DENISE POV
Paglabas ni Xavier ay lumabas na din ako. May pumasok kasing couples. LQ ata.. I dunno.
Tapos naman din ang klase ko kaya I've decided na umuwi na lang.
Na sana hindi ko ginawa. Nasa parking area na ako when I saw Jayvan making out with a girl. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang naninikip at pinipiga ang dibdib ko na hindi ko maexplain. Nag-iinit yung sulok ng mga mata ko.
Gossh! Kinalimutan na ba niya talaga ako? Nakamove on na ba siya sa akin?. Nagtama ang mga mata namin dahilan para umagos lahat ng luha ko sa mata. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Blanko lang ang ekspresyon niya.
Umiwas ako ng tingin at dumiretso sa kotse namin. Doon ko binuhos lahat ng sakit. Ang sakit malaman na parang wala na nga siyang pakealam sayo. Xavier is wrong. He doesn't care anymore.
Pagdating sa bahay umiiyak parin ako. Nagpasya kong dumiretso sa kwarto. At sa wrong timing na pagkakataon nakasalubong ko sina Dad at Mama pababa. Nakita nila akong umiiyak. Agad akong yumuko. At pumasok sa kwarto ko.
Wala akong mapagsabihan. I feel so helpless. I feel so alone. I feel like I'm worthless. Wala akong kwenta pero ako pa rin 'yung nasasaktan. Am I not worth to be happy? Hindi ba matatapos ang araw ko kung hindi ako iiyak .. masasaktan.?
Nilapag ko lahat ng gamit ko sa sahig. Pumasok ako sa bathroom and then I don't know what happen but everything went black.
ISABEL'S POV
Bilang ina masakit makita na nahihirapan at nasasaktan ang anak mo. Kahit wala kang kinalaman feeling mo ikaw yung may mali.
Seeing my precious daughter cry like that nadudurog ang puso ko. Wala akong magawa. Ni hindi ko man lang siya magawang tulungan o iComfort man lang.
*Booog!*
Napapitlag ako ng may marinig akong malakas na pagbagsak.
"What was that?" Tanong ko sa asawa ko.
"I don't know.. but it came from the 2nd floor." He said. At para bang may pumasok sa isipan niya at tumakbo paakyat ng hagdan.
Sumunod ako sa kanya. At napagtanto kong sa kwarto ni Denise siya patungo. Lalo itong nagpakaba sa aking dibdib.
"Why are we here?" I asked.
Hindi siya sumagot. He try to open the door ngunit nakalock ito.
"Fvck! .. paki kuha ang susi nito." Sabi niya. Kahit wala akong alam kung ano ang nasa isip niya ay sumunod ako.
Binigay ko sa kanya ang duplicate key ng kwarto ni Denise. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin na nakahandusay si Denise. Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang anak kong ganoon. Nanatili akong nakatayo.
Agad namang lumapit si Gab sa kanya at binuhat patungong kama. May tinawagan siya sa pagkakarinig ko ito ang Family Doctor namin.
Hindi ko mapigilang umiyak. Anong nangyari? Bakit siya nawalan ng malay.
"Hey.. Calm down.. Isabel. She's okay no need to worry.." sambit ng asawa ko habang hinahagod ang likod ko.
"This is all my fault.. kung hindi ko lang sana siya kinontrol.. if I became a good mother hindi mangyayari ito. Napakawalang kwenta kong ina... I'm not a good mother!" Iyak na sabi ko.
Wala nga talaga akong kwenta. Una nawala na ang panganay kong anak. Ngayon naman ito. Anong klase akong ina na hinahayaan ko lang na masaktan ang mga anak ko.
Ilang oras pa dumating na ang doctor. Chineck niya ang vital signs ni Denise. Pagkatapos niyang ibigay ang mga gamot kinausap niya kami.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nahimatay siya dala ng masyadong emotionally. Base on what I see galing siya sa pag-iyak. Kailangan niyang itake ang mga gamot na nireseta ko at pahinga.." sabi ng Doctor.
