12:

12 0 0
                                    

Nickie: "Actually, di sya nawawala. Tito Salazar texted us na nilipat lang sya ng room," sabi ni Nickie at patuloy ang pagpunas ng luha nya.

Valerie: "Hala, ba't ka umiiyak?!"

Aliza: "Teka, err, bakit ka umiiyak bes--Nickie, pala. Sorry."

Walang natanggap na sagot sa Aliza maliban sa isang mahigpit na yakap na ibinigay sa kanya ni Nickie. Yumakap naman ito agad pabalik. Nagkakaluhaan, ang iba nama'y nakamasid lang at masayang pinagmamasdan ang pagbabati ng dalawang kaibigan.

Aliza: "So okay na tayo ah?"

Nickie: "Syempre naman!" Sabi nito at saka kumalas sa pagkakayakap.

Aliza: "Kala ko kasi di mo na ko mapapatawad eh. Sorry talaga, bes."

Nickie: "Gaga! Matitiis ba kita?!"

Ilang minuto rin iniwan ng iba sina Nickie at Aliza para makapagpalagayan ng loob. Tumawag naman sina Valerie kay Salazar at tumungo sa kwarto ni Tasya.

Mikay: "Ba't tuwing naiiiwan sina Valerie at Aliza, hindi maganda ang kinalalabasan? Disaster ang peg?!" Tanong nito at nagkatawanan ang lahat. Nagme-merienda ang magkakaibigan sa cafeteria ng ospital, si Ador ang pansamantalang magbabantay kay Tasya hanggang bukas ng umaga.

Valerie: "Hindi kaya! Grabe naman!"

Nickie: "Oo nga! Kasalanan mo yan' Joei, ikaw nag-assign dyan eh!!"

Kyle: "Di naman. Sadyang minalas lang si diwata at Val!"

Emman: "Oo nga! Ang ganda kaya ni Valerie... at ni Aliza para maging disaster no!"

Joy: "Ayy ohh!"

Nickie: "Sheyt! Diwata?! May nauto ka bes ah!" Naghagalpakan ang magkakaibigan, pigil ang ilan at malakas ang halakhak ng iba.

Mikay: "Teka, yung tungkol sa mamayang gabi pala?"

Joei: "Sige, tutal sabi nyo disaster kapag naiiwan yung dalawa, sasama na lahat mamayang gabi! Kaya mo na ba Joy?"

Joy: "Gorang gora! Make sure na there is papaboylets dun ahh!" Pagbibiro pa nito.

Joei: " 'Are' " Pagco-correct nito sa kaibigan nang nakakaloko, "Wala nang atrasan to ah?"

Kyle: "Naman. Basta wala lang sabit na mangyayari."

===
Kinagabihan.

Joy: "Talaga?! You're going here in Batangas! Okay! Uhuh. Exciteyyy!!" Sabi nito sa kausap sa cellphone.

Nakatali sa isang malinis na bun ang buhok ni Joy at naka-all black outfit sya ngayon. Nagtali rin sya ng isang pulang ribbon sa kaliwang balikat.

Aliza: "Shh! Joy wag ka ngang maingayy!" Saway nito sa kaibigan. Naka-t shirt lang ang dalaga at maong shorts. Maingat ang paghakbang nya at ayaw nyang gumawa ng ingay ang tsinelas nya. "Alam mo bae, baka mapagkamalan kayo nina Val na akyat-bahay sa suot nyo!"

Joy: "Suri besh!" Sabat nito at tsaka sumunod lumakad nang nakayuko kay Valerie. Nakalugay naman ang buhok ni Valerie. Long-sleeves na itim ang suot nito at naka-leggings, may kulay pink na ribbon sa kanyang buhok.

Naghihintay na lang nang "go signal" ang apat, magkakasama sina Valerie, Joy, Aliza at Emman sa likod ng bakuran ni Aling Hilda. Nakatago ang apat sa ilalim ng isang hagdan na nakakabit patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Sa tuktok ng hagdan ay isang pinto na gawa sa kahoy ang nakasara at halatang luma na. Nakapulupot ang barbed wire sa doorknob nito at kupas na ang kulay ng kahoy pati ng nangangalawang na doorknob.

Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon