DAYS had passed and the midterm has finally come. Talagang nagsunog ako ng kilay para lang hindi ako bumagsak at ma-aim ang pinapangarap kong Summa Cum Laude. Midterm pa lang 'to,wala pa yung finals.
Nakakapagod sa totoo lang.
I was about to open my car nang maramdam ko na nagvibrate ang aking phone.
From:nasssssshville na engot
Sent:7:45 A.MAes will fetch you after your exam. The designer is already free right now that's why you need to try some gowns or dress,whatever.
I just rolled my eyes when I read his text. Ang lintik na kasal na naman.
Pinili kong hindi replyan ang kapatid ko dahil hindi rin naman n'ya iyon babasahin. Isinilid ko na lamang sa aking bag ang aking cellphone at bumaba na sa sasakyan.
Simula noong kinidnap ako ng demuho hanggang sa maiuwi ako sa aming bahay ay hindi ko aakalain na gumaan kahit papaano ang aking kalooban.
Iyong gusali kasi na pinuntahan namin ng demuho ay isang tagong bar. Full of chaotic,fearless,and dangerous person. Unang tapak ko pa lamang ay masamang tingin na agad ang nakuha ko. Nahahati pa nga sa apat na section ang bar na iyon: fire range,casino,arcade,and the disco. Akala ko nga ay sa disco n'ya ako dadalhin pero ang ending ay sa fire range,nagtaka pa nga ako pero sinamaan lamang n'ya ako ng tingin.
Tinuruan n'ya ako bumaril ng bumaril,ilabas ko raw ang sama ng loob ko sa bawat pag-pull ko ng trigger which is ginawa ko naman. Balak ko nga sana na s'ya ang barilin ko no'n kaso nagbago ang isip ko,baka ako pa unang mamamatay kapag ginawa ko 'yon.
For sure,bago ko pa kalabitin ang gatilyo bulagta na ako.
After mangyari iyon ay palagi ko na s'yang nakikita kasama ang panganay kong kapatid o yung dalawa kong kapatid,it's either sa company or sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil lagi at sobrang seryoso ng kanilang mga pagmumukha. Tuwing dadaan o makikita ko sila ay tanging si Kuya Aes lamang ang nangiti o sumasalubong sa akin ng ayos.
Hindi ko rin makita ng maayos ang parents namin dahil busy sila sa kanilang business trip,kaliwa't kanan ang kanilang inaasikaso. Nandirito kasi ang pangalawa kong kapatid kaya sila ang umaasikaso ng business sa labas ng bansa.
Kung hindi lang sa lintik na kasalan ay wala sana ang kapatid ko,pero okay lang. Mas mainam na wala ang mga magulang nami kaysa ang kapatid ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala pa man ay napapagod na agad ako. Gusto rin kasi ng mga magulang ko na ipa-media ang kasalan na magaganap sa pagitan ng Belial at Della Cruz. Hindi dahil proud sila kun'di gusto nilang ipagmayabang. I know my parents too well.
Nakarating na ako sa assigned room na pagkukuhaan ko ng test kaya agad na akong pumasok. Pagkakaupo ko pa lamang ay agad ko nang kinuha ang aking reviewer at nagsimula na naman ulit magreview. Of course,I need to make sure that all my answers are correct,I don't want to disappoint my family.
"Grabe,wala akong masabe kay Athaleah. Maganda na nga matalino pa."
Bahagya akong natawa sa aking narinig. It was one of my classmates.
"Sinabi mo pa,at saka mayaman pa! Oh saan ka pa?!"
Not all rich are happy to having this kind of status. Gusto kong sabihin iyon pero baka magtaka pa sila at maging issue.
"Literal na perfect 'tong babaeng ito eh."
Napangiti na lamang ako ng tipid. I'm not perfect, everything's in or on me are not perfect. I still have flaws,I'm just a disappointment nga lang sa pamilya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/379550940-288-k621539.jpg)
YOU ARE READING
The Devil's Heartbeat
RomanceA girl who just want have a normal life,pero pinagkait iyon ng kan'yang mga magulang. Hindi n'ya malaman kung ano ang emosyon ang kan'yang ibubuhos ng malaman nya'ng pinagkasundo s'ya sa isang lalaki na ubod ng kabrutalan ang ginagawa. Ano ang mangy...