6:

19 1 0
                                    

Kasalukuyang nasa balkonahe ang magkakaibigan. Hapon na kaya hindi na masyadong tirik ang araw at hindi na gano'n ka-tindi ang init. Nasa isang malaking tumba-tumba na gawa sa kahoy si Mikay habang nakayakap sa kanya si Valerie.

Naka-sandal si Valerie sa balikat nya ngunit tulala pa rin. Naka-tingin naman sa kanya ang ibang kaibigan habang si Aliza ay nakatingin sa malayo ngunit tila hindi nya ito pinapansin.

Kanina pa nila ito inaalo at pinapatigil umiyak at pinapakalma sa panginginig, marahil ay nabigla talaga ito sa kanyang nakita kaganina dahil hindi magawang makapag-salita.

Buti na nga lang at maayos-ayos na ang kalagayan nito at hindi na umiiyak, kundi ay baka inusisa pa sila ni Lola Tasya sa nangyayari sa kaibigan.

Nickie: "Be, ano ba talagang nangyari?" pagsisimula nito ng may bakas na pag-aalala. Nakaupo sya sa paanan ng tumba-tumba habang hawak-hawak ang kamay ni Valerie. Hindi umimik ang dalaga. Iniyukyok lang nya ang mukha sa balikat ni Mikay.

Mikay: "Nickie, sa palagay ko wag muna nating tanungin? Di pa ata sya ready eh." Nalulungkot na sagot nito. "Pero, gusto ko rin namang malaman yung dahilan ba't sya nagkaganon." Bumuntong-hininga ang iba. Inalis ni Aliza ang tingin nya sa dagat at humarap sa mga kaibigan, nasa pinaka-dulo sya ng balkonahe at naka-upo sa sahig.

Aliza: "Sa palagay nyo... may kinalaman yun?" Nanlaki ang mga mata ni Mikay at Nickie. "I mean... iniisip ko rin... don't you think--"

Nickie: "Stop it, Liz." Putol nya sa kaibigan. "Diba napagkasunduan na natin to forget all about it? Tama na, wag na nating isipin yun."

Aliza: "Pero Niks, hindi impossible..."

Nickie: "Hindi imposible? So kailangan sisihin natin agad yun? Diba pwedeng may ibang dahilan muna? Napagkasunduan na kasi natin na ibabaon na sa limot yun diba?" Sagot nito at binitawan ang kamay ni Valerie.

Mikay: "Tama na. Hindi maganda kung iisipin natin yang mga ganyang bagay ngayon eh. Lalo lang gugulo ang sitwasyon. Magbigay na lang kayo ng ibang suggestion... yung di nakakatakot at di tungkol dun." Marahang paliwanag sa mga kaibigan.

Joy: "Pero Aliza's right, guys. Pa'no nga kung may connecting to dun?" tanong nya. "Ay este, connection pala?" Naka-upo ito sa kaliwang tabi ng tumba-tumba.

Nickie: "Tama na nga kasi, ang mahalaga okay si Valerie."

Aliza: "Pero di man lang natin aalamin yung dahilan?! Eh pa'no kung sa susunod may mangyaring ganyan na naman?"

Joy: "Yeah, tsaka dapat malaman natin kung may connection ba yun dun sa--"

Mikay: "Tama na! Okay okay. Siguro weird at kakaiba nga yung nangyari pero pwede ba? Wag muna nating isipin yung tungkol dun?"

Nickie: "Stop it na." Napa-tingin sa kanya ang mga kaibigan. "Wag na lang natin isipin, kasi okay na naman si Valerie, diba Val?" sabi nito sabay tingin sa kaibigan.

Joy: "The point is okay na nga sya, pero what is the cause kung ba't sya nagkakaganyan?! Anong nangyari ba talaga?" Pag-aalala nito.

Nickie: "Napag-usapan na nga natin yun diba?! Hindi na natin uungkatin anything about that damn night!"

Joei: "Stop," sabat nito habang nakasandal sa haligi sa may tabi ng tumba-tumba. Napa-tingin lang ang iba. "She's right guys. Naglalaro na rin sa utak ko yung ginawa natin baka may kaugnayan yun dun."

Nickie: "Gosh! Pati ba naman ikaw Joei? Tama na nga yan." Awat nito.

Joei: "Look," sabi nito at kumunot ang noo, "it may sound foolish pero, may pag-asa. Wala namang sugat sa mga mata nya, pero dumudugo? Anong explanation ang pwede nyong sabihin?"

Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon