CHAPTER 22

783 19 4
                                    

(Dedicated to boooooooonjing. Hellooo!! I know this isn't the chapter I promised you, pero kasi wala pa akong maisip para doon sa SS, kaya ito nalang muna.
Thank you for your consideration! Haha

Bitin din pala 'to, guys. Gusto ko lang talaga mag-bigay na rin update sa inyo, baka kasi maubosan pa ulit ako ng tinta kung pipilitin kong mag-sulat pa.

Salamat sa pag-intindi!

Mag-ingat ho kayo palagi.)

-------------------------------------

Nagising ako ulit dahil umingay na ang paligid. Narito na marahil ang iba pa naming mga kaibigan.

Bago ko pa man maimulat ang mga mata ko, nagulat na ako dahil sa tila maliit at malambot na kamay na humaplos sa kaliwang kamay ko, "Hindi pa rin po ba siya nagigising?" ani ng maliit na tinig.

"Baby," I got even more shocked because of that unfamiliar, hoarse voice, "tigilan mo 'yan. Baka magising siya sa sakit."

Right... nakahawak kasi ito kung saan naroon ang dextrose ko.

"Naku! Hindi 'yan. Mabuti nga kung magising sa sakit eh. Ang tanga-tanga niyan."

"Putang-ina ka talaga, Nathasia," bigla ay napa-mulat ako para tignan at murahin siya.

"May bata, Samira!" kaagad na saway ni Kreiza.

"Bleh! Buti nga–" binato ko nga ng apple sa bedside table.

"Stop it, you guys! Samira Braunx, may bisita ka!"

Kaagad rin akong natigilan upang ilibot ang mga mata sa silid.

Dumako ito sa isang matangkad na babae. She's like the epitome of morenang dalagang pilipina because of her features.

She was wearing a fierce expression but when our eyes met, she flashed the most beautiful and contagious smile I've ever encountered in my entire existence.

I didn't know that a person's smile could actually look so beautiful...

Plus, her brown expressive eyes were not helping at all!

It was magnetic.

"Teh, 'yong bata ang sinasabi namin," bigla ay narinig ko si Franklin.

Napuno ng tawanan ang silid kaya namula ako ng sobra.

Kaagad ko namang binalingan ng tingin ang bata na may maganda ring ngiti sa labi na napa-bungisngis dahil sa narinig. Hindi ko alam kung naintindihan niya kung bakit sila tumatawa o dahil masaya lang siyang gising ako.

Marahan pa rin niyang hawak ang kamay ko.

"Hello po, Ate! Buti nalang po at nagising ka na. Gabi-gabi po ako nag-ppray kay Papa Jesus na gisingin ka na kasi nag-aalala na po ako sa inyo eh." Natawa ako ng bahagya dahil ang daldal niya, "Salamat po Ate ha? Sinave niyo po kami ni mikmik."

A genuine smile painted on my face.

"You're welcome, baby girl..." I said softly, "Pero alam mo ba na ikaw talaga ang nag-ligtas kay Ate Sami mo?"

"Po? Eh, wala naman po akong ginawa ah?", tumingin ito sa babaeng tinignan ko kanina, "Sabi nga po ni Ate ay pasaway at nag-bad daw po ako..." napa-nguso pa siya na akala mo ay nag-susumbong.

Ang cute!

"Bakit niyo po nasabi na ako po ang nag-ligtas sa'yo?" dagdag pa nito nang hindi ako kaagad sumagot.

Inilibot ko ang aking mata sa mga kaibigan bago ko siya binalingan ulit.

Because when I got myself busy into ending my life. You were also so busy saving one... that you actually managed to save two.

"Kasi pinag-pray mo po si Ate na magising na. Kung hindi dahil sa'yo, baka tulog pa ako at hindi pa okay."

I smiled at her and gently felt her hand.

"So, thank you for saving me, Artemis."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Student Seductress (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon