13:

9 1 0
                                    

Malawak ang silid-aklatan na itinuro sa kanila ni Kyle. May apat na naglalakihang istante sa bawat sulok na puno ng mga libro at isang malawak na lamesa sa gitna. May mga nagkalat na couch at ottoman sa paligid, at tatlong loveseat ang nasa kwarto. Inaagiw na ang iba sa mga kagamitan at puno ng alikabok ang buong kwarto, madilim din ito dahil walang bintana dito. Mga flashlight lang nila ang tanging nagbibigay-liwanag sa kwarto at isang makipot na pintuan na nagluluwa ng marikit na liwanag ng buwan mula sa hardin sa labasan.

Joy: "May mga yaya naman dito ba't ang dudumi ng kwarto na napupuntahan natin?" Sarkastikong puna ng dalaga. Umupo sya sa tapat nila Nickie na tulala at nakaupo sa isang ottoman, katabi nina Mikay at Aliza. "Yow, nyare sa'yo?"

Nickie: "Hindi ko.. maintindihan. Ba't nagawa to n Lolo." Nakakuyom ang kamao ng dalaga habang nakatingin sa isang drawing ng dalaga.

Joy: "Huh?"

Mikay: "Tignan mo 'to." Inilahad ng dalaga ang drawing ng isang babae. Sa likod nito ay may nakasulat.

Joy: "Si Aling Hilda yan ah?! Infairness! Maganda naman pala sya, sungit lang nga."

Aliza: "Lolo ni Nickie ang nagsulat nyan. At malamang... sya rin nag-drawing." Napakagat-labi si Aliza sa sinabi. Sinusubukan nilang iwaksi sa isipan na magagawa iyon ni Kiko kay Tasya.

Joy: "Ayy ohh! Nakakaloka 'to! Love triangle is in the air!" Pinanlakihan lang sya ng mata ni Mikay at masamang tinignan ni Nickie. "Bakit? Alam nyo kasi mga bes, do not be a jumper."

Mikay: "Jumper?"

Joy: "Jumper to conclusions! Masama kasi yun, you know. And the point is, hindi pa naman tayo sigurado!"

Aliza: "Jumper to conclusions ka dyan? Hay naku! Kung di lang tulaley tong si Nickie siguradong kanina ka pa binatukan nyan!"

Joy: "Hehe..."

===
Maingat ang bawak hakbang ng dalawang dalaga pababa ng hagdan. Madulas ang staircase na gawa sa bato dahil may mga patak ng ambon na tumutulo dito, galing sa mga vent sa may ibabaw na bahagi, kung saan nagmumula ang kakarimpot na liwanag ng buwan.

Third floor?  

Kanina pa tina-tansa ni Joei kung ga'no kahaba ang babain nila. Akala nya ay nasa ikalawang palapag sila ngunit mukhang mas mataas pa don. Iniayos ni Valerie ang pink na laso sa buhok mula sa pagkakagulo nito sa pagtakbo nila kaganina. Isinapak nya ang earphones sa magkabilang tenga at nagsimulang magpatugtog ng pagkalakas-lakas.

Joei: "Nadala mo pa pala yan?"

Valerie: "Oo eh. Heheh. Ikaw, nasa'n yung iyo?"

Nagkibit-balikat lang ang kausap. Narating na nila ang dulo ng hagdan. Ang problema nga lang ay may tatlong magkakahiwalay na lagusan ang nasa harapan nila ngayon at wala silang kaalam-alam kung sa'n ang tamang lagusan.

Kumunot ang noo ni Joei.

Valerie: "Nakakatakot naman dito," yumugyog ang dalaga sa braso ng kasama. "Joei, sa'n tayo ngayon?" Natigilan ang kausap. Nag-isip ng isasagot dahil hindi nya rin alam.

Joei: "Hmm, ganto na lang. Diba sabi nila Kyle kumaliwa tayo, tas palabas na yun papunta na sa library?"

Valerie: "Eeh! Nakakatakot!" Lumukot ang mukha ni Valerie at umakmang nagtago sa likod ng kasama.

Joei: "Tara na. Okay lang yan, magkasama naman tayo eh!" Nginitian nya lang ang dalaga, hinila sya ni Joei papunta sa kaliwang lagusan ngunit nagpumilit si Valerie. "Sige na, okay lang yan."

Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon