11:11

20 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang tumungtong ang magkakaibigan sa Batangas.

Isang linggo na napuno ng ilang araw na saya.

Isang linggo na natapos na madugo.

Isang linggo na hindi nila malilimutan.

Nagising na si Joy, at ayon sa salaysay ng dalaga, laki daw nang pasasalamat nya at nang iwan syang nakahandusay sa daan nung babae ay may sasakyang paparating. Ito ang kaibigan ng kanyang ama at dali-dali syang dinala sa ospital pati na rin ang tatay nyang may tama ng lagari sa leeg at ilang araw nang nag-aagaw buhay.

Nang makarating ang mga pulis upang usisain ang dalaga at ang mga saksi sa naganap kay Tasya, lubos na di mapaniwalaan ng mga alagad ng batas ang salaysay ng dalaga.

Nagpalusot na lang ang magkakaibigan na hindi pa maayos ang lagay ni Joy kaya puro kalokohan ang sinasabi nito. Pinaliwanagan nila ang kaibigan na hindi nila ito maaaring sabihin kung ayaw nilang may iba pang madamay.

===
(Flashback)
Ala-una na nang tanghali ng magtanghalian ang magkakaibigan sa cafeteria ng ospital kasama si Salazar. Sadya silang pinatawag ng tiyuhin at dahil naroroon na si Kyle at Emman ay inanyayahan na nila ito.

Kumpleto ang lahat. Nagpumilit si Joy na lumabas ng kwarto kahit naka-wheelchair.

Mugto ang mata ng ilan, walang gana naman ang iba, at si Nickie ay patuloy sa pag-iwas kay Aliza.

Salazar: "Mga hija," tawag nya dito. Nakabilog sila sa lamesa at tanging katahimikan lamang ang nangingibabaw. "Alam ko na ang ginawa nyo," sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanya.

Nickie: "Sorry po, tito. Hindi po namin..."

Salazar: "Shh... Nickie, hija, hindi ko naman kayo sinisi. Kaya ko kayo pinatawag dito para masolusyunan natin yan. May ibinulong sa'kin si Nanay bago sya mawalan ng malay. Gusto nyo ba?" Tumango ang lahat. "Kailangan nyo magtulungan. Lalo na kayo," sabi nito at bumaling ng tingin kina Nickie at Aliza.

Natanggal na ang benda sa kaliwang mata ni Aliza at maayos na syang nakakakita ngayon. Nagkatinginan ang magkakaibigan. Sa simpleng tinginan lang ay alam na nila ang desisyon.

Joei: "Okay, we're in. Ano pong kailangan namin gawin?" Pagsisimula ng dalaga.

Salazar: "Una sa lahat," malalim na bumuntong ang tiyuhin, "Hindi nyo pwedeng ipaalam to, even to your parents, kung ayaw nyo silang madamay."

Mikay: "Ho?!"

Salazar: "Shhh... mga hija," at bumaling ng isang malagkit na tingin ang tiyuhin sa kinauupuan nina Kyle at Emman, "at hijo... Kapag nalaman to nang mga magulang nyo, siguradong mangingielam yon, at dahil don, isusunod sila? Ayaw nating mangyari yun diba? Kaya kung ayaw nyong may madamay, mas magandang dito na lang ayusin ito at wala nang makielam pa."

Joei: "Here. Sir -- este Tito, please mail this to my parents, if ever... if ever hindi ko magawa," sabi nya sabay abot ng tatlong sobre mula sa satchel nya.

Mikay: "Ano ba Joei! Mabubuhay tayo. Walang mamamatay!" Usal ng dalaga.

Salazar: "Tita, hija," sagot nito at tumingin kay Joei, "Tita." Diin pa nya nang may halong pagbibiro para gumaan ang mood. Tumango lang ang dalaga.

Nananatiling tahimik ang karamihan. Si Aliza na katabi ni Kyle at Emma ay hindi pinapansin ni Nickie. Si Joy ay tahimik na nakayukyok sa wheel chair nya habang si Valerie ay lumulutang sa ere ang isipan.

Joei: "So... ano po yung pangalawa?"

Inabot lamang ni Salazar ang isang papel sa kanyang mga kausap.

Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon