5:

38 1 0
                                    

Aliza: "Ay tofu! Ansakit! Shit!" Angal nya sa kaibigan habang ginagamot ang sugat nya. Dali-dali nilang tinanggal ang lasong pula at ginamot si Aliza matapos ang Pagsamo.

Nickie: "Ayan kasi besh! Ang tanga!" Pinilit magbiro ng kaibigan ngunit sadyang seryoso si Aliza. Nananatili namang nakatulala sina Joy, Valerie, Joei at Mikay, Si Joy na hindi makapaniwala sa nasaksihan, si Valerie na lutang, si Joei na malalim ang iniisip at si Mikay na hindi makapaniwala.

Matapos ang ilang minuto, napagdesisyunan na ni Joei na basagin ang katahimikanh bumabalot sa kwarto.

Joei: "Tama ba yung ginawa natin?" Pabulong nyang sinabi. Halos mapunit ang boses ng dalaga dahil sa nanghihina pa rin ito. Tinulungan nya si Nickie at Mikay na inaayos pa rin ang pisngi ni Aliza.

Nickie: "Tama man o hindi, tapos na eh."

Joei: "So we're just going to ignore the fact that we called out on some supernatural shit?"

Nickie: "It's done, Joei! We did it and it's finish! May masama bang nangyari sa'tin? Buhay naman tayo oh!" Kaunti na lang ay masusura na ang dalaga.

Joei: "It's not that, Nickie." Pabulong nyang sinabi at bumuntong-hininga. "Tama ba 'to?" Mararamdaman sa boses ng dalaga ang pag-aalala at kaba. Bigla namang tumayo si Mikay sa kinauupan nang may matang namimilog.

Mikay: "Tama? Tama? Joei ano ba! The best tong ginawa natin!" Halos mapatalon sa saya ang dalaga. Kumikislap ang mga mata nya sa galak. "Joei naman! Hindi lang tama, to. Super bonggacious tama!" Naka-ngiting sabi nya sa kaibigan na tila ba nabunutan ng tinik.

Aliza: "I... uh, ewan ko guys. Something's not right. Pakiramdam ko rin may mali eh." Alangan ang tingin ng dalaga habang sine-secure ang paglalagay ng band-aid sa sugat.

Joy: "Lemme guess? Panget yung mga pinakita sa inyo kaya kayo ganyan no?" Pagbibiro nito. "Well gwapo yung sa'kin! Hunk and papable sya mga bes!"

Mikay: "Oh diba? Kaya nga mga besh! Ano bang masama sa ginawa natin?" Naka-pout ang dalaga at naka-tingin sa mga kaibigan.

Joei: "Hays. Sorry guys... I was just... uhmm... worried. Very worried. I'm sorry, Nicks."

Napabuntong-hininga naman si Nickie at napa-irap.

Nickie: "I'm sorry din, Jo. Ayoko lang namang... hays... ayaw ko lang namang pinagsisisihan pa natin. Tapos na eh, wala na. Whatever we do, it's all said and done."

Mikay: "Pero gaya ng sabi nyo, tapos na! Kaya maging masaya na lang tayo at nakita natin mga soulmates natin! Diba Joy?"

Joy: "Miks, not to burst your bubbles, pero the point is, yeah papable at gorgeous ang soulmate ko pero, you know! Parang di rin maganda yung pakiramdam ko eh."

Aliza: "Sus! Di mo lang kasi napatunayang mali kami!" Bumelat ito kay Joy at humagikhik.

Joy: "Haha! Pero seryoso, I think that's dangerous and we should not doing it again."

Joei: " 'Do' " Pagco-correct nito sa kaibigan. Marahang pinalo naman ni Joy ang braso ng kaibigan.

Joy: "Eh doing gusto ko eh!" pagju-justify nito.

Aliza: "Diwata ako period! Para matapos na yan!" Tatawa-tawa nitong sabi.

Joei: "Diwata ng ano? Ipis?"

Nickie: "Ay tama yan bes! Aliza ang Diwata ng Mga Ipis,"

Naghagikhikan ang magkakaibigan.

Mikay: "Ay basta! Hindi ako nagsisisi at masaya ako. Thank you talaga guys, natupad na yung pangarap kong makita ang pinakamamahalin ko."

Nickie: "Well, I got kinda' scared pero masaya alo, di ako nagsisisi." Ngumiti ito.

Joy: "Ay jusko! Lalo naman ako! Napaka-gorgeous at yum yum yum si 'The One' ko noh!" Masigla nitong sabi.

Valerie: "Akin din. Di ako nagsisisi." Matipid nitong sagot at ngumiti.

Joei: "Okay fine, masaya."

Aliza: "Ako rin. Sobra. Walang pagsisisi." Matipid ang ngiting isinukli nya sa mmga kaibigan.