Pagkaalis ng Doctor ay nanatili ako sa kwarto ni Denise. Pinagmamasdan ko ang kanyang magandang mukha. Oh Lord!.forgive me for what I have done to my daughter.
Pinipiga ang puso ko makita siyang ganyan. Nakikita ko din yung mga eyebags niya. She's so stress sa problema ba naman na kinakaharap niya. At ako na magulang ako pa yung kontrabida.
"I'm sorry sweetie... I'll make things right.." sabi ko at hinalikan ko ang kanyang noo.
Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko ang maaring makatulong sa akin para bumalik ang anak ko sa masayang siya. And I hope this will make things right.
JAYVAN'S POV
Sa dala ng galit ko hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinila basta na lang ang isang babae at hinalikan. Wala akong pakealam kung sino mana ang makakakita sa amin.
Ang sakit. Hindi ko matanggap lahat ng ito. Pinili ko ba ang maling desisyon? O nakatadhana talaga na hindi kami para sa isa't isa. Ewan. Hindi ko alam. Bakit sa lahat mg situation kailangan mong pumili?
Umuwi ako sa bahay. Nakasalubong ko pa si Mommy na kakarating lang.
"Hi. Son!" She said. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.
"Hi Ma. Akyat lang ako." Sabi ko.
Nagkulong ako sa kwarto. Ayokong makakita ng ibang tao ngayon. Baka ano pa ang magawa ko. This pain is killing me. Wala na ba talaga kaning pag-asa? Kailangan ko na ba talagang kalimutan siya? At maghanap ng iba.
Ilang oras ang nakalipas may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. At doon nakita kong papasok si Mama.
"Hi. Here's your meryenda. Hindi ka bumaba kaya dinala ko na lang dito." Sabi niya. At nilapag ang tray sa kama ko.
"Thanks Ma." Sagot ko. Pero imbes na kainin ang Pie na nasa harap ko. Tinitigan ko lamang ito. Every single thing reminds me of her. Kahit hindi konektado sa kanya. Siya pa rin yung nasa isip ko.
"Are you alright?" Tanong ni Mama.
"You seem not fine."
Sabi nila mothers knows best. Nanay ko siya and it is okay naman na sa kanya ako tatakbo sa oras ng problema hindi ba.
"I think I'm not.." mahina kong sabi.
"I think I know the reason kung bakit ka ganyan..?"
"Maybe.."
"Come on .. tell me."bumuntong hininga ako.
"Ma.. why is it so hard to choose the right desisyon.Yung kailangan mong pumili pero lahat naman may consequences. Ang hirap eeh. Sa bawat desisyon may masasaktan. Pati ako nasasaktan. "
"Alam mo Jayv.. hindi lahat ng pagkakataon kailangan mong pumili ng isa. Parang test question lang yan sa exam. Sa choices may A at B na contradicting sa isa't isa. Pero tandaan mo sa choices may C din. Na ang sagot all of the above. You can choose them both at kailangan nong ijustify bakit. At sa reyalidad kailangan mong ipaglaban ang napili mo para makuha mo ng tama abg desisyon mo ng walang nasasaktan.You can do that anak. Your the most handsome right? .. I'm always here.for you."
Ilang sandali lumabas si Mama. Napag-isip isip ko na tama talaga ang sinabi ni Mama. Bakit hindi ko iyon nagawa?
Ilang minuto lang ay tumunog ang aking cellphone kinuha ko ito at nagulat kung sino ang tumatawag.
Bakit kaya?
----
Sorry for late UD.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend
Fiksi RemajaSa isang pagpapanggap. Mauuwi ba sa isang pagmamahalan? o pipilitin ng isa na kalimutan na lang ang nararamdaman para maiwasang masaktan O ang isa na handang isuko lahat para ipaglaban ang nararamdamang pagmamahal.