MFB '14- Come back

1.4K 28 3
                                    

"...Xavier?"

Kinuha ko ang phone ko sinenyasan ko si Denise na babalik lang ako. Sinagot ko ung tawag.

["Hello?"]

Hindi pa rin sya nagbago ultimo boses nya un parin. Pero hindi mo pa din maiitatanggi na may nangyaring hindi mo aakalaing mangyayari na sa isang matibay na samahan ay mabubuwag lang.

Kahit nag-away kami hindi ko parin binura ung number nya. At hindi parin nag babago ang tingin ko sa kanya. Hindi pa din pala sya nagbago ng number.

"..Xavier?"

["Bro!kamusta ka na.?"]

"A-ah.. mabuti naman ikaw?"

["Oh? Bakit ganyan boses mo?kinakabahan ka ba?"]

"Ah.. kasi yung nangyari sa atin--"

["Tsk! Bro kalimutan mo na 'yon matagal na 'yon. Let's just forget how past ruin us. Let's be Jayvan and Xavier against the world,right?. Ibalik natin 'yon?"]

"Oo tama ka. So saan ka ngayon?"

["Kakadating ko lang. Galing akong Canada. 4 years din ako doon. Ikaw? Balita ko may girlfriend ka na? Pakilala mo naman sa akin."]

"Ah. Oo meron, kasama ko sya. Kita tayo bukas?"

["Bro! Tinik mo pa rin. Sige. Ibababa ko na ito. Baka nakakaistorbo ako. Bukas na lang."]

"Sige Bro!"

At tinapos na namin ang tawagan. After 4 years ngayon na lang ulit kami nagkausap ni hindi ko naman alam kung ano nang nangyari sa kanya.

Bumalik na ako kay Denise. Nakita ko syang nakatingala sa langit maggagabi na pala.

"Oh! Sino yon?" Tanong nya nang nakita nya akong papalapit na.

"Yung kaibigan ko. After 4 years ngaun ko na lang sya nakausap."

"Hmfp! Haba din noh?!

"Uwi na tayo. Maggagabi na."

"Ok. Hatid mo ako ahh."

"Ok!"

At naglakad na kami papunta sa bahay ko para kunin ang kotse ko.

Sana nga nakalimutan na nya ang nangyari nang nakaraan. Gusto kong ibalik ang pagkakaibigan namin.

Denise's POV

Dumating na sina mommy galing bakasyon nila. Nauna kasi silang umuwi dahil sa problema ni Jayvan at ngayon maayos na ang lahat.

It's sunday, plano ko sanang mag-aral but Jayvan want me to introduce to his best friend kaya eto ako ngayon hinihintay sya.

As if on cue dumating na sya.

"Sorry.. I'm late traffic eeh." Sabi nya at pumasok na ako sa kotse nya. These past few days nagiging mabait si Jayvan he's not na the typical bad boy I know. And I admit gusto ko na sya. Until like lang naman. Yes, i like him na already pero iba ito ngayon. Sana hindi ito umabot sa love 'cause I can't. He's still the bad boy.

"Tahimik ka ata.?"

He asked while driving.

"M-may iniisip lang."

"Ah. School stuff?"

"Yes."I lied. Alangan namang sabihin ko 'ikaw ung iniisip ko kasi gusto na kita' parang inamin ko naman.

"Were here!"

He stop sa tapat ng isang "COFFEE SHOP?"napalakas ung pagkakasabi ko. I thought kasi sa isang restaurant or something. I didn't expect naman na here.

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon