubsob na lamang ang aking mukha sa unan. Grabe talaga ang gagong 'to.
Napanguso ako ng bahagya at inihilig ang aking ulo sa pakaliwa upang iwasan ang biglaang pagtingin ng lalaki. "Are you hungry?"umiling ako. "It's already dinner time."umiling muli ako. "Can you please speak?! It's like I'm talking no one here."umiling-iling ako.
Ayaw ko.
Natatakot ako. Ayaw ko s'yang kausap,natatakot akong makita ang mukha n'ya,baka kapag hinarap ko s'ya ay nakatutok na agad ang kan'yang baril sa ulo ko at walang alinlangan n'yang kalabitin ang gatilyo. Pikon s'ya,yun ang mood n'ya ngayon kaya ayoko s'yang harapin.
"Tss."
Naramdaman ko ang biglang pag-gaan ng sofa at ang papalayong yabag...at huli ay ang tunog ng pagbukas at sarado ng pintuan. Siguro umalis ang kumag. Buti naman.
Unti-unti akong sumilip upang siguraduhin na umalis talaga s'ya,at nang masiguro kong wala s'ya ay nilagay ko na muli ang unan sa aking tabi at tumayo upang iayos ang aking suot. I'm hungry sa totoo lang,ayaw ko lang s'ya makita,makasabay at maka-usap kaya umiling ako.
YOU ARE READING
The Devil's Heartbeat
RomanceA girl who just want have a normal life,pero pinagkait iyon ng kan'yang mga magulang. Hindi n'ya malaman kung ano ang emosyon ang kan'yang ibubuhos ng malaman nya'ng pinagkasundo s'ya sa isang lalaki na ubod ng kabrutalan ang ginagawa. Ano ang mangy...