Bago pa sila natulog ay nilinis muna ang kalat na ginawa at nagdasal ng mataimtim.

===
Kinabukasan.

Joei: "What's he like?" tanong nito sa dalawa upang makapagsimula magtopic. Likas na rin kasi sa kanya ang pagiging madaldal at gusto nyang kumausap. Tumingin sa kanya si Joy at Mikay.

Mikay: "Huh?"

Joei: "You know... yung... uhmm... pinakita sa inyo sa salamin?"

Joy: "Ay nako!" Pagputol nito sa kaibigan. "Papables ang pinakita sa'kin bes. Ang pogi nya. Pwede nang mala-Christian Grey. Hihihi." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Sa inyo?"

Mikay: "Uh... yung sa'kin? Okay lang. Pero..." natigilan ang dalaga, "Mukha syang tahimik. Matino. Simple lang yung datingan nya pero alam kong seryoso sya. May itsura pero simple lang talaga sya dun. Tsaka alam nyo bebs? Ang saya ko nga eh. Kahit hindi sya yung mala-Christian Gray ang datingan, makiramdam ko sasaya talaga ko. Kami. Diba nung ginagawa natin yun nakakatakot?" Tumango ang dalawang kausap. "Pero nung nakita ko sya, kahit ilang seconds lang yun, parang nawala lahat ng takot at kaba ko?! Alam nyo yun? Ang cheesy sabihin, oo. Pero para bang pinasilip ka ng konti sa future mo at alam mo na magiging masaya kayo? Ewan ko. Kinikilig ako, ayy!!" Sabi nito sabay kuha ng kumot at talukbong.

Joy: "Eh yung sa'yo Jo--"

Naputol ang pag-uusap ng magkakaibigan ng makarinig sila ng isang malakas na tili. Humangos sila papuntang pinto at nalamang ang sigaw ay nanggagaling sa banyo. Natagpuan nila si Nickie ang humiyaw. Nadatnan nila si Valerie, nakatapis ito ng tuwalya at kakatapos lamang maligo, ay humihingi ng tulong. Mula sa mga mata nya tumutulo ang dugo na may kasamang luha.

===
(Flashback)

Valerie: " Never mind I'll find, someone like you....
I wish nothing but the best for you.... don't forget me, I beg..."

Matapos magbuhos ay kinuha na ni Valerie ang nakasabit na tuwalya sa pintuan. Humarap sya sa salamin at sinimulan ang pagsisipilyo habang humuhuni. Nakaramdam sya ng lamig sa likuran. Marahil ay dahil sa bagong ligo sya. Nagmumog si Valerie at tumapat sa salamin.

May naaninag syang anino sa kanyang likuran. Para bang dumaan lang. Hindi na ito pinansin ng dalaga. Tumuloy sya sa pagkanta sa kabila ng kakaiba nyang nararamdaman sa banyo. May narinig syang isang mahinang tawa -- tawa na nakakakilabot kahit hindi ito malakas. Nagsimulang mag-sitayuan ang mga balahibo nya sa katawan at nilakasan pa lalo ang pagkanta. Pinipilit nyang wag pansinin ang tawa at ang aninong kanina pa dumadaan-daan sa likuran nya.

Ipinikit nya ang mga mata upang hindi na mapansin ang anino. Nilakasan ang boses upang di marinig ang pagtawa habang naghihilamos sya ng mukha. Yumuko sya at nagbanlaw, ngunit pagkatayo nya at pagtingin sa salamin ay napaurong ang dalaga. Sa harap nya ay ang babaeng kinausap nila sa salamin, ilang gabi na ang nakakaraan. Yun nga lang, hindi na ito ganoon kaganda. Walang itim sa mata nito at tumutulo ang dugo dito. Nanlilisik ang mga mata nito at tila ba'y mah masamang plano sa kanya. Nakakahilakbot na rin ang itsura nito. Nakangisi ito ng nakakaloko at mahinang tumatawa na para bang isang demonyo.

Gustong sumigaw ni Valerie pero hindi nya magawa. Para bang napako sya sa kinatatayuan. Konti na lang ay napapaiyak na lamang sya sa takot na nararamdaman. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata nya at humihikbi na sya.

: "Malapit ng magsimula ang aking paniningil," marahang sabi nito na pabulong. Kumurba sa labi ng babae ang isang malawak na ngiti at dun lamang naramdaman ni Valerieang tumutulong dugo mula sa sarili nyang mga mata. Naputol ang tingin nya sa salamin ng marinig ang kalabog sa pintuan ni Nickie. Pagkabalik ng tingin nya sa salamin ay wala na ang babae at ang pagtawa nito ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa mga mata nya.

Bumukas na lamang ang pinto at tumambad sa kanya ang nakaka-binging tili ng kaibigan.

===

Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